CHAPTER 55
SAM'S POV
Sam Ronquillo at Jacob Alcantara, hiwalay na nga ba?
Two weeks ago, humarap sa isang interview ang magkasintahan. Proud na ipinagmalaki nila na tumagal ng nine months ang relasyon nila sa kabila ng hectic schedules at misunderstanding issues. Sa ngayon, may isang issue tungkol sa kanila ang ipinagtaka ng "JaSam" fans. Ayon sa isang dancer sa ASAP, narinig niya ang pag-uusap ng aktor at ang ka-love team nitong si Lianne Buenavista.
"Break na kami." ang kanyang narinig na sinabi ng aktor.
Mabilis itong kumalat sa social media dahil marami ang fans ni Jacob. Totoo nga ba ang balitang kumalat? The Popular Bachelor, Jacob Alcantara, nagsalita na!
"Jacob, kamakailan lamang ay sinabi ninyong kayo pa rin ai Samantha. Pero ayon daw sa isang dancer sa ASAP, sinabi mo raw kay Lianne na break na kayo. Totoo ba ang balitang hiwalay na kayo ng modelo?" tanong ng isang reporter sa kanya.
Tumahimik ang lahat ng nakapaligid sa kanya. Maski ako na naka-upo lang sa sofa at pinapanood siya sa tv ay tumahimik rin. After few seconds, nagsalita na siya. "Sad to say, but, yes. Hiwalay na po kami." sabi niya at pilit na ngumiti sa camera.
I smiled, kahit ang sakit ng nararamdaman ko. Miss na miss ko na siya, siya kaya? Miss niya na rin kaya ako tulad ng pagka-miss ko sa kanya? O mas higit pa?
"Ate, umiiyak ka na naman." sabi ni Emman kaya napatingin ako sa kanya. I smiled, para masabing okay lang ako. Kahit hindi. Nandito kami sa bago naming tinitirhan sa England, obvious naman na kasama ko ang kapatid ko.
"Miss na miss ko na kasi siya, Emman. Kamusta na kaya siya? Kumakain kaya siya ng maayos? Namimiss niya na kaya ako?" sunod-sunod na tanong ko.
Mahinang natawa si Emman at inakbayan ako. "Ate, hindi ako si Jacob. Pero alam kong okay lang siya ngayon, kumakain siya ng maayos, at mas namimiss ka niya, higit pa sa inaakala mo." sabi niya at hinaplos ang braso ko.
"Paano mo naman nasabi yan?" tanong ko sa kanya ng naka-kunot ang noo.
He smiled. "Ayaw mo siyang nakikitang miserable dahil sayo diba? Kaya pinapanatili niyang maayos ang buhay niya. Kasi alam niyang hindi ka matutuwa pag naging miserable siya dahil sa pagkawala mo." sabi niya. Ngumiti na lang ako.
"Eh kayo ni Tricia? Okay lang naman kayo, diba?" tanong ko. He sighed bago sumagot sa tanong ko. "Long distance relationship. Kakayanin naman yon ng dalawang taong tunay na nagmamahalan." sabi niya at ngumiti. Ngumiti na lang rin ako, pilit nga lang. Buti pa sila, distansya lang ang problema. Hay, nakaka-inggit.
"Emman, gusto ko ng apple." sabi ko na lang bigla. Halata namang nagulat siya sa sinabi ko. "Apple, ate? As in, mansanas? Yung prutas na kinain ni Snow White?" sunod-sunod na tanong niya.
"Oo, bakit? I'm craving for apples, hihi. Is there anything wrong about that?" tanong ko at mahinang humagikhik. Kanina kasi, bigla nalang pumasok sa utak ko yung apple. Hahaha!
"Oo, ate. There is something wrong. You never liked apples, tapos ngayon, gusto mo na? Hala, nakakatakot." sabi niya. Pabirong umirap ako.
"Ewan ko sayo. Basta, gusto ko ng apple! Pakuha na lang yung apples na naka-stock sa baba, please. I'm craving talaga." sabi ko at nag-pout.
Tinitigan niya lang ako. "ANONG TINITINGIN-TINGIN KO DIYAN?! GUSTO KO SABI NG APPLE, IKUHA MO NA AKO!" iritadong sigaw ko sa kanya. Nakakainis! Bakit nakatitig lang siya?

BINABASA MO ANG
My Popular Bachelor
FanfictionI'll do everything for him to be My Popular Bachelor.