MPB - 24

2.2K 64 6
                                    

CHAPTER 24

JACOB'S POV

From: Diego Ramirez

Pst, oy. Alam kong clear na yung schedule mo. Pumunta ka dito sa bar malapit sa apartment ng girlfriend mo. Miss ka na daw niya. Wag na magreply. Punta na dito, dali!

Dali-dali ko namang kinuha yung shades at jacket ko na nasa center table lang.

"May lakad ka ng ganitong oras, nak?" tanong sakin ni mama. Dito na ulit ako nakatira sa bahay talaga namin. Nag-condo lang naman ako dahil hindi ko kayang mag-handle ng ganito kalaking bahay, dagdag mo na rin yung wala akong kasama.

"Ah, pupuntahan ko lang po si Samantha, ma. Miss ko na eh. Sige, ma, alis na po ako." sabi ko. Lalabas na sana ko ng pinto ng tawagin ako ng kapatid ko. Nilapitan ko naman agad siya

"You're leaving again, kuya?" tanong niya, lumuhod naman ako para magkapantay na kami.

"Yes, Dani. Don't worry, I'll make it up to you tomorrow. I'll bring ate Sam with me. Okay?" sabi ko. Tumango naman siya. Hinalikan ko siya sa noo at tuluyan nang umalis.

Nakarating naman agad ako dun sa bar na malapit sa apartment ni Sam.

"Oh, buti andito ka na. Miss na miss ka na ng girlfriend mo." bungad ba sakin ni Diego pagdating ko sa table nila.

Napatingin ako sa lamesa nila at nakita kong naka-heads down na sa lamesa. Umupo naman ako dun sa tabi niya at hiniga sa dibdib ko.

"Ano namang pumasok sa kukote netong babaeng to at naisipang maglasing?" tanong ko sa kanila.

"Eh hindi daw kasi siya makalimot sa ginawa mong panghahalik sa kanya eh." diretsong sabi ni Tiffany.

"HA?!" pasigaw kong tanong kaya nagising tong katabi ko.

"Huy, ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya habang hawak ang dalawang pisnge niya.

Mamungay-mungay ang mga mata niya, tila kinikilala niya ang taong kumakausao sa kanya ngayon. Recognition was dawned on her face after a while. Nagulat naman ako sa sunod niyang ginawa.

Hinawakan niya ako sa batok and kissed me fully on the lips. Hindi ko na rin naman napigilang gumanti ng halik.

I tasted tequilla. Takte, gano na ba karami ang nainom nito?

I grabbed her shoulders and gently pushed her away. "Easy, babe. Saka na yan. We need to get you out of here first, okay?" sabi ko sa kanya.

Isang matinding iling naman ang natanggap ko. Hindi ko alam kung anong sunodna nangyare but she was suddenly sitting on my lap. She put her arms around my neck at binaon ang mukha niya sa leeg ko.

Tukso, layuan mo ako!

Napatingin ako kela Tiffany, na ngayon ay nagpipigil ng tawa. Who wouldn't find this funny? Hindi ito ugali ni Sam. Nadala na yata talaga siya ng espirito ng alak. I doubt she wouldn't remember anything when she woke up.

"Guys, baka gusto niyo akong tulungan?" singhal ko sa kanilang dalawa. Kanina pa kasi kami pinapanood dito eh. Hindi ko na rin kasi alam ang gagawin ko, na-paralyze yata ako sa pinag-gagagawa ni Samantha.

"Girlfriend mo yan, dude. Kaya mo na yan." sagot ni Diego. His shoulders were shaking from supressed laughter.

"Bakit niyo ba kasi nilasing to, Tiffany?" tanong ko kay Tiffany.

"Eh kanina pa nga kasi lutang yan. Kapag tatanungin naman namin kung bakit siya ganun sasabihin niya, okay lang siya. Edi nilasing namin! Kita mo, napaamin pa namin. Diba, kwags?" sabi niya tapos nag-apir sila ni Diego.

My Popular BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon