MPB - 12

3.4K 85 8
                                    

CHAPTER 12

JACOB'S POV

*riiinnggg!*riiinnggg!*

Diego Ramirez calling...

Jacob: ["Hel---"]

Diego: ["JACOOOOOB!!"]

Jacob: ["Leche, anong problema mo?"]

Diego: ["Si Sam!!"]

Jacob: ["ANONG NANGYARE KAY SAM?!"]

Diego: ["Pumunta ka nalang dito sa apartment niya! Bilisan mo! Bago siya ma--- *toot*toot*toot*"]

Pamura ah?

SHIT!

DIEGO'S POV

["Pumunta ka nalang dito sa apartment niya! Bilisan mo! Bago siya ma--- *toot*toot*toot*"] ...inip."

"Kwags, anong nangyare?" tanong ni Babs.

"Naubusan na ko ng load. Hindi pala ako nakapag-unli." sagot ko.

Pinitik niya ang sentido ko. "Ayan kase. Palagi kasi akong iniisip." sabi niya at pinuntahan si Sam.

Nandito kami ngayon sa apartment ni Kathryn Samantha. Balak niya daw kasing sagutin si Jacob ngayong araw. Tinawagan nga kami kaninang 5am para magpatulong eh.

Well, ang cute naman ng idea niya. Nagpatulong siyang magdikit ng iba't ibang kulay na post-its sa ding-ding na may nakasulat na 'yes' bawat isa.

Sa ngayon, malapit na silang matapos magdikit ng mga post-its. Naka-form na nga sila ng heart eh. [A/N: Hiro-Mich Lovestory.]

Nagulat naman ako ng may tumamang throw pillow sa mukha ko. At mukhang si Tiffany ang bumato.

"Kwags, mamaya mo na sabi ako isipin! Nandito lang ako oh! Tulungan mo na kami dito!" sabi niya.

SAM'S POV

Wooooooh! Kinakabahan ako!

Pano na kaya kung magalit siya? Nakakainis naman kasi yung sinabi ni Diego eh!

"Friend, wag kang kabahan." sabi ni Tiffany.

"Eh pano ako hindi kakabahan kung ganon ang sinabi nung boyfriend mo kay Jacob?!"

Oo, sila na. Kainis. Naunahan pa nila ko. Pero, akalain mo yon? Nagkainlaban nga silang dalawa kahit palaging nagbabangayan.

"Ay, oo nga. Ikaw kasi, Diego eh!" sigaw niya kay Diego na kasalukuyang naka-abang sa labas ng gate. Oo, maririnig ni Diego yan. Tiffany pa. Lakas kaya ng boses neto.

==========AFTER 2 DAYS==========

"Oh, ano? Ready na kayo?" tanong ko sa kanilang tatlo.

Ngayon kasi ang biyahe namin papuntang Laguna. Saturday na ngayon and luckily, wala kaming appointment ng boyfriend ko ngayon hanggang next next week.

Yes, boyfriend. Sinagot ko na nga nung isang araw diba? Akala ko nga magagalit siya dahil dun sa sinabi ni Diego eh. Pero, buti nalang hindi.

"Ready na kami ni Babs!" sigaw ni Diego.

"Oh, tara na." sabi ko at lumabas na kami. Ni-lock ko ang apartment at pumunta ba sa kotse ko.

"Kanino ako sasabay?" tanong ni Tiffany.

Marami kasi silang dalang gamit dahil three days kaming magse-stay doon. May retreat kasi ang teachers ng three days kaya, yun.

Anyway, gawa nga ng maraming gamit, dinala narin ni Jacob yung kotse niya. Dalawa nga lang kasi ang seats ng kotse namin diba? Mercedes benz slk yung akin, Porsche box naman yung kay Jacob. Search niyo pa, dalawa lang ang seats non.

My Popular BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon