SPECIAL CHAPTER 3
EMMAN'S POV
"Bee, are you okay? Are we okay?" tanong ko sa kanya nang makapasok ako sa bahay nila.
Siya lang pala ang tao dito sa bahay nila. Day-off kasi ng driver nila, pati yung maids. Tapos yung daddy at mommy niya naman, nasa work.
Tricia... Simula makabalik kami dito sa Pilipinas, minsan niya lang ako kausapin. Pag ite-text ko siya, hindi siya magre-reply. Pag tinawagan ko naman, cannot be reach. Tapos mag ime-message ko sa facebook, bigla na lang siyang mag-o-offline.
Tinitigan niya ako sa mata, something's not right. I can see pain in her eyes.
"Bee, may hindi ka sinasabi sakin." sabi ko sa kanya.
Hindi pa rin siya nagsasalita. Insetead, lumapit lang siya sakin, hanggang sa five meters na lang ang layo namin sa isa't isa.
Kung titignan kami dito, para kaming nagsusukatan ng tingin. Nagtititigan kasi kami.
Pero, nagulat ako ng biglang tumulo yung luha niya. I was about to wipe it for her, pero she stepped back kaya napatigil ako.
She wiped her tears and said, "Let's break up."
My eyes widened, she's not serious, right?
"Bee naman, I have no time for jokes." sabi ko ng nakangiti. Pero sa totoo lang, kinakabahan na ako. What if gusto niya na talagang makipag-break sakin?
"Stop calling me 'Bee', Emman. Hindi ako bubuyog." malamig na sabi niya at tinalikuran ako.
Tumulo ang luha ko, pero pinunasan ko agad yon at niyakap siya sa likod. "Bee, bawiin mo yung sinabi mo, please." sabi ko.
Nagpumiglas siya at humarap sakin. "No, ayoko na sayo. Break na nga tayo." dire-diretsong sabi niya.
"Bee, sabihin mo sakin. Anong nagawa kong mali?" tanong ko.
"Wala, wala kang nagawang mali." sabi niya.
"Bakit ka nakikipag-break sakin, Tricia? Sabihin mo sakin, bakit ka nakikipag-----"
"HINDI NA KITA MAHAL!"
Tumulo na naman ang luha ko. "No, don't say that. Tricia, don't do this." pagmamaka-awa ko. "Sabi mo, hindi ka magsasawang mahalin ako, Tricia." sabi ko.
She laughed. "Ano ka ba naman, Emman? Ang tagal mong nasa England! Wala na akong nararamdaman para sayo!" sabi niya.
"I don't believe you, Tricia. Tumingin ka sa mga mata ko, saka mo sabihing hindi mo na ako mahal." diretso kong sabi.
Naglakad siya palapit sakin at tinitigan ako sa mata. "Hindi na kita mahal."
Those words... ruined my life.
THIRD PERSON'S POV
Kasalukuyang nasa kwarto si Emman sa bahay nila. Nakahiga sa kama, nakatingin sa ceiling, habang may hawak na botse ng alak.
It's been two months since her first girlfriend, Tricia, broke up with him. At hanggang ngayon, hindi pa rin siya nakaka-move on.
Imagine, five years silang magkasintahan, then magbe-break na lang sila ng biglaan. Sino ba namang makaka-move on agad? Hindi biro ang limang taon.
LDR. <--- naging sila ni Tricia yan.
Ang akala niya, pagkabalik niya ng Pilipinas, walang nagbago sa nararamdaman nila sa isa't isa. Pero mali pala siya.
BINABASA MO ANG
My Popular Bachelor
FanfictionI'll do everything for him to be My Popular Bachelor.