MPB - 15

3.1K 80 11
                                        

CHAPTER 15

SAM'S POV

Naglakad na ko papunta sa kama na hinihigaan niya ngayon. Ngayon ko palang makikita ang katawan niya...Aish! Samantha, ano ba?!

Paiwas-iwas pa ko ng tingin dahil dun sa katawan niya. Shemay! Bakit kasi siya naka-topless? Ganito ba talaga siya matulog? Wala naman kasing info na ganyan sa internet eh. Yung naka-hubad siya pag natutulog.

Nung nakalapit na ko sa kanya, hinawakan ko naman siya sa balikat at niyugyog yon. "Jake..." sabi ko. No epek.

Ugh! Hindi pa man din ako magaling sa pag gising. Hay, mamaya ko na nga lang siya gigisingin.

Aalis na sana ko pero...may something na nagtulak sakin para tabihan siya dun sa kama. Nakayakap na ko sa kanya ngayon.

No, no, no! This can't be! Hindi pwede to!!

Inalis ko ang braso ko na nakayakap sa kanya at bumangon. Tatayo na sana ko paalis sa kama niya pero hinila niya ko, napahiga tuloy ulit ako.

Anakng----GISING PALA TO EH!

"Goodmorning, babe." sabi niya at hinalikan ako sa noo.

Ugh. Why is he so sweet? Bakit parang wala lang sa kanya yung...aish.

"Still mad?" tanong niya, umiling ako. "I'm sorry." sabi ko. Sam, pigilan ang luha.

Hinawakan niya yung balikat ko. Nilayo niya yung katawan niya sakin at tinignan yung mukha ko. "Bakit ka umiiyak?" tanong niya. Hay nako, Samantha. Sinabi ko nang pigilan ang luha eh!

"I'm sorry, I'm sorry..." paulit-ulit kong sabi at binaon ang mukha ko sa naka-expose niyang dibdib----este sa dibdib niya.

"Sorry, sorry." sabi ko ulit. Kulit ko no? Daig ko pa Super Junior.

Pinunasan niya yung luha ko tapos hinalikan ako sa noo. "Tama na, wag ka na umiyak. Wag nalang natin pag-usapan yon. I love you." sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.

"I love you too." sagot ko.

Nag-stay lang kami sa ganong posisyon ng mga...5 minutes, I guess? Anyway, pagkatapos ng 5 minutes na yon, tumayo siya at kumuha ng tshirt dun sa backpack niya. Aba, buti naman nakaramdam no?

"Baba na tayo." pag-aaya niya. Hibang na ba to?

"Puyat ka diba? Matulog ka na muna." sabi ko.

"Baba na tayo." pamimilit niya at hinila ako patayo, hinila ko rin naman siya at tinulak sa kama niya. Oy, wala kaming gagawin.

"Puyat ka diba? Matulog ka pa. Okay lang na tanghali ka na magising." sabi ko at lumabas na ng kwarto niya.

Bumaba ulit ako para uminom ng tubig dahil pakiramdam ko, naubusan ako ng tubig dahil nilabas lahat yon ng mata ko. Pagkatalikod ko...

"Aish! Samantha naman!" sabi ni Jacob. Nabugahan ko ng tubig eh.

"Bakit ka nandito? Sabi kong matulog ka pa don diba?! Tignan mo nga yung mukha mo! Ang laki laki ng eyebags mo oh!" sabi ko.

"Aray naman, Sam." sabi niya at umarte pang sumasakit yung dibdib niya.

"Ew---"

"Ang aga mo naman magbunganga, Samantha!" masungit na bungad sakin ni Tiffany.

"Eh eto kasi eh!" tinuro ko si Jacob. "Sinabi ko kasing matulog ulit dahil puyat eh!" sabi ko.

Sasagot pa sana si Jacob pero... "Annnnnnnnnd, cut! Nice acting, guys." sabi ni Diego at pumalakpak pa.

My Popular BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon