MPB - 45

1.9K 41 1
                                    

CHAPTER 45

SAM'S POV

"Babe." tawag ko sa atensyon ng boyfriend ko.

Nandito pa rin kami sa may lake, nakaupo sa may damuhan. Nasa likod ko siya while yakap-yakap niya naman ako mula sa likod. Backhug, to be exact. Nakatingin kami sa moon.

"Hhmmm?" sabi niya.

"I love you." paglalambing ko.

At dahil yung likod ng ulo ko pinagpapatungan ng baba niya, naramdaman kong ngumiti siya.

"Namiss ko yung mga katagang yan mula sayo. Ngayon ko nalang ulit narinig yan after five months." sabi niya.

"I love you." pag-uulit ko.

I heard him chuckle. "I love you too." sabi niya.

Unti-unti niyang hinarap yung mukha ko sa kanya and kissed me. Aaminin ko na rin sa sarili ko, namiss ko rin to.

***

"Babe, alam mo bang sabi mo sakin dati, boyfriend mo si Alex? Aba, nagalit pa si Lianne sakin dahil sinabi kong susuko na ako kasi sabi mo, masaya ka sa kanya?" pagkekwento niya.

Nandito kami sa kotse niya, pabalik sa bahay namin. He's currently holding my hand while driving.

"Hahaha! Oo nga, nasabi ko yon. Ewan ko, nabigla rin ako nung sinabi ko yon. Pero, babe nakakatampo ka. Bat susuko ka agad?" sabi ko ng nagtatampo at nag-cross arms na dahilan ng pagbitaw niya sa kamay ko.

Napatingin siya sakn tapos tumingin ulit siya sa daan. "Babe naman. Wag ka na magtampo." sabi niya ng may maamong boses.

Pinigil ko yung ngiti ko. Kinikilig ako mga friend. Nakakainis, ang sweet talaga niya kahit nung si Kathryn ako na hindi siya naaalala.

"Baby." sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

"Baby?" tanong ko.

Ngumiti siya ng hindi tumitingin sakin. "Oo, medyo nagsasawa na ako sa babe eh." sabi niya.

Ay, nagtatampo nga pala ako dito. Nag-cross arms ulit ako at sinandal ko ang ulo ko sa bintana ng kotse.

I heard him sigh. "Baby naman eh, past is past. Hindi na dapat pinag-uusapan yon. Tsaka, kita mo nga oh, kasama mo pa ako, boyfriend mo pa rin." sabi niya. Hinila niya yun braso ko at hinawakan yung kamay ko.

I sighed. "Sige na nga. Di na ako tampo." sabi ko. Nilapit ko yung mukha ko at hinalikan siya sa pisnge.

Ngumiti naman siya at hinalikan yung likod ng palad ko.

Nang makarating kami sa bahay, as usual, pinagbuksan niya ako ng pinto. Ang gentleman talaga ng baby ko.

Hinawakan niya yung kamay ko tapos lumingon siya sakin. Nginitian niya ako at hinalikan ako sa noo. Hay, grabe ka talaga, Jacob.

"Ang tagal niyo mag-dinne---" hindi natapoa ni Emman ang sasabihin niya dahil napatingin siya sa kamay namin ni Jacob na magkahawak.

Nanlaki yung mata niya at mahinang sinuntok si Jacob sa dibdib. "Ayos yun ah. Nakakaalala na ka, ate?" tanong ni Emman.

Ngumiti nalang ako at dahan-dahang tumango. "Mabuti naman kung ganon. Pasok kayo, malamig na sa labas." sabi ni Emman saka kami pumasok.

Nagpaalam si Emman na aakyat na raw siya dahil maaga niyang pupuntahan niya si Tricia sa Laguna. Sinabi niya na hindi na siya nagpaalam dahil wala naman raw dito sila Mommy at tatlong araw lang siya don.

My Popular BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon