MPB - 30

2.2K 55 1
                                        

CHAPTER 30

JACOB'S POV

"Jacob, kamusta naman ang maikling bakasyon niyo sa California?..."

"Bali-balita sa social media sites na may nakakita sa inyong dalawa na magkayakap sa Griffith Park. Maaari bang..."

Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Dapat pala nagpatawag na muna ako ng mga escort nung nasa Cali pa kami.

Dala na namin ang mga gamit namin. E-exit na sana kaming lahat ng harangin kami ng mga reporters ngayon.

Hawak ko ngayon ang kamay ni Samantha at yung ibang gamit ni DK, ganun rin naman si Sam. Tapos si Tiffany at Diego yung kumuha ng mga bagahe namin nung harangin kami ng mga reporters na to para daw madali kaming makatakas sa kanila.

Nagpaready na rin si Ken ng taxi, naka-abang na nga sila eh.

Eh ang kaso, sa sobrang dami nila, hindi pa rin ata kami makakalusot nito.

"EXCUSE ME! EXCUSE ME! KAILANGAN NA PONG UMALIS NI JACOB! PAGOD PO YAN SA BYAHE!" rinig kong sigaw ni Ken.

Hindi nila pinansin si Ken at patuloy sa pagtatanong ng kung anu-ano. Kesyo anong ginawa namin, san daw kami pumunta, blah blah blah...

"Jacob, may nakakita raw sa inyo ni Sam na nag-kiss sa may Griffith Park. May relasyon na ba kayo ng model na si Samantha?"

At dun na sumabog ang kaloob-looban ko. Inakbayan ko si Sam.

"Please, allow us to leave the airport in peace. My girlfriend is not feeling well." sabi ko. Medyo nasisilaw na nga ako kahit may shades dahil masyadong malakas ang flash ng mga camera nila.

"I'll have an interview soon. You may leave now. Let's go, babe." sabi ko at hinila na si Sam papunta dun sa taxi na sasakyan namin.

***

"Pano na yan, kalat na yung relationship natin." sabi ko at nagtakip ng mukha.

Ayaw kasi si Sam na maging public ang relationship namin. Pumayag naman ako don sa sinabi niya sakin dahil alam kong guguluhin at guguluhin lang siya ng mga tao.

Naramdaman ko naman na niyakap niya ko sa likod. "Okay lang yun. Hayaan mo nalang." sabi niya.

"Okay lang sayo na guluhin ka ng iba?" tanong ko.

"Ehhhh..Hindi. Pero, wala na naman tayong magagawa eh. Hayaan nalang." sabi niya.

Nandito kami sa apartment niya. Hinarap ko siya. "Pa-kiss nga." sabi ko.

SAM'S POV

Hinawakan ko yung pisnge niya at agad ko siyang hinalikan. Naramdaman kong nilagay niya yung mga kamay niya sa bewang ko, nilagay ko naman yung mga kamay ko sa batok niya.

Dahan-dahan niya akong binuhat at umupo siya sa sofa. Umikot sa bewang niya yung mga binti ko habang nakaupo ako sa lap niya.

Naramdaman kong hinahaplos niya pataas at pababa yung likod ko. Hanggang sa kabigin niya ko na dahilan ng pagdikit ng katawan namin.

*Kriiinnggg!*Kriiinnggg!*

Bumitaw siya sa labi ko and planted kissed on my neck. Habang ako, patuloy na sinasamsam ang bawat minutong magkayakap kami.

*Kriiinnggg!*Kriiinnggg!*

Napadilat ako dahil sa nakakairitang tunog ng cellphone ni Jacob. Sakit sa tenga eh.

*Kriiinnggg!*Kriiinnggg!*

"Jake..." hindi ko nasabi ang sasabihin ko dahil hinalikan niya ako.

My Popular BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon