MPB - 50

2K 35 2
                                        

CHAPTER 50

SAM'S POV

"We're here." sabi ni Jacob pagka-patay niya ng engine. I remained silent.

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Siguro dahil sa takot na baka galit sila sakin dahil matagal akong hindi nagparamdam sa kanila? Ay, alam naman siguro nila na na-aksidente ako? Ow, pano kung hindi?

"Huy, baby. Okay ka lang?" tanong ni Jacob habang kinakaway ang palad niya sa mukha ko.

I shrugged. "Oo, okay lang ako. May tanong lang ako." sabi ko.

Hinawakan niya yung kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko. "Ano yon?" tanong niya.

"Alam ba nila Tita na naaksidente ako?" tanong ko.

He nodded. "Yeah, alam nila. Except for Dani. Ang sinabi ko lang sa kanya, nagbakasyon ka somewhere." sabi niya.

I nodded. "Okay, tara na." sabi ko. Bababa na sana ako pero pinigilan ako ni Jacob. Sumenyas siya na sandali lang. Mabilis siyang bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Napangiti naman ako.

Nang makababa ako, sinara niya yung pinto at sinandal ako sa kotse niya. I put my arms on his nape, yung kamay niya naman nasa bewang ko. "Ang sweet ng baby ko." sabi ko at ni-nose to nose siya.

"Sweet talaga ako sa taong mahal ko." sabi niya at hinalikan ang labi ko. Smack lang naman. Ang corny nung sinabi niya pero kinilig ako. Pag-ibig nga naman.

"Pasok na tayo sa loob. Baka makilala ka pa nila dito." sabi ko. Hinalikan ko siya sa labi bago ako bumitaw at hawakan ang kamay niya. Sabay kaming pumasok, kumatok na muna siya.

"Mama? Papa? Dani? Pa-bukas po ng pinto." sabi ni Jacob habang kumakatok, nasa kabilang kamay niya yung kamay ko. Walang nagbukas. Pero naluha ako ng kaunti nang may marinig akong...

"ARF! ARF!"

Hinanap ko kung saan nanggaling yung tahol ng aso. Tumingin ako sa kaliwa and there I saw DK. "Oh my gosh, DK!" masayang sabi ko. Pinuntahan ko siya dun sa dog house niya at niyakap siya.

"Hindi halatang na-miss mo siya." sabi ni Jacob. I smiled. "Hindi talaga." sabi ko. Binitawan ko na muna si DK at pumunta sa tabi ni Jacob. Pero laking gulat ko, sumunod si DK sakin.

"Namiss ka rin niya." sabi ni Jacob habang nakatingin kay DK na prenteng nakaupo sa likod ko.

Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto at niluwa non si Tita Janine na nakapikit pa. Natutulog pa pala sila ng ganitong oras. Na-istorbo pa namin.

"Anak naman, ang aga-aga. Anong ginagawa m---SAM!" masaya akong niyakap ni Tita Janine nang makita niya ako.

"Okay ka na ba, anak? Kamusta ka na? Naka-alala ka na?" tanong ni Tita nang maghiwalay kami sa yakap. "Pasok kayo." sabi niya.

"Okay na naman po ako. Tsaka, nakaka-alala na rin po ako. Kayo po? Kamusta na po kayo? It's been six months." sagot ko pagka-pasok namin sa loob ng bahay.

"Okay lang naman kami, anak. Masaya akong kasama ka na ulit ni Jacob." naka-ngiting sabi niya.

"Ako rin po, masaya rin po akong kasama ko na ulit si Jacob." sabi ko. Naramdaman kong pinisil ni Jacob yung kamay ko. Nilingon ko siya. Nagulat naman ako sa sunod niyang ginawa. Hinalikan niya ako, hinalikan niya ako sa harap ng nanay niya! Oh my god!

"Anak naman, sa harap ko talaga? Hay nako." sabi ni Tita at humawak sa dibdib niya. Hinampas ko si Jacob sa balikat.

"Kumain ka na ba, Sam? Gusto mo ipag-luto kita?" tanong ni Tita sa'kin.

My Popular BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon