CHAPTER 32
JACOB'S POV
It's been five months.
Sobrang bilis tumakbo ng oras.
Parang kailan lang, nabunggo ko siya at nahulog siya sa hagdan. Na-ospital siya.
Parang kailan lang, kinikilala pa namin ang isa't isa.
Parang kailan lang, nililigawan ko palang siya.
Parang kailan lang, namumula pa siya pag sinasabihan ko siya ng "I love you.".
Parang kailan lang, sinagot niya ko.
Parang kailan lang, pinakilala niya ko sa mga magulang niya, pinakilala ko siya sa mga magulang ko.
Parang kailan lang, nagcelebrate kami ng First and second monthsary namin.
Parang kailan lang, nahahalikan ko pa siya. Nahahawakan ko pa yung kamay niya. Nayayakap ko pa siya.
Parang kailan lang, nasa tabi ko pa siya.
[Scene taken from MPB - 21]
I'm on my way to my girlfriend's apartment. Ano na kayang ginagawa niya ngayon? Nagpe-prepare na kaya siya?
9 na ng umaga nang makarating ako sa apartment niya. Sumilip ako sa bintana, nakabukas na yung tv. Gising na siya ibig sabihin, pwera nalang kung si Tiffany yung nanonood.
Pumasok ako sa loob at nadatnan kong prente siyang nakaupo sa sofa at naka-earphones. Sayang kuryente, tsk. Nakapangbahay pa siya, bakit di pa siya naka-ready?
"Ayaw mo ba sumama?" tanong ko sa kanya pagkatanggal niya ng earphones niya at tumabi sa kanya.
"H-hindi naman sa ayaw. Baka kasi....hindi nila ko magustuhan eh." sagot niya at nagtakip ng mukha.
Hinawakan ko yung kamay niya, "Magugustuhan ka nila. Ako nga, nagustuhan kita eh. Sila pa kaya?" sabi ko at hinalikan siya sa ilong.
Napaluha ako nang maalala ko ang masayang memorya na yon. Yun ang araw na ipinakilala ko siya sa mga magulang ko.
Kamusta na kaya siya? Ano na kayang ginagawa niya ngayon? Mahal pa rin kaya niya ako? Kung hindi ko sana pinairal ang pagiging seloso ko, hindi siya maaksidente. Hindi ko siya mababangga.
Fresh na fresh pa sa utak ko ang mga pangyayari nung araw na yon..
Tandang-tanda ko pa kung gaano ako kalakas sampalin ng nanay niya at sumbat-sumbatan ako.
==========FLASHBACK==========
"Walang hiya ka! Kasalanan mo kung bakit siya nasa loob ng kwartong iyan!" sumbat ng nanay niya sakin at sinampal ako.
"Sorry po, tita. Hindi ko po talaga sinasadya." sabi ko habang umiiyak.
"Wala kaming mapapala sa sorry mo! Hindi maibabalik ng sorry mo yung dugong nawala sa katawan ng anak ko!" sabi niya.
Nanatili akong nakayuko. Alam ko, kasalanan ko ang lahat ng ito.
"Ma, kumalma ka." sabi sa kanya ni Emman.
"Kumalma? Sabihin mo nga sakin kung pano ako kakalma kung alam kong nasa loob ng emergency room ang anak ko?" sabi ni Tita Katarina. Nakita kong inirapan niya ko kaya lalo akong napa-tungo.
Bigla namang lumabas ang doktor kaya lahat kami ay agad na napatayo. Sinabi ng doktor na kailangan niyang magpahinga. Hindi ko na siya inantay na matapos at lumayo na ako sa kanila.
BINABASA MO ANG
My Popular Bachelor
FanfictionI'll do everything for him to be My Popular Bachelor.