CHAPTER 16
SAM'S POV
Mag a-alas kwatro na ng hapon pero hanggang ngayon, tulala pa rin ako.
Gosh, Samantha. All this time, girlfriend ng kapatid mo yung kinaiinisan at pinagseselosan mo? Nakakahiya!
Nandito ako ngayon sa gilid ng pool. Nakasuot ng bathrobe habang nakababad ang mga paa sa swimming pool at may hawak na baso. Baso ng wine.
Oo, umiinom kami ngayon. Nandito lang naman kami sa bahay tsaka, hindi naman marami ang alcohol neto. Palagi kasing binibigyan ng wine si daddy kapag mag chuchuchu.
Sumipsip ako ng kaunti sa baso na hawak ko. Medyo nahihilo na ko dahil kanina pa ko inom ng inom. Nakarami na nga ako eh.
Tinignan ko yung kabilang side ng pool. Magkakasama silang lahat, ako lang ang nag-iisa. Ugh! Nahihiya kasi talaga ko. Kay Tricia, lalo na kay Emman.
Uminom ulit ako. Nagulat naman ako ng may biglang tumabi sakin at inakbayan ako. Si Jacob pala.
"Bakit ayaw mong maki-join samin?" tanong niya.
"Wala lang. Gusto ko lang mapag-isa." pagsisinungaling ko.
"Sure ka?" tanong niya ulit. Tumango ako.
"Sige, dito nalang din ako." sabi niya tapos pinatong yung ulo niya sa balikat ko.
Shemay. Nakaka-konsensya namang magsinungaling dito.
==========AFTER 3 HOURS==========
"Sige laaaaang! Sandal ka langgggggg, at wag mong pipi--*hik*gilan!" kanta ni Emman na kasalukuyang nakatayo sa ibabaw ng mesa at sumasayaw. Ughhhhh! Lasing na si kapatid!
Tatlong oras lang kaming nawala nila Tiffany at Tricia, eto na ang naabutan namin?
Nauna kaming umahon sa kanila dahil gininaw agad kami. Nagpaiwan naman sila dahil gusto pa daw nila.
"Bee, baba ka diyan." sabi ni Tricia at hinila pa yung short ni Emman. Hindi naman mahuhubad yon sa kanya. Nakita ko kaninang hinigpitan niya yung tali nun eh.
"Ayaw." sabi ni Emman. Umupo siya sa lamesa tapos nag-pout. Hala? Hindi nga bumaba, umupo naman. Pansin ko namang na-weird-ohan sa kanya si Tricia.
Lumingon naman ako sa kaliwa ko, dun ko nakita si Jacob. Nakahiga dun sa gilid na gilid ng pool, tulog pa. Tanga lang? Pano nalang kung gumulong siya, edi nalaglag? Tsk. Tsk. Tsk. Lasing rin ata.
Lumapit ako sa kinaroroonan niya. Umupo ako, binabad ko yung paa ko sa tubig tapos pinatong yung ulo niya sa lap ko.
Goodness gracious. Why so handsome, mister?
Wew, buti nalang, hindi to nababaliw pag nalalasing. Ang tanong, lasing nga kaya? Aish, malamang! Sino ba namang sira ulo ang matutulog sa gilid ng pool?
"Ikaw na ang may sabi, na ako'y mahaaaaaaal mo rin. At sinabi mo, na ang pag-ibig mo'y di magbabago." kanta ko habang nakatingin sa langit. Kakantahin ko na sana yung sunod pero may nanguna.
"Ngunit bakit, sa tuwing ako'y lumalapit, ika'y lumalayooooooo. Puso'y laging nasasaktan pag may, kasama kang iba." si Jacob pala yon. Hindi na kaya to lasing?
"Di ba nila alam,"
"Tayo'y nagsumpaan."
"Na ako'y sayo, at ika'y akin lamang." kanta naming dalawa.
"I love you." sabi niya.
"I love you." sabi ko tapos tinayo ko na siya. Pinapunta ko siya sa kwarto niya, inutusan ko na rin na mag-banlaw na para makatulog na. Hindi na niya kailangan kumain, kanina pa naman sila kain ng kain nila Emman nung wala kami eh.

BINABASA MO ANG
My Popular Bachelor
FanfictionI'll do everything for him to be My Popular Bachelor.