MPB - 5

5K 91 14
                                    

CHAPTER 5

SAM'S POV

"Dahil, simple lang ang pangarap ko, mahalin ang katulad mo, sana ay mapansin mo. Dahil, simple lang ang pangarap ko, maging ikaw at ako, ang tanging ligaya ko, simpleng tulad mo. La, la, la, la, la. La, la, la, la, l---ARAY NAMAN, TIFFANY!"

Anak ng tupang bading, ano bang problema neto?

"Bat mo ko hinampas?!" tanong ko.

"Nasa harap ka ng pagkain, Samantha. Wag kang kumanta." kalmado niyang sabi ng hindi ako tinitignan at patuloy lang sa pagkain.

Napairap nalang ako at kumain. Sorry ah? Good mood kasi ako. Ganda kaya ng morning ko!

==========FLASHBACK==========

"What a beautiful dream." sabi ko.

Nanaginip kasi ako kagabi. Magkakilala na daw kami ni Jacob, may picture pa kaming magkasama. Pinost niya din daw yon sa twitter, minention pa ko. Tapos bago daw umalis, kiniss niya ko sa noo!

*beep*beep*

Kinuha ko yung cellphone ko na nasa ilalim ng unan at tinignan kung anong meron.

Notification sa twitter. Nagtweet si Jacob!

Tinignan ko naman kung ano yon. --- O________O

'@DJalcantara: Good morning. :) @ronquillokath'

Buffering... Buffering... Buffering...

"AAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!"

So hindi yon panaginip? Totoo nga talaga? OH EM GEEEEEEE!!!!

'@ronquillokath: Good morning din sayo. :) @DJalcantara'

==========END OF FLASHBACK==========

Kasalukuyan kaming nasa canteen ngayon, kumakain ng paborito naming french fries at sundae. Recess kasi.

Napatigil nalang ako sa pagkain dahil sa naalala ko.

"Tiff, may homework ka sa physics?" tanong ko sakanya.

Natigil siya sa pagnguya at tumingin sakin. "Ikaw?" Umiling ako.

Nanlaki yung mata naming dalawa sabay sabing, "PATAY!"

Minadali naming ubusin ang fries at sundae. Terror pa man din yung teacher namin dun. Bumili kami ng tubig at mabilis na tumakbo papunta ng classroom. Nung nasa classroom na kami...

*KRIIINNGGG!!!!!!!*

Bell. Tapos na recess.

Nanlaki yung mata naming dalawa. Tinanong ko naman yung katabi kong si Kaira na kasalukuyang nagbabasa ng "Mission Impossible: Seducing Drake Palma" (by: beeyotch). [A/N: I'm a fan. Woooh! Power!]

"Anong oras yung physics, Kaira?"

"Next subject."

Nagkatinginan kami ni Tiffany at sabay na umiling. Bumukas bigla ang pinto at iniluwa ang teacher naming si Ms. Arboladura.

Bakit ka pumasok, Ms.? Kainis naman eh. Pag eto pa man din nag pa-homework, kahit kakapasok palang ng classroom ipapapasa na yung notebook para ma-check-an. Di kasi uso sakanya ang exchange notebooks/papers.

"Pass your notebooks." sabi niya.

Pinasa ng lahat ang notebook nila bukod samin ni Tiffany. Nung nasa table na ni Ms. yung mga notebook...

My Popular BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon