CHAPTER 28
JACOB'S POV
"Oh my gosh, pare!" sabi niya habang kumakaway at tumatakbo palapit samin.
"Pareeeee! I miss you, bro!"
Kung iniisip niyong ako yan, nagkakamali kayo dahil si Ken at Diego yan. Kasalukuyan silang nagyayakapan ngayon. Para silang mga bading, nakakadiri.
At kung nagtatanong rin kayo kung bakit nandito yan, eh sasama daw siya. Ang unfair naman daw kung hindi daw siya kasama.
"Kamusta ka, dude?" tanong ni Ken.
"Ayos lang, bro. Gwapo parin." sabi naman ni Diego sabay pogi-pose. Nag-high five naman silang dalawa.
"Ay, Jacob. May kasama nga pala ko. Okay lang ba? Friend ko siya, nakilala ko sa Hong Kong. Two weeks ago lang siya naka-uwi." sabi ni Ken.
"Ah, sige. Okay lang." mahina kong sabi. Natutulog kasi si Sam ngayon, nakapatong yung ulo niya sa balikat ko. Naka-akbay naman ako sa kanya. 8pm narin kasi. Si DK? Wala, kasama sa mga bagahe.
Tumabi si Ken sakin. "Alam mo, dude, nakaka-inggit kayong dalawa. Hay. Basta. Pag ako naka-hanap ng labidoo, papatayin ko kayo sa inggit." sabi niya, umirap nalang ako. Nag-pout naman ang loko at nakipag-daldalan kila Diego at Tiffany.
Nandito na kami sa waiting area sa airport. Mabuti naman at wala masyadong tao ngayon dito kundi, hindi makakatulog ng ganito kahimbing si Samantha.
Nagulat naman ako ng bigla akong yugyugin ni Ken. "Uy, andyan na yung kasama ko oh! Pare, dito!" sigaw niya habang kumakaway dun sa lalaking papalapit dito. Teka, familiar yung mukha niya ah.
Nang makalapit na siya, naramdaman kong uminit ang dugo ko. Sakto namang biglang nagising si Sam. "Uy, Alex! Bakit ka nandito?" tanong ni Sam.
"Sasama ko kay Ken sa Cali. I didn't know na kayo pala yung mga 'kasama' niya na sinasabi niya." sabi niya tapos ngumiti. Bwisit.
"Ah, okay. Sige na, upo ka lang diyan." sabi ni Sam tapos hinawakan yung kamay ko. Tinignan ko siya.
"Alam kong naiinis ka, hayaan mo nalang siya, Jacob. Bestfriend ko lang naman siya." mahinang sabi niya.
"Oo, bestfriend lang ang tingin mo sa kanya. Eh siya? May pakiramdam akong may gusto sayo yung lalaking yon." sabi ko at umirap. Kahit alam kong hindi niya makikita ang pag-irap ko dahil sa shades.
Hinalikan niya naman ako bigla sa pisnge. "Easy ka lang. I love you." sabi niya tapos humiga ulit sa balikat ko.
Kahit anong gawing paglalambing ni Samantha, ayaw ko pa rin sa BESTFRIEND niya. May kutob akong may gusto siya kay Samantha.
"Calling all the passengers for Philippine Airlines flight PR0126 bound to Los Angeles, California, the gate is now open for boarding."
Nagsitayuan naman kami dahil sa sinabi nung speaker.
***
From: Babe
Wag ka nang sumimangot oh.
Hindi ko nalang pinansin yung text niya at nagpatuloy sa pakikinig ng music.
Tss. Pano ko hindi sisimangot, eh magkatabi si Alex at Sam. Nakakainis, saka ko lang napansin nung nakalipad na yung eroplano. Makikipagpalit pa nga sana ko pero sabi nung attendant na "Stay on your seats" kaya wala na akong ibang nagawa.
Bigla naman ulit siyang nag-text.
From: Babe
Okay lang na hindi mo na muna ako pansinin ngayon. Sus, ikaw pa! Kahit wala akong ginagawa, pag nagselos ka, pati sakin minsan naiinis ka. Hahaha! Pero seryoso na. Pagdating natin sa Cali, I'll try my best to avoid Alex. Pero hindi yung iiwasan talaga. Yung parang ano...ah basta. Ganun. I love you.
BINABASA MO ANG
My Popular Bachelor
FanfictionI'll do everything for him to be My Popular Bachelor.