CHAPTER 34
JACOB'S POV
"Good morning, manang!" bati ko dun sa manang na nagwawalis na nakita ko pagkababa ko ng kotse.
Nakasuot ako ngayon ng plain white shirt at gray pants na pinartneran ng black na sneakers.
Naglakad ako papunta dun sa cottage namin. Nandito kami ngayon sa LCD Resort, malapit-lapit lang dun sa basketball court na dati naming pinagshooting-an.
"Good morning, direk!" bati ko kay direk bago ako makapunta dun sa cottage at umupo. Siya rin yung director nung movie namin ni Lianne five months ago.
Kinuha ko yung cellphone ko ang texted my girlfriend.
To: Kathryn <3
Good morning, babe! How's your sleep?
I was about to click 'send' pero naalala ko, may amnesia pala siya. Kaya agad ko ring binura yung 'babe' at pinalitan ng 'Kath'.
Nilapag ko yung cellphone ko sa lamesa at humarap sa salamin. Inayos-ayos ko yung buhok ko. Napapitlag naman ako ng marinig kong tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha.
Napangiti naman ako. It was a message from Kath.
From: Kathryn <3
Good morning, Jake! Okay lang naman yung tulog ko. Ikaw? Kamusta tulog mo? :) Tawagan mo ko, bilis. Tinatamad ako mag-text eh. Hihihi. ^_^
Natawa naman ako upon reading her message kaya I immediately dialled her number.
Jacob: ["Goodmorning sa pinaka-magandang babae sa balat ng lupa!"]
Kath: [Hahaha! Thank you! Osha, goodmorning rin sa pinaka-gwapong lalaki sa balat ng lupa!"]
Sandali naman akong napangiti dahil sa sinabi niya. Ang bakla mang pakinggan pero kinikilig ako.
Lumabas ako ng cottage at umupo malapit sa pool.
Jacob: ["Ang aga mo naman. Six palang ata eh. Bat ang aga mo?"]
Kath: ["Pupunta kasi dito yung teacher teacher-an ko. Thursday kasi ngayon eh. Araw-araw naman, parang napasok lang din ako. Pero syempre, wala pag sabado at linggo."]
Jacob: ["Ay ganon. Anong oras naman daw siya pupunta?"]
Kath: ["Mga ano siguro. Mga.......7:30."]
Jacob: ["Eh 7:30 pa naman pala siya pupunta eh. Bakit ang aga mo gumising?"]
Kath: ["Syempre, kailangan ko pang maligo't mag-ayos no. Ang panget ko kaya pag bagong gising."]
Jacob: ["Huwag mo ngang sabihin yan. You're always beautiful, no matter what. Kahit bagong gising ka pa at may muta pa sa mata."]
Kath: ["Ay ganon, hahaha! Kinilig ako dun ah. Geh, salamat. Bababa ko na ah? Maliligo na ako. Gagala tayo mamaya ha? Hahaha! Goodluck sa taping niyo ngayon, byeeeeeeeee!"] sabi niya at binaba na yung tawag.
"I love you." bulong ko at binulsa na yung cellphone ko.
Tatayo na sana ako ng makita ko si Lianne na may hawak na camera. "Pinicture-an mo ba ako?" tanong ko.
"Yep. Nagustuhan ko yung smile mo eh, totoo. Hulaan ko, si Sam yung kausap mo ano?" malokong tanong niya.
I smirked. Tumayo ako ay inakbayan siya. "Siya nga. Dun nga muna tayo sa cottage." sabi ko. Nakasalubong naman namin si direk.

BINABASA MO ANG
My Popular Bachelor
FanfictionI'll do everything for him to be My Popular Bachelor.