CHAPTER 47
SAM'S POV
Maaga akong nagising kinabukasan dahil ngayon namin balak na puntahan at kamustahin sila Tiffany. Grabe! Miss na miss ko na yung babaitang yun! Kamusta na kaya yon? Sila pa rin kaya ni Diego?
Si Diego? Under pa rin kaya siya kay Tiffany?
Si Ken? May girlfriend na kaya yung lokong yun?
Si DK? Buhay pa kaya yun? Gosh, I miss him! Kamusta na kaya siya? Inaalagaan naman siguro siya nila Dani.
Sila Tito Dan at Tita Janine? Kamusta na kaya sila? Namiss kaya nila ako? Ay, napaka-charotera ko talaga.
Nasa kalagitnaan ako ng pag kain ng breakfast nang may mag-doorbell. Naka-lock yung gate, malamang, magdo-doorbell yun.
Nakangiti kong sinalubong ng yakap si Jacob pagkabukas ko ng gate. Ang gwapo talaga ng boyfriend ko. He's wearing a grey hoodie, he looks hot, goodness. He also kissed my cheek.
"Ready ka na bang umalis o may ginagawa ka pa?" tanong niya after he kissed my cheek.
"Kumakain lang ako ng breakfast. Don't worry, patapos na ako, sa kotse mo nalang ako maglalagay ng make up." sabi ko.
"Wag ka na maglagay ng make up. Maganda ka pa rin naman kahit wala ka nun eh." sabi niya at hinawakan yung kamay ko.
Kinilig ako. "Asus, okay, hindi na. Pasok ka muna sa loob." sabi ko. Tumango naman siya at pumasok na kami sa loob.
Nag-tweet na muna ako bago ako magpatuloy sa pag kain.
"@ronquillokath: Good morning! Have a nice saturday, everyone! 😄 #aprtmntwbby."
Di ko alam kung bakit naisipan kong maglagay ng '#aprtmntwbby' diyan sa tweet na yan. Namiss ko lang siguro talaga mag-tweet ng mag-tweet kaya ako naglagay ng kung anong ka-echos-san. Hahaha! [A/N: Hashtag, apartment with baby.]
Pinagpatuloy ko na ang pag kain ko habang naka-upo si Jacob sa sofa, nanonood ng tv. Ayon sa narinig ko, yung kanta ni Olaf, yung may summer chuchu kaya, nanonood siya ng Frozen.
"Pst, huy." tawag ko sa atensyon niya. Tumingin naman agad siya sakin. "Bakit yan pinanonood mo? Pwede namang ibang movie ah." sabi ko. Nagtataka lang naman ako.
Nagkibit balikat lang siya. "Ewan ko rin eh. Paglipat ko lang ng channel, ito yung naabutan ko. Na-cute-an ako sa snowman eh, edi hindi ko na nilipat." sabi niya tapos tumawa.
Natawa naman ako sa inasal siya, ang cute ng boyfriend ko. Nanonood ng cartoons, gash!
Pabirong umirap nalang ako habang umiiling-iling. Nakakatuwa siyang panoorin, tutok na tutok siya sa palabas. Pangiti-ngiti pa minsan pag may nakakatawang line o happenings sa movie.
Ang sabi ko kanina, sandali nalang, at ready na ako umalis. Pero inabot na ata kami ng thirty minutes dito sa apartment ko. Tapos na akong kumain, actually, kanina pa.
Hindi lang kami makaalis dahil sabi ni Jacob, "Tapusin lang natin to, baby. Ang cute kasi talaga eh. Ang saya panoorin."
Hinayaan ko nalang siya at naki-nood na rin ako. Tama naman talaga siya, cute yung palabas.
Maya-maya, natapos na rin yung palabas pero hindi niya ako pinansin. Instead, kinuha niya yung cellphone niya at may kung anong pinindot-pindot kaya nag-cellphone na rin muna ako. Nabitin siguro siya sa pinapanood niya.
habang nagti-twitter ko, may narinig akong music, galing sa cellphone ni Jacob. Natawa naman ako nang marinig ko yung kanta.
Bees they'll buzz, kids will blow dandelion fuzz

BINABASA MO ANG
My Popular Bachelor
FanfictionI'll do everything for him to be My Popular Bachelor.