MPB - 1

13K 145 16
                                        

CHAPTER 1

SAM'S POV

'@ronquillokath: Good morning :) @DJalcantara :*'

Tweet ko pagkatapos kong magbihis. Niligpit ko na muna ang kama ko saka humarap sa salamin para magsuklay. Inilagay ko yung damit ko sa bag in case na pagpawisan ako o pagkatapos ng photoshoot. Bumaba ako sa may kitchen para kumain ng almusal.

Nilagay ko na yung pinagkainan ko sa lababo pagkatapos kong kumain at hinugasan iyon. Nag toothbrush ako at humarap sa salamin. Naglagay ako ng kaunting lipstick. Kinuha ko yung susi ng kotse ko sa bag at ni-lock ang apartment.

Habang nag da-drive ako, biglang nag ring ang cellphone ko.

Tiffany Enrile calling...

Sam: ["Oh?"]

Tiffany: ["Good morning din sayo, Sam."]

Sam: ["Tss. Bakit ba?"]

Tiffany: ["Sungit naman neto. Bibigay ko sana sayo tong Candy Magazine na binili ko at si Jacob ang cover. Trip kitang bilhan eh, kaso mukhang ayaw mo edi w---"]

Sam: ["Good morning, Tiffany! How's your sleep? May article about Jacob diyan? Di ko alam yun ah. Bibigay mo nga sakin yung magazine?"]

Tiffany: ["Hay nako. Sure. Basta ikaw, loves na loves ko yata ang aking bestfriend. Pero, grabe ah. Hindi mo alam na may article about Jacob dito? Ikaw nga rin eh."]

Sam: ["Yeah. Thank you in advance, Tiff. Baba mo na. Tinatamad na kong magsalita eh. Hahaha."]

Tiffany: ["Gaga. Pati pagsalita kinatatamaran. Sige, goodluck sa photoshoot! Bye!"] sabi niya at in-end call.

Oh em gee! Meant to be talaga kami ni Jacob! Akalain mo yun? Magkasama kami sa magazine? Gosh.

Luma na ata yung magazine na yon eh. Wala akong copy non. Hindi ako nakakapunta sa mall para bumili non dahil pinarusahan kami, joke. Sabay sabay yung deadline ng mga projects namin kaya inuna ko yon. Malamang. Hello? Graduating po kami.

Ay, before I forgot. The name is Kathryn Samantha Ronquillo. 18 years of living, a senior at Saint Catherine Academy. Isang exclusive school sa Manila na hindi uso ang uniform. I'm also a model. Grabe no? Oo, fourth year highschool palang ako pero may kotse na ko. Regalo sakin nila mommy yan nung nag debut ako.

A fan of Taylor Swift, Ariana Grande, The Script, and the one and only Daniel Jacob Alcantara. <3

Hindi ganon karami ang followers ko sa twitter and instagram dahil hindi naman ako artista na maraming fans. Model lang ako pero, kilala rin naman ako.

Daughter of Katarina and Samuel Ronquillo, a sister to Emmanuel Ronquillo, Emman for short. I have a bestfriend named Tiffany Michelle Enrile.

Mom and Dad lives in Laguna. Andun din si Emman. Layo no? Tinanong kasi nila ako kung san ko gusto mag college. Laguna ba o Manila? Sabi ko sa Manila. Gusto nga nilang sa Laguna ako grumaduate ng highschool pero sabi ko, "Ayoko na po dun sa school ko, at sa kahit ano pang school dito. Pwede po bang, sa Manila nalang din? Kaya ko na naman po ang sarili ko." Pumayag naman sila.

I didn't like modelling before. May lumapit lang sakin na isang babae at tinanong niya kung gusto ko daw bang mag-model. Tumatanggi pa ko pero sa huli, pumayag rin ako.

Nung una, tinatamad tamad pa kong pumunta sa mga photoshoot dahil nga hindi ko gusto ang modelling pero habang tumatagal, nagiging ka-close ko ang ibang tao don kaya sinisipag na ako. Pinapasok ko rin sa isip ko na bakasakaling andun din si Jacob. Kasi diba, endorser siya ng Bench? Well, model ako. Kaso, pag may photoshoot, it's either naka-alis na siya or wala siyang photoshoot.

Pinark ko na ang kotse ko sa parking lot. Kinuha ko yung bag ko sa passenger's seat at pumasok na ng studio. Habang naglalakad, nakasalubong ko si Henry.

"Good morning, Sam." bati ni Henry.

Henry Marquez. Ang photographer ng Candy Magazine. Hay nako, Candy Mag na nga lang. Pagkahaba eh.

"Good morning din, Henry. Where's Desiree?" tanong ko.

Desiree Galvez. Girlfriend ni Henry. Model rin siya, hindi ko nga lang alam kung ano bang magazine yung pinagmo-model-an niya. Basta ang alam ko, si Henry rin ang photographer nung magazine na yon. Palagi niya kasing kasama yon sa mga shoot. You know, supportive girlfriend.

"May lakad sila nung pinsan niya."

"Ah, ganun ba? Sayang naman. Andyan na ba si Ate Linda?"

Si Ate Linda, yung make-up artist na palagi kong ka-chikahan tungkol kay Jacob lalo na kapag mine-make up-an niya ako. Iniinggit pa nga niya ako dahil close sila ni Baby Loves ko eh.

"Andun na sa taas. Hinanap ka nga agad eh." sabi niya tapos ngumiti ng malapad.

Anyare dito? Namimiss siguro si Desiree. Hay nako. Nevermind na nga lang.

"Ah. Thanks, Henry. Akyat na ko. See you later." sabi ko at naglakad na ulit papalapit sa elevator.

Pipindutin ko na sana yung up button pero napansin kong walang ilaw. Sira?

Nilapitan ko yung guard at tinanong yung tungkol sa elevator. "Ma'am, sira po. Kaninang umaga lang."

"Damn." bulong ko.

Kaya pala. Hindi ko kasi napansin kung saan galing si Henry kanina eh. Hay.

Kinuha ko yung cellphone ko sa bag at nag-tweet.

'@ronquillokath: Damn this elevator.'

Itatago ko na sana yung cellphone ko kaso biglang tumunog. Si Tiffany, nag tweet sakin.

'@enriletiffany: @ronquillokath What happened, bebe?'

'@ronquillokath: @enriletiffany Sira daw. Magstairs nalang daw. Tss. For Pete's Sake, 15th floor yung studio!'

'@enriletiffany: @ronquillokath Ow.. Well, goodluck! Hahaha! Excercise mo na rin yan! Mwa! Mwa! Chup! Chup!'

Umirap nalang ako at hindi na nagreply. Nagce-cellphone parin ako habang umaakyat. Matagal pa naman to eh. Nag so-scroll lang ako at binabasa yung tweets ng iba. Pumunta ako sa twitter account ni Jacob para basahin yung tweets niya, kaso kahapon pa yung recent tweet niya. Hay.

Kung ano ano pang ginawa ko sa twitter kaya hindi ko na namalayan na nasa 14th floor na pala ako. Ang tagal ko pala mag twitter?

Nung nasa huling step na ko paakyat, nabitawan ko yung cellphone ko dahil sa pagkagulat. Rinig ko kasi yung pagsara ng pinto ng studio. Malapit lang kasi sa may stairs yon.

Pinulot ko yung cellphone ko pero pagkatayo ko, nabunggo ako ng isang lalaki at nahulog sa hagdan. Mataas pa man din yon.

Sinubukan kong imulat yung mata ko. Mahirap pero nagawa ko.

Malabo ang vision ko pero alam kong binubuhat ako ng isang lalaki.

Then everything went black.

====================

Nga pala. Si Henry Marquez at Desiree Galvez ay characters from littlemissselle's "The Destroyer". Photographer po kasi Henry don sa story na yon, kaya naisipan kong siya nalang ang gawing photographer. And bilang supportive girlfriend, kasama na rin si Desiree. Pumayag naman si Ate Selle na gamitin ang characters niya. So, yun lang!

Dedicated to kim_gabriel.

Hi sayo! Naalala pa kita. Certified reader ka ng "Hi sir! Crush kita.." diba? Hahaha. Sorry. Binura ko.

-Claii <3

My Popular BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon