CHAPTER 38
JACOB'S POV
Iniisip ko pa rin hanggang ngayon yung sinabi ni Emman sa text. Pano ko siya tutulungang maka-alala kung nandito kami sa Batangas? Tsaka, wala naman kaming ibang pinuntahan nitong babaeng to kundi sa ibang bansa. Hindi ko naman siya pwedeng dalhin don.
"Jake, ayos ka lang?" tanong niya.
"Yes, I am. Sorry, may iniisip lang." sabi ko.
Binalot kami ng katahimikan. Tanging tunog lang ng aircon yung naririnig namin. Ewan ko ba, walang isa sa amin ang gustong magsalita.
Nung medyo nabibingi na ako, binasag ko na ang katahimikan. "Nagugutom ka ba?" tanong ko.
"Slight." sagot niya habang nakatingin sa labas.
"McDo tayo?" pag-aaya ko. Mabilis naman siyang napalingon sakin at masayang tumango.
"Drive-thru lang tayo ah? Mahirap na pag nasa loob tayo." sabi ko.
"Oo naman. Alam ko naman yon. Ikaw na bahala mag-order sakin, please. Medyo nahihilo kasi ako eh. Pipikit lang ako saglit." sabi niya.
"Sure, sige. Tulog ka muna diyan. Malayo-layo pa naman yung McDo dito. Gigisingin nalang kita mamaya pag meron na." sabi ko.
"Thank You." sabi niya. Medyo nabigla ako nang halikan niya ulit ako sa pisnge, pero mamaya ko nalang ilalabas yung kilig ko pag tulog na siya.
Nung nakatulog na siya, tumigil na muna ako sa isang tabi sa kalsada. Nahawa ako sa kanya eh.
'@DJalcantara: Holdin' hands, it feels so connected. And every kiss get feels so electric, I never stood a chance. 🎶'
Parang nagmukha akong bading dahil sa tweet na yan. Pero, wala eh. Ganyan talaga pag inlove ang isang tao.
***
"Uy, di ka kakain?" tanong ni Kath habang nagda-drive ako.
"I'm driving, Kathryn. Baka maaksidente pa tayo, ayoko na ulit mangyari yon." sabi ko. Biglang nag-flash sa utak ko yung nangyare noon. I stepped on the brakes. Wala naman kami sa highway.
"Huy, okay ka lang?" tanong niya. Umiling ako.
Inabot niya sakin yung tubig na binili niya kanina, ayaw niya ng coke eh. Uminom ako ng konti, napakalma naman ako agad.
Naghahabol ako ng hininga ngayon. Bakit ko ba naalala yung pangyayaring yon?
"Jake, ako na magda-drive." sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.
"Bakit?" tanong ko.
"Just let me drive." matigas na sabi niya kaya bumaba kami ng kotse at nagpalit ng pwesto. Kinabahan naman ako nang makapag-palit kami ng pwesto. I uttered a silent prayer. Keep us safe. Sana hindi na maulit ang pangyayaring yon.
"Uuwi na tayo." sabi niya.
"Bakit naman? Ayaw mo nang naglakwatsa?" tanong ko.
"Yes, ayaw ko na. Lalo na't nakita kitang namumutla matapos mong apakan ang brakes. Obviously, you're not okay." sabi niya habang nagda-drive.
"Sigurado ka?" paninigurado ko.
"Siguradong-sigurado ako. Ayokong may mangyaring masama satin, Jake. May naalala ka siguro kanina kaya, sa bahay nalang tayo. Wala naman sila mommy don, si Emman lang." sabi niya.

BINABASA MO ANG
My Popular Bachelor
FanfictionI'll do everything for him to be My Popular Bachelor.