CHAPTER 51
SAM'S POV
"Uhm, Kuya Angelo, bakit nga po pala may interview si Jacob, kasama ako? Bakit hindi na lang si Jacob?" tanong ko sa manager ni Jacob.
Nandito kami ngayon sa dressing room ng "The Buzz". Dito raw kasi gaganapin ang interview namin ni Jacob.
He sighed. "Nagulat nga rin ako nang malaman ko kung bakit eh. May nakakita raw sa inyo ni Jacob. Kung si Jacob lang sana ang nakita nila, walang mangyayaring interview eh. Kaso, pati ikaw, nakita nila. Marami kasing nagtaka sa pagkawala mo. Biglaan raw kasi, wala namang ibang nakaka-alam kung bakit ka nawala. Kayong dalawa lang ang may alam kung bakit ka nawala. Tatanungin ka kung bakit ganon, chuchu. Basta hindi lang 'yon. Marami pang itatanong sayo, hindi lang tungkol sa pagkawala mo." sabi ni Kuya Angelo.
Napasapo ako ng noo. Bakit hindi ko man lang napansin na may nakakita pala sa'min? Oh my gash. Pero, okay na, pumayag na ako na interviewhin kasama si Jacob eh.
"Anyway, be ready, Samantha. After five minutes, start na ang interview." sabi ni Kuya Angelo at lumabas na ng dressing room.
***
"Let us all welcome, The Popular Bachelor of the Philippines, Jacob Alcantara together with his girlfriend, Samantha Ronquillo!"
"Nandito tayo ngayon sa studio with the presence of The Popular Bachelor of the Philippines and his non-celebrity girlfriend, Samantha. Hellooo ~" sabi ni Miss Toni.
"Hi, hi, sa inyong lahat." sabay naming sabi ni Jacob.
Magkatabi kami, malamang. Ganun naman lagi pag-interview. Medyo parang balloon yung skirt ko kaya nandun yung kamay ko sa gilid samantalang yung isa kong kamay, hawak ang mic. Ganun rin si Jacob. Hawak niya sa isang kamay, mic, tapos sa kabilang kamay, hawak yung kamay ko na nasa gilid ng skirt ko. Nakapatong dun ang skirt ko kaya hindi nakikita.
"Okay, kay Jacob na muna tayo. Let's go straight to the point. Kasi dun sa last part nung VTR para sa movie niyo ni Lianne, ang ganda ng sinabi mo and nung sinabi ni Direk Noli na, alam mo na kung paano i-appreciate yung trabaho, hindi na siya yung basta-bastang nagte-taping lang kayo, pero ngayon, nakuha niyo na yung passion, yung pagmamahal, yung dedication sa trabaho. Tapos yung huling sinabi mo na mas minahal mo pa yung trabaho mo, dahil?" tanong ni Miss Toni kay Jacob.
Tumikhim na muna siya. "Siguro, dahil nag-mature ako sa---" pinutol siya ni Miss Toni.
"Kay Sam?" sabi niya. Sabay naman kaming ngumiti ni Jacob. Kinikilig kasi ako eh, ewan ko na lang sa lalaking to.
"Or i-rephrase natin, mas minahal mo ang trabahong ito dahil, kay Sam? Alam naman nating lahat na malaking part siya. Tsaka minsan, nagkausap kami ni Direk Noli, inspired ka daw dahil nandun si Samantha, pinapanood kayo ni Lianne." sabi niya ulit.
"Hindi, ay, syempre, syempre. Pero, yun nga, nag-mature rin ako sa movie. Siguro dahil mas naintindihan namin." sabi ni Jacob.
"Okay, pero, alam naman ng halos lahat na, may kissing scene ang movie, diba? And nandun si Sam nang mag-shoot ng kissing scene. Hindi ka naman ba nagalit, Sam?" tanong sakin ni Miss Toni.
Umiling agad ako. Ewan ko ba, oo at hindi ata. Basta. "Hindi po, hindi po ako nagalit. Trabaho lang naman po yon. Work is work." sabi ko.
"Ay, understanding girlfriend. Jacob! Alagaan mo to ah? Wag mo na pakawalan." sabi ni Miss Toni.
Narinig ko namang tumawa si Jacob sabay sabing, "Opo, aalagaan ko po to at hindi ko papakawalan to. Labs ko kaya to. Diba?" sabi niya tapos hinawakan yung baba ko. Pabirong umirap naman ako at hinampas siya gamit yung kaliwang akamy ko na hawak yung mic.
BINABASA MO ANG
My Popular Bachelor
FanfictionI'll do everything for him to be My Popular Bachelor.