MPB - 13

3.4K 79 6
                                        

CHAPTER 13

TIFFANY'S POV

"Babs, ang ganda mo." sabi ni Diego.

"Ha! Alam ko. Inggit ka no? Sinasabi ko na nga ba. Bakla ka." sabi ko. Tumawa naman yung mag-jowang sina Jacob at Samantha, idagdag mo na rin yung kapatid niyang si Emman.

Binatukan naman ako ni Diego. Leche, di ko nakita yun ah. "Gaga, di pa kasi ako tapos. Ang ganda mong ilampaso." sabi niya. Aba't..ugh.

"Ikaw, Kwags. Ang sarap mo." sabi ko. Halata namang nagulat siya sa sinabi ko.

"H-ha?" sabi niya. Hahaha! Sira ulo, uutal utal epek pa to.

"Oh, bat ka nauutal? Hindi pa rin naman ako tapos eh. Ang sarap mong paliguan ng muriatic acid." sabi ko. Ha! Gumanti lang naman ako no.

Kinurot niya ng madiin yung magkabilang pisnge ko, ginawa ko rin naman sa kanya yon. Pero, mas madiin.

"Babs, masakit! Sobrang diin!" reklamo niya.

Mas lalo ko namang diniinan. "Gago, ginagaya lang naman kita! Bitawan mo na nga yung pisnge ko!" sigaw ko. Binitawan niya naman kaya, binitawan ko na rin.

"Ang sakit, Babs." sabi niya habang hinihimas himas yung pisnge niya.

"Hihi, sorry." sabi ko at kiniss yung cheeks niya. Kinuha ko yung malaking chichirya na Mang Juan sa maliit na table na nasa harap ng sofa. Nilagay ni Emman dun eh. Ano bang tawag dun?

Binuksan ko yon. Inalok ko siya, kumuha naman agad siya. May kanya kanya kaming buhay ngayon dito.

Si Sam at Jacob, magka-holding hands. Hawak nila yung cellphone ng isa't isa, nagpalit pa nga ata ng cellphone eh. Pano ko nalaman? Nakilala ko yung case eh.

Casing ng cellphone ni Jacob, naka-nguso sila ni Sam. Yung kay Sam naman, naka-ngiti lang sila pareho. Kahapon lang ata nila pinagawa yan. Sweet ba? Ewan.

Si Emman, may hawak na bowl na may boy bawang habang nanonood ng tv. Naka-ear phones pa. Shunga lang eh, no? Nagsayang lang ng kuryente.

Pinasok ko yung kamay ko sa...yung sa chichirya tapos kumuha. Eh, parehas pa kami ng nakuha ni Diego.

"Akin to." sabi niya.

"Duh, ako yung unang nakahawak." sabi ko.

"Ako kaya!" sigaw niya.

"Ako nga eh! Pag hindi mo to binigay sakin, break na tayo!" sigaw ko, binitawan niya naman at pinakain sakin. Ha!

"Ano, Diego. Under ka pala eh. Hahaha." pang-aasar ni Jacob.

"Oo nga, Diego. Hahaha! Wala ka pala eh." sabi naman ni Emman.

Umirap nalang tong katabi ko. "Babs naman eh, chicharon lang, makikipag-break ka na agad." sabi niya.

"Ako nga kasi unang nakahawak non." sabi ko at nagpatuloy na sa pagkain.

SAM'S POV

Loko talaga tong dalawang to. Pati ba naman chichirya, pinag-aagawan. Grabe. Pano nalang kaya pag umalis kami nila Emman at silang dalawa lang ang naiwan dito? Sira-sira na kaya ang mga furniture dito pagbalik namin?

Hawak ko ngayon yung cellphone ni Jacob. Pumayag naman siya na mag-tweet gamit yung twitter niya. Ganun din naman ang ginawa niya.

'@DJalcantara: Hi guys! Gusto ko lang sabihin na, sobrang ganda ni @ronquillokath. :))'

My Popular BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon