CHAPTER 3
SAM'S POV
Nagising ako dahil sa malakas na ring ng cellphone ni ate Linda.
"Sorry, Sam. Labas lang muna ko ah? Sagutin ko lang to." sabi niya at lumabas na.
Kinuha ko yung cellphone ko sa may side table. Hindi ko na binasa yung tatlong messages ni Tiff kagabi at dinelete yon. Tinignan ko yung orasan. 7:45 na ng umaga. In-open ko yung twitter ko at nag tweet.
'@ronquillokath: Good morning again, Jacob. Have you eaten your breakfast? Don't skip. Please. :) @DJalcantara'
Pinuntahan ko yung twitter account niya at tinignan yung recent tweet niya na.. Kagabi lang? Ugh! Hindi ko kaagad na-favorite at retweet!
'@DJalcantara: @ Saint Luke's hospital. Visiting someone.' O__________O
NANDITO SIYA KAGABI?!
Tinignan ko kung ilang hours ago niya tinweet yon.
'10 hours ago'
Bakit hindi nag notification?! Eh naka-favorite siya sakin eh! Sayang naman! Tulog na ko non eh! Kung hindi lang ako nakaramdam ng hilo, lalabas talaga ko ng kwartong to at lilibutin ang buong ospital, makita lang siya. Hay nako!
Nagulat nalang ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa non si Henry at Desiree. May dala silang dalawang supot ng Jollibee at apat na drinks. Nilapag nila yon sa mini table sa harap ng sofa. Nung nailapag na nila, lumapit agad si Desiree sa akin.
"Sam! Kamusta ka na? Tsaka, bat lukot yang mukha mo?" hinilot niya yung noo ko para mawala yung pagkaka-kunot.
"Eh kasi naman eh! Nandito sa Saint Luke's si Jacob kagabi nung tulog na ko. Hay. Gusto ko pa naman din siya makita. But, kung sino man yung binisita niya dito, he or she or whatever's very lucky. Hmp." sabi ko sabay pout at nag-cross arms.
Nagkatinginan sila ni Henry. "Hindi mo ba kilala yung nakabunggo sayo? Siya pa nga yung nagbuhat sayo nung nahulog ka eh. Siya rin yung nagsunod ng kotse mo dito eh." sabi ni Henry.
"Kilala ko lang sa pangalan. Jake daw. Sabi ni ate Linda at ni Desiree. Sino ba yun?" tanong ko sa kanila. Magsasalita na sana sila pero biglang pumasok si ate Linda.
"Oh, andito na pala kayong dalawa. Buti nakapunta ka dito, Des." sabi ni ate Linda kay Des.
"Sabi kasi ni Henry, bibisita siya dito saglit eh. Sumama na ako. Tsaka po, may photograph rin siya mamaya kaya, sumama na rin ako. Hahaha." sabi niya.
Kumuha ng isang monoblock si Desiree. Hinila niya yon sa may gilid ng kama ko at umupo. Kinwento niya sakin yung pinsan niyang galing States na Erika daw ang pangalan. Sosyal daw at english ng english. Feeling niya nga daw naubusan na siya ng dugo kasi hindi daw masyadong nakakaintindi ng tagalog si Erika. Magke-kwento pa nga dapat siya pero biglang nagsalita si Henry.
"Des, tara na. Malayo pa yung pupuntahan natin." sabi ni Henry.
"Ah sige, wait." sabi niya kay Henry.
"Be, hawak na sa hawakan ng hagdan sa susunod ah? Hahaha." sabi niya sakin.
Hinampas ko naman siya. "Hahaha, thank you na rin sa advice. Ingat kayo ah?" sabi ko sakanila.
"Oo naman. Sige, Sam. Alis na kami. Bye." sabi ni Henry.
"Bye, Sam! Hang out tayo next week!" sigaw ni Des bago sila makalabas ng kwarto.
Si ate Linda naman, niligpit yung pinagkainan niya at umupo dun sa inupuan ni Des kanina habang may hawak na dalawang burger. Inabot niya sakin yung isa, tinanggap ko naman. Nagugutom ako eh.

BINABASA MO ANG
My Popular Bachelor
FanfictionI'll do everything for him to be My Popular Bachelor.