MPB - 8

3.7K 93 6
                                        

CHAPTER 8

SAM'S POV

"Hala, Sam. Ang lakas ng ulan." sabi ni Tiffany.

Andito pa rin kami sa apartment ko. 8:30 na nga eh. Hindi namin napansin yung oras kanina. Masyadong napasarap ang kulitan naming apat kanina.

"Guys, sabi sa news wala daw munang lalabas ng bahay. Wala daw pasok bukas dahil may bagyo." sabi ni Diego na busy-ng busy manood ng tv.

"Eh pano kami makaka-uwi?" tanong ni Tiffany at dahan dahang tumingin sakin. Hay nako. Alam ko na to.

"Fine. Dito na muna kayo matulog." sabi ko.

"Yehey!" sigaw ni Tiffany at pumalakpak pa.

"Tss. Parang ngayon lang nakaranas mag-sleepover." sabi ni Diego at agad naman siyang hinampas ni Tiffany hanggang sa nag-away na naman sila.

Maya maya, nagpunta na rin sa living room ang nagluto ng dinner na si Jacob. Nag-volunteer eh. "Grabe talaga kayong dalawa. Kanina pa kayo ah." sabi niya.

"Si Diego kasi eh!" sigaw ni Tiffany at hinampas niya na naman si Diego.

Nilayo ni Jacob si Tiffany kay Diego. "Tama na muna yan. Kakain na." sabi niya. Agad namang tumayo si Diego at kumuha ng mga plato sa lalagyan at naghain.

"Akalain mo yon, may tinatagong kabaitan pala tong si Diego." bulong ni Tiffany sakin. Binatukan ko nalang siya at pumunta na sa kitchen.

Kumuha ako ng malaking bowl at sinandok ang sinigang na niluto ni Jacob. Dinala ko yon sa dining room.

Tiffany | Diego

T A B L E

Sam | Jacob (position namin)

Nagdasal na muna kami saka kumain. Akala ko pag kumakain na kami, tatahimik na tong dalawang to. Hindi parin pala. May pinag-aawayan parin.

"Akin na nga kasi to!"

"Akin yan! Eto nalang yung iyo!"

"ARGH! Ayoko ng mabuto!"

Jusmiyo. Patawarin niyo po itong dalawang sira-ulong nasa harapan namin ng future husband ko. Chos. Feeler lang?

***

"DIEGO, ANO BA?! LECHE, BAKIT MO KO PINAHIRAN NG SABON SA MUKHA?!"

"GUSTO KO EH! PAKIALAM MO BA?! HAHAHAHAHAHA!"

Anak ng sabon nga naman talaga, oo!

Kanina pa nagtatalo yan. Sila kasi yung pinaghugas namin. Punishment narin dahil sobrang ingay nila sa harap ng hapag-kainan.

"Peram nga ng earphones, Sam." sabi ni Jacob.

Inabot ko naman sa kanya yung earphones na nasa ibabaw ng maliit na cabinet na katabi ko at sinaksak sa cellphone niya. "Nakaka-rindi sila no?" sabi ko.

"Sobra." sabi niya at isinalpak na yung earphones sa tenga niya.

Umakyat ako sa kwarto ko. Hinalungkat ko yung maliit na cabinet ni Emman. May gamit kasi siya dito dahil trip niyang magpaiwan dito minsan kapag bumibistita sila nila mommy para makitulog. Ewan ko ba dun.

Habang naghahalungkat, may nakita akong picture dun sa pinaka-ilalim ng mga damit niya. It's a picture of us. Our family.

Hay. Nami-miss ko na sila. Hindi na kasi ulit sila nakabisita dito dahil naging busy si daddy sa work. Si mommy naman pinuntahan yung boutique niya sa England dahil nagka-problema daw. Nagsorry naman silang dalawa dahil don. Babawi nalang daw sila.

Bumalik ako sa living room ng may dalang dalawang shorts at t-shirt at.. Hay nako.

Pumunta ako sa harap nila Diego at Tiffany na kasalukuyang nagbabangayan dahil sa ewan. "UTANG NA LOOB! TUMAHIMIK NA KAYONG DALAWA KUNDI SISIPAIN KO KAYO PALABAS NG APARTMENT KO!"

"Hehe. Peace?" sabi nilang dalawa. Umirap nalang ako. Bago ako tumalikod, nakita ko pa silang nagsisisihan. Hay nako.

Pumunta ako sa tabi ni Jacob at binigay yung damit sa kanya. "San niyo gusto matulog? Sa sahig ng kwarto ko o dito sa baba?" tanong ko.

"Sa sahig nalang ng kwarto mo." sabi niya. Binato ko naman kay Diego yung isa pang shorts at t-shirt na hawak ko. Nasalo niya naman.

Ginawa ko na lahat ang dapat gawin at nauna nang umakyat sa kwarto ko para ayusin ang hihigaan nila Jacob. Habang pinapag-pagan yung kutson, biglang pumasok si Jacob.

"Ako na. Mahiga ka na diyan." sabi niya. Sinunod ko naman siya. Nag-dive ako sa kama na dahilan ng paglaspag ng buhok ko. Naghagis ng dalawang unan sa higaan nila. Marami naman akong unan eh. Nagulat naman ako ng biglang sumalampak si Jacob sa kama ko.

"Pahiga saglit. Sakit ng katawan ko eh. Hindi ko naman alam kung bakit." sabi niya at hinayaan ko nalang siya.

Maya maya, may dalawang sira-ulo ang pumasok sa kwarto ko with shocked faces.

"Bakit ang gulo ng buhok mo, Sam? Tsaka, anong ginagawa ni Jacob sa kama mo?" tanong ni Diego. Nagkatinginan naman sila ni Tiffany. Hay nako. Alam ko na ang iniisip ng dalawang to.

"So, iniisip niyo na may ginawa kami?" diretso kong tanong. Tumango naman silang dalawa at ngumiti.

"Tss. Ewan ko sa inyo. Matulog na nga kayo." sabi ko.

Magsasalita pa sana yung dalawa pero naunahan ko sila. "Utang na loob, tama na. Rinding rindi na ko sa ingay niyo." sabi ko at tinulak si Jacob paalis ng kama ko.

"Maka-tulak naman to." sabi ni Jacob. Nag peace sign nalang ako. Pumwesto si Diego sa tabi ni Jacob at naiwang nakatayo si Tiffany. "San ako?" tanong niya.

"Sa labas." sabi ko at umayos ng higa para magkaroon pa ng space sa kama ko. Mukhang naintindihan naman niya yon dahil bigla siyang nag-dive sa kama ko.

Hindi na muna ako nagtweet dahil nandito rin naman sa apartment ko ang palagi kong mine-mention sa tweet. Bukas nalang.

"Goodnight to all!" sigaw naman ni Diego.

"Anak ng."

====================

Finally! Tapos na ang monday nila! Sa next update? Hmmm. ;)

-Claii <3

My Popular BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon