Special Chapter - Ken Andres

1.9K 32 1
                                    

SPECIAL CHAPTER 4

KEN'S POV

"Anak ng-------" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa binigay sakin ni Jacob. Aba, mukhang pinakisamahan ng tadhana.

"Congrats, pare!" masayang sabi ko at nakipag-bro hug sa kanya. Grabe, hindi ako makapaniwala. Ikakasal na ang kaibigan ko!

"Hahaha! Salamat, inaasahan kitang pumunta." sabi niya habang binabasa ko yung nakasulat sa invitation para sa kasal nila.

"Syempre, pupunta ako, noh! Grabe, Jacob. Ang akala ko magpa-pari ka dahil umalis na si Samantha." sabi ko ng hindi inaalis yung tingin sa invitation. Ang dami kasing nakasulat!

"Ewan ko sayo." sabi niya at sinuntok ako ng mahina sa braso.

Pumunta ako sa may kusina ng condo ko at kumuha ng tubig. "Kailan ka ba nag-propose?" tanong ko.

"Three months ago." sabi niya kaya nabuga ko yung iniinom ko. Nabasa tuloy yung invitation!

"Anak ng isda, pare, three months ago ka pa nagpro-pose tapos next next week na yung kasal?" sabi ko at pinunasan yung bibig ko.

"Oo. Sino ba naman kasing nagsabi sayo na pumunta ka ng Hong Kong at yakapin si Donald Duck?" tanong niya.

"Wala. Pero miss ko na kasi si Donald Duck!" sabi ko at tumawa. Napatigil naman ako sa pagtawa nang may mabasa ako sa invitation nila.

Ring bearer - James Sandrick Alcantara

"Pare, sino si James Sandrick? Wala naman akong matandaang may bata kang kamag-anak na James ang pangalan." sabi ko.

"Ah, James Sandrick. Anak ko." sabi niya.

Nanlaki ang mata ko at tinignan siya. "Weh? Anak agad? Eh sa pagkaka-alam ko, wala ka naman raw naging girlfriend, sabi nila Diego." sabi ko.

"Wala nga." tipid na sagot niya. Nanonood kasi siya sa tv.

"Eh pano ka nagka-anak? Sinong nanay ng batang yon? Ang labo." nagiging hysterical na ako. Isang taon lang naman akong nawala!

Mukhang naiinis na siya. Ang dami ko kasing tanong. Hahaha! "T*ng*na naman, Ken. Ang dami mong tanong. Si Sam ang nanay ng bata, six years old, niluwal sa England. Pano kami nagka-anak? Bago siya umalis, may nangyari samin. Okay na?" dire-diretsong sabi niya.

"WHAAAAAAAAAAT?!"

"P*nyeta, Ken Andres! Ang ingay mo!" sabi niya at binato yung throw pillow na nasa sofa.

May anak na sila? Hindi na talaga naka-tiis tong gagong to! Hahaha! Sharpshooter talaga.

THIRD PERSON'S POV

"Kailan ka ba magkaka-girlfriend ng matino?" tanong ni Jacob kay Ken na daldal ng daldal.

Nasabi sa isa sa mga chapter ng story na to na may girlfriend si Ken. At si Marie yon. Pero, nagbreak rin agad sila kasi hindi sila masaya sa isa't isa kaya, ayun. Single na naman siya.

"Ewan. Tatandang binata yata ako eh. Hahaha!" sabi ni Ken. Pero syempre, ayaw niyang tumandang binata. Sayang raw ang lahi.

Bumalik sila sa panonood ng tv. Maya-maya, nagsalita na naman si Ken.

"Pare, diba artista ka noon? Meaning, marami kang kilalang chicks! Reto mo naman ako!" sabi ni Ken kay Jacob.

Natawa naman sI Jacob. "Mukha mo, wala akong tiwala sayo. Baka lokohin mo lang yung kaibigan ko." sabi ni Jacob.

My Popular BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon