MPB - 11

3.9K 89 8
                                        

CHAPTER 11

SAM'S POV

When you've been fighting for it all your life,

You've been struggling to make things right.

That's how a superhero learns to fly ~ (Every day, every ho---

Sam: ["Good morning, mommy."]

Mommy: ["Good morning din, Sam. Kamusta ka naman diyan?"]

Nagkamustahan kami ni mommy sa phone, oviously. Nabalitaan ko naman na nasa Pilipinas na ulit siya. Maraming tinanong si mommy gaya ng, kelan ba graduation, may pera pa daw ba ako at---

Mommy: ["May umaaligid na manliligaw ba diyan?"]

Yan na nga ba ang sinasabi ko eh. Mapapadapo rin sa usapang ito. Bumuntong hininga na muna ako bago ulit magsalita.

Sam: ["Yes, mommy. There is."]

Mommy: ["Great! Who is he? What's his name?"]

Sam: ["Seriously, mommy? Okay lang sayo?"]

Mommy: ["Of course, anak. Malaki ang tiwala ko sayo. Now, tell me his name."]

Sam: ["You won't believe me pag sinabi ko sa inyo ang pangalan niya."]

Mommy: ["Fine. Let's drop that topic. Pero, anak, kung alam mong magiging mabuti ang desisyon mo diyan sa lalaking yan, go ka lang ng go. Basta, Sam, know your limitations."]

Sam: ["Grabe ka naman, mommy. Hindi ko pa nga sinasagot eh."]

Mommy: ["Hahaha. I got excited eh. We'll visit there soon, okay?"]

Sam: ["Wag na, mommy. Kami nalang po pupunta."]

Mommy: ["Kami?"]

Sam: ["Yes, mommy. Apat po kaming pupunta diyan. Isasama ko po yung choreo nila Emman tsaka yung bestfriend ko. Di ko lang po sure kung pati si toooot isasama ko."]

Mommy: ["Ah, okay. Mabuti na rin yon. Makikilala ko na rin ang bestfriend mo. Pero, si toooot ba si manliligaw? Sana boyfriend na pag pumunta na dito. Hihi. Anyway, makikitulog daw si Emman diyan mamaya. Wala siyang pasok bukas. Next time nalang ulit tayo mag-usap. Bye, Sam. Take care."] sabi ni mommy at in-end na ang call.

Sunday ngayon. Hay.

Kahit gustong gusto kong lumabas ng apartment na to, eh hindi ko magawa. Pano ba naman kase, malapit na yung graduation namin. So, malapit na rin yung finals. ARGH! Kainis naman oh! Dagdag mo pa yung pagpunta ng kapatid ko dito.

Isang taon lang ang agwat namin, pero parehas lang kaming 4th year. Grabe nga yang batang yan eh. Kayang mag commute papunta dito galing Laguna. Napaka-gala.

Kinuha ko ang limang libro at notebooks ko at inaral ang mga yon. Kadugo ng ilong eh. Aba, kahit first honor ako, nahihirapan din naman akong mag-aral.

Dalawang oras na ang nakalipas pero nasa pangatlong libro palang ako. Leche talaga tong Physics na to. Kung sana mataas magbigay ng grade si Ms. Arboladura eh ihuhuli ko nang aralin to. Leche, kainis talaga!!!!!

Bumaba ako at pumunta sa kusina para kumain. May natirang kanin pa naman dito kaninang umaga eh. Ininit ko nalang. Nagsandok ako ng ulam at nagsimulang kumain.

*ding*dong*ding*dong*

Ay. Ano ba naman yan. Istorbo sa pagkain eh.

Nagpunas na muna ako ng bibig bago lumabas. Si Emman pala. Binuksan ko yung gate, niyakap naman agad ako ni kapatid.

My Popular BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon