CHAPTER 33
JACOB'S POV
"Annnnnnnd, cut. Okay, 5 minute break." sabi ng direktor at nagsipagbalikan kami sa mga tent namin.
Kinuha ko yung cellphone ko na nakapatong sa maliit na drawer at tinitigan ang wallpaper non. Naluha na naman ako.
Pinalitan ko ang wallpaper ng cellphone ko. Kung yung wallpaper ko noon ay kaming dalawa, ngayon, si Sam nalang.
Ano na kayang ginagawa niya ngayon? Nakikinig ba siya sa mga kanta ko tulad ng dati?
"I miss you, so damn much. Mahal na mahal kita, Samantha." bulong ko at hinalikan yung picture niya.
Nagulat naman ako ng may bumato sakin ng isang box ng tissue. Nilingin ko kung sino yon, si Lianne na naman pala.
"Nagse-senti ka na naman mag-isa diyan." sabi niya at nilapitan ako. "Nakita mo ba siya kanina? Dadaldalin nga sana kita kanina pero napansin kong umiyak ka na naman kaya hindi ko na tinuloy. Kwento ka naman diyan." sabi niya at umupo sa tabi ko.
Huminga ako ng malalim at sinabing, "Hindi niya ako kilala." sabi ko.
Napatayo siya. "Hindi ka niya kilala?! Bakit naman?! Ang bitter naman niya kung ganon!" sabi niya. Bakit naman naging bitter?
"Amnesia, tanga." kalmado kong sabi kaya nabatukan ako.
"Maka-tanga naman to. Sorry ah? Nawala sa isip ko na nabangga nga pala yung kotse niya, naalog yung utak niya." sabi niya kaya napatungo ako.
"Oh my gosh, it's not what I meant." sabi niya at hinawakan yung balikat ko. Nginitian ko nalang siya.
***
"Jake, sa Hotel Grande daw tayo magse-stay. Sunod ka nalang ha? Byeeeeeee!" sabi ni Lianne at umalis na sila.
Sumakay ako sa kotse ko at sinuot yung jacket ko, nagdala na rin ako ng cap at shades.
Gusto ko lang tumambay saglit sa isang tahimik na lugar. Para ma-absorb ng utak ko yung nagyari kani-kanina lang.
Dire-diretso lang ako sa pagmamaneho pero nagpreno rin ako dahil may asong bigla nalang tumawid, idagdag mo pa yung babaeng humabol sa aso. Muntik ko na silang masagasaan. Binuhat siya nung babae at niyakap.
Wala naman akong ginawang nakakahingal pero naghahabol ako ng hininga. Naalala ko na naman yung aksidenteng nangyare, limang buwan na ang nakalipas.
"Grabe, AJ! Muntikan na yon ha! Bakit ba basta-basta ka nalang tumatawid? Nakuuu! Malalagot ako sa amo mo!" sabi nung babae----
Wait, is that my girlfriend?
Bumaba ako ng kotse. Nakita ko naman ng malinaw ang mukha nung babae. She really is my girlfriend, nasa kabilang kalsada sila.
I was about to hug her pero naalala ko. May amnesia nga pala siya.
"Huwag mo siyang biglain, Jacob. Tulungan mo nalang siyang mabalik ang ala-ala niya. Hindi yung susulpot ka nalang bigla at sasabihin mong girlfriend mo siya at boyfriend ka niya. Baka matakot pa yon. Point ko? Make friends with her. Hayaan mo na muna yung Alex na sinasabi mo pati yung nanay niya."
Nag-replay sa utak ko yung sinabi kanina ni Lianne bago matapos ang break time namin. Tama, hindi ko dapat siya binibigla.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan yung balikat niya. Napatili naman siya dahil don. Pero nakita kong nakahinga siya ng maluwag nang tanggalin ko yung shades ko.

BINABASA MO ANG
My Popular Bachelor
FanfictionI'll do everything for him to be My Popular Bachelor.