MPB - 46

2K 37 0
                                        

CHAPTER 46

JACOB'S POV

Tinapik-tapik ko yung pisnge ng baby ko. Nandito kasi kami sa tapat ng apartment niya. Nakakamiss ring pumunta dito.

"Baby..." sabi ko pero hindi pa rin siya gumigising.

Muli kong tinapik ang pisnge niya, pero hinawi niya lang yung kamay ko. I chuckled. Kulang sa tulog ang girlfriend ko.

Bumaba ako ng kotse at binuhat siya ng bridal style, medyo pahirapan nung ina-unlock ko yung pinto ng apartment niya pero nagawa ko rin naman.

Inakyat ko siya sa kwarto niya at hiniga siya sa kama. Maayos pa rin naman ito at walang alikabok dahil bago ako bumalik ng Batangas kahapon, dumaan ako dito.

Hinalikan ko na muna yung noo niya bago ako bumaba at pumunta sa kusina. Ipagluluto ko lang ang girlfriend ko.

***

Inakyat ko si Sam dun sa kwarto niya, tulog pa rin siya. Ano ba naman tong babaeng to, natulog kaya to?

Umupo ako sa tabi niya at tinapik-tapik ulit yung pisnge niya. "Baby, gising na. Kain na tayo ng lunch." sabi ko habang tinatapik ang pisnge niya.

Lumipas ang labinlimang minuto at napagod na ako kakatapik sa pisnge niya. Ano pa bang pwedeng gawin para magising to? Hindi naman siya ganito kahirap gisingin noon.

"Baby, baby, baby, baby, baby, babyyyyy!" sigaw ko at pinitik ang ilong niya. Umungol naman siya tapos tumalikod.

Napasapo ako sa noo ko. What to do, what to do, what to do?

Light bulb!

Tumayo ako at pumwesto dun sa paahan niya. Sigurado akong magigising ka na neto. *smirk*

Huminga muna ako ng malalim bago isagawa ang plano. Wooo! It's now or never.

Marahas kong hinila ang paa niya, kita ko namang napamulat siya dahil don. Wait, di pa ako tapos.

At dahil malapit na siya sakin, hinila ko yung pareho niyang kamay, naka-upo na siya. At dahil nakaupo na siya, binuhat ko siya at niyakap, nakasabit yung pareho niyang braso sa may batok ko. Gising na to, panigurado.

"Good afternoon." sabi ko habang nakayakap sa kanya.

"*yawn* Good afternoon, rin. Istorbo ka sa pag-tulog, nakakainis ka. Pwede naman akong gisingin ng maayos eh." sabi niya at mahinang sinuntok ang balikat ko kahit magkayakap kami.

I chuckled. "Ang hirap mo kayang gisingin, tulog mantika ka kaya. Kanina ko pa nga tinatapik yung pisnge mo eh." sabi ko. Narinig ko naman siyang tumawa.

***

"Anong oras na, baby?" tanong niya habang kumakain kami ng lunch.

Tinignan ko yung cellphone ko, "2:47 pa lang. Bakit?" tanong ko pagkatapos kong uminom ng tubig.

Umiling siya. "Nagtatanong lang. Pwede namang bukas na natin sila bisitahin, diba? Gusto kitang kasama ngayon eh. Kasi kapag binisita na natin sila, hindi na kita masyadong mapapansin." sabi niya pagkalunok niya ng pagkain niya.

Napangiti ako. Shh lang kayo, kinikilig ako. Baka mag-trending na naman ang...you know. "Namiss mo ba ako kahit halos palagi tayong magkasama sa Batangas?" tanong ko.

Kinuha niya muna yung pinagkainan namin tapos nilagay niya sa lababo. Hinila niya naman ako paupo sa couch, sinandal niya yung ulo niya may dibdib ko tapos niyakap niya yung bewang ko. Inakbayan ko naman siya.

My Popular BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon