MPB - 49

1.8K 34 2
                                        

CHAPTER 49

SAM'S POV

"Ewan ko sayo, Ken!" sabi ko kay Ken na kasalukuyang tumatawa habang pinupunasan ang luha.

Sinamaan ko siya ng tingin. Tinulak ko siya at pumasok sa loob ng apartment ko. Nakasimangot akong umupo sa tabi ni Jacob at nag-cross arms.

Rinig ko pa rin mula sa labas yung malutong na tawa ni Ken kaya hindi ko napigilang umirap. Nakakainis, nang-uuto lang pala yung lalaking yon!

Naramdaman kong inakbayan ako ni Jacob. "Baby, anong problema? Anong ginawa sayo ni Ken?" tanong niya.

Umirap ako. "Niloko niya ako, Jacob. Niloko niya ako!" sabi ko at hinilamos ang palad ko sa mukha ko.

Narinig kong napasinghap siya. Magsasalita na sana siya nang biglang pumasok si Ken kaya di na natuloy. "Uy, Samantha! Sorry na! Na-miss lang naman kasi kita eh! Hahaha! Seryoso mo naman." sabi ni Ken at tinabihan ako.

Tinignan ko siya ng masama at umupo sa kandungan ni Jacob. "Wag mo nga akong lapitan! Nakakainis ka! Leche ka, hindi nakakatuwa!" sigaw ko. Niyakap naman ako ni Jacob.

"Samantha, calm down. Namumula ka na oh." malambing na sabi ng boyfriend ko.

Umirap ako at huminga ng malalim. Sumandal na lang ako sa dibdib niya. Nakakainis talaga si Ken. Akala ko talaga problemado. Yun pala.... ARGH!

==========FLASHBACK==========

"Ken, tell me. May problema ka ba?" tanong ko. Nakapatong pa rin yung ulo niya sa balikat ko kaya di ko nakikita yung mukha niya.

Umiling siya kaya hinaplos-haplos ko pa yung likod niya.

"Kung wala kang problema, anong iniiyak-iyak mo diyan? Ken naman eh, hindi ako sanay na malungkot ka. Ano bang nangyare?" tanong ko.

"Nasira..." panimula niya.

"Nasira yung ano?" tanong ko.

"Yung teddy bear na bigay sakin ng tita ko."

==========END OF FLASHBACK==========

"Sam naman eh! Sorry na nga!" sabi niya.

Hindi ko siya pinansin. Naramdaman ko lang na binulungan ako ni Jacob. "Gusto mo, ako na kakausap kay Ken, dun ka na muna sa kwarto mo." bulong niya.

Tumango na lang ako. Wala akong balak magsalita dahil naiinis pa rin ako. At baka pag nagsalita ko, kung anu-anong masabi ko kay Ken.

"Sasamahan kita paakyat." sabi niya kaya tumayo na ako. Hinawakan ko yung kamay niya at hinila siya patayo.

"Uy, Sam!" sabi ni Ken pero hindi ko ulit siya pinansin. Narinig ko nalang na sumitsit si Jacob tapos hinila na ako paakyat sa kwarto ko.

Humiga ako sa kama, tinabihan niya naman ako. "Sorry kay Ken. Ano bang nangyare?" tanong niya pero umiling lang ako. Ayokong magsalita.

I heard him sigh. "Okay, it's okay kung hindi mo ako kakausapin. Magpahinga ka na muna. Ako na kakausap kay Ken." sabi niya.

Nang makatayo siya, bumangon ako. Hinila ko yung kamay niya kaya napatingin siya sakin. Agad akong nag-pout. Mukhang naintindihan niya naman yon dahil dinampi niya ang labi niya sa labi ko.

Why? Gusto ko ng kiss eh.

"Baba na ako. Pahinga ka na diyan." sabi niya at hiniga ulit ako. Tumingin na muna siya sakin bago isara ang pinto.

My Popular BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon