MPB - 14

3K 77 5
                                    

CHAPTER 14

SAM'S POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Nakikipag-staring contest kay kisame. Nakakainis nga eh, ako palagi yung talo. Ayaw niya kasi kumurap.

Kinuha ko yung cellphone ko, tinignan ko yung mga picture namin ni Jacob.

"Hay, ang gwapo niya talaga. Ang ganda ko pa. Diba, kisame? Perfect!" sabi ko. Nilapag ko yung cellphone ko sa gilid ko.

Kumuha ako ng unan at hinagis pataas, nahulog tuloy sa mukha ko. "Hoy, kisame, bakit mo ko binato?!" sabi ko. Leche, para na kong baliw dito. Ganito ba talaga pag naje-jelly?

*tok*tok*tok*

"Pasok!" sigaw ko, pumasok naman si...sino ba to...Ah, si Jacob. Tapos umupo siya sa kama ko.

Nagtakip ako ng unan sa mukha ko. Tinanggal niya naman tapos hinawakan yung kamay ko. Ay chwet. "Bakit ka nagtatakip?" tanong niya. Nginitian ko lang siya tapos tinakip ulit yung unan. Pero, tinanggal niya na naman.

"Argh! Ano ba, Jacob?! Ang kulit mo! Lumabas ka nga dito!" sigaw ko at tinakip ulit yung unan sa mukha ko.

Ramdam ko naman na umalis siya. Lumabas na kaya yon ng kwarto ko? Hmmm.. Lumabas na siguro yon.

Tinanggal ko na yung unan. Wala na si Jac---"Argh! Jacoooooooooob!" sigaw ko. Ugh! Daganan ba naman daw ako?! No, no, no!

"Bakit ka galit?" tanong niya.

"Hindi ako galit!" sagot ko.

"Bakit ka nasigaw?"

"Nakakainis ka kase!"

"Selos ka no?"

"Oo---hindi! Bakit naman ako magseselos, ha?! Ugh! Jacob, hindi ka magaan!" sigaw ko. Nasa ibabaw ko eh. Kakainis! Oy, wag green.

Umalis naman siya sa ibabaw ko. Hay salamat! Bumangon ako at nakita ko siyang nakatayo dun sa gilid ng kama ko, nakangisi. O___o Baliw?

"Nagseselos babe ko. Tsk. Gwapo ko kasi eh." sabi niya. Aba't.

"Shabu pa." sabi ko.

Ngumiti siya tapos umupo sa harap ko. "I love you more." huh?

Tinaas ko yung kilay ko. "Ano konek?"

Inignora naman niya yung tanong ko sabay sabing..."Gwapo ko no?" Ang hangin niyaaaaaaaaaaaaaaa!!!!! Ganito ba talaga pag artista? Pero, sabagay. Gwapo naman talaga siya. Aish!

Kinuha ko yung cartolina sa gilid ng kama ko, napatayo naman agad siya at tumakbo pababa. Rinig ko yung footsteps eh. Hinabol ko naman siya sa baba. Inikot pa nga yung buong bahay eh. Pinagtitinginan pa kami ng mga kasama namin. "Oh, bati na kayo?" tanong ni Emman.

"Ewan ko sayo!" sabi ko at hinampas siya sa ulo. Napa-aww naman siya. Hahaha! Pero, dapat pala hindi ko na ginawa yon. Hindi ko napansin na nakalabas si Jacob ng bahay eh. Hay nako!

Lumabas rin ako ng bahay, naabutan ko pa siyang papunta sa likod, sinundan ko naman. Ha! Hindi pa kita nahahampas!

Nakarating kami sa may pool, tumigil siya saglit. Hingal na yata. Pero, hinampas ko na rin siya ng bongga. Mwahahahahaha! "Aray, Samantha!" sabi niya. Hinampas ko naman ulit siya, hanggang sa paulit ulit na. Ginawa naman niyang shield yung mga braso niya.

Nahawakan niya yung braso ko kaya natigil ako sa paghampas. Eh? Hindi pa ko tapos! "Masakit na braso ko. Sumbong kita kay Tricia." sabi niya tapos nagpout. Sinamaan ko naman siya ng tingin. Binato sa may swing yung cartolina, inirapan ko siya tapos naglakad palayo sa kanya.

My Popular BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon