CHAPTER 2
SAM'S POV
"Oh, buti gising ka na. Okay ka na ba, Sam? Nagugutom ka ba?" tanong ni ate Linda sa akin.
"Nasan tayo, ate?"
"Ospital, Samantha. Saint Luke's. Ano? Okay ka na? Gusto mo kumain?"
"Sandwich nalang muna, ate. Hindi pa naman ako ganun ka-gutom. Hindi ka pa ba uuwi, ate Linda?"
Umiling siya. "Hindi na muna. Nag volunteer ako na magbantay sayo ngayong gabi." tapos inabutan niya ko ng sandwich.
Napa-bangon ako bigla, nahilo tuloy ako. Lumapit naman bigla si ate Linda sa akin. "Oh, anong nangyare sayo? Bat bumangon ka bigla? May masakit ba sayo? Tatawagin ko na yung doctor." Aalis na sana siya sa tabi ko pero nahawakan ko yung braso niya.
"Walang masakit, ate Linda. Nabigla lang ako. Seryoso, ate? Gabi na?"
"Oo. Alas-otso na nga oh. Tagal mo kayang naka-tulog." sabi niya tapos pinakita sakin yung relo niya. Tinuro pa niya yung wall clock sa kwarto.
Tumango tango ako. "Sige, ate Linda. Pahinga ka na muna diyan." sabi ko at bumalik na siya don sa may sofa.
Pinagmasdan ko yung paligid. Ganito ginagawa ko kapag bored ako.
Yung aircon, dapat naka-pwesto malapit sa pinto para mas madali mag circulate yung lamig sa L-shape na kwarto. Tsaka para ako lang yung nalalamigan. Hehehe.
Mas maganda kung kasing-size nung pader yung bintana para nakikita yung view sa labas.
Yung side table dapat nasa left side ng hospital bed para hindi mahirapan kunin nung pasyente yung kukunin niya lalo na kung may dextrose dahil sa right hand madalas nakakabit yon.
And speaking of side table, nakita kong nakapatong doon ang cellphone ko. Kinuha ko yon at binuksan.
5 messages from Desiree Galvez
3 messages from Tiffany Enrile
12 missed calls from Tiffany Enrile
Hala! Ang daming missed call ni Tiff!
Dinial ko yung number niya at tinawagan, sinagot naman agad niya.
Sam: ["Tiff, so---"]
Tiffany: ["SAMANTHAAAAAAAAA!"]
Sam: ["Gaga, wag ka ngang sumigaw. Sakit mo sa tenga."]
Tiffany: ["Gaga ka rin. Hindi naman ako sisigaw ng ganito kung sinasagot mo yung mga tawag ko no! Ang dami ko kayang missed calls sayo!"]
Sam: ["Oh, sorry naman. Eto na. Tiff, hindi ko nasagot yung tawag mo kanina dahil tulog ako."]
Tiffany: [Oh, eh, asan ka ngayon?"]
Sam: ["Ospital."]
Tiffany: ["ANO?! BAKIT KA NASA OSPITAL?!"]
Sam: ["Wag ka sabing sumigaw eh!"]
Tiffany: ["Oh yan, hindi na. Bakit ka nasa ospital? Gusto mo, puntahan kita?"]
Sam: ["No need, Tiffany. Nandito ko sa ospital ngayon dahil nahulog ako sa hagdan kanina. Elevator kasi eh."]
Tiffany: ["Ay tanga. Sinisi pa yung elevator. Kelan ka makakalabas diyan?"]
Tinakpan ko yung speaker ng cellphone ko at tinawag si ate Linda. "Teh, kelan ako pwedeng lumabas?" tanong ko.
"Bukas daw ng tanghali. Hindi naman daw ganon kasama yung pagkahulog mo kanina sa hagdan sabi ni Jake." sabi niya.
"Ah sige, salamat." sabi ko.
Sam: ["Bukas daw mg tanghali, Tiffany."]
Tiffany: ["Ah, okay. Punta ko diyan bukas ng ten, ha? Sunduin kita diyan."]
Sam: ["Sige, Tiff. Thanks."]
Tiffany: ["Pahinga ka na, bebe. Intay mo ko bukas, ah? Buhbye."] sabi niya at in-end call.
"Ate Linda, sino si Jake?" tanong ko. Nakalimutan kong itanong kanina eh. Hahaha. Nahulog lang sa hagdan, naging ulyanin na? Nyanyanya.
Pero imbis na sagutin niya ko, ngumiti siya at natulog dun sa sofa.
Okay, what was that?
Binasa ko yung limang texts ni Desiree.
From: Desiree Galvez
Sam! Sabi ni Henry, hinahanap mo daw ako. Sorry, umuwi kasi yung pinsan ko from States. Nag bonding kami. Next time nalang, ah? Sasama na ko sa susunod na photoshoot ng Candy Mag lalo na kapag may article don about you. Kainis no? Gusto nila yung bagong picture.
From: Desiree Galvez
Sam, gala tayo bukas! May photoshoot ka?
From: Desiree Galvez
Uso mag reply babae.
From: Desiree Galvez
Sam! Nabunggo ka daw ni Jake kanina? Fudge! Nahulog ka sa hagdan? Bubugbugin ko yon!
From: Desiree Galvez
Bukas ng tanghali na daw labas mo sabi ni Henry ah? Okay ka na? Punta kami ni Henry diyan ng 8. Aga no? Para daw makapag kwentuhan tayo ng matagal. Tsaka may photograph si Henry eh. Pahinga ka ng mabuti ah? Goodnight.
Nagreply naman ako. Nakakahiya naman kung hindi ko papansinin.
To: Desiree Galvez
Okay na ko, Des. Next week nalang tayo hang out. Thanks sa concern. Goodnight.
Nakaramdam ako ng pagkahilo kaya hindi ko na nagawang basahin ang tatlong texts ni Tiffany, pero pinilit kong labanan ang hilo at nag twitter. Hinding hindi ako papayag na Hindi ko magagawa to.
'@ronquillokath: Grab your meal, Jacob. Don't skip. Goodnight. :) @DJalcantara'
Nilapag ko yung cellphone sa side table. Naramdaman kong may pumasok sa kwarto pero hindi ko nalang pinansin. I won't bother to open my eyes dahil wala akong pakialam kung sino man siya, joke. Y so mean? De, ayoko lang talagang imulat ang mata ko dahil nahihilo ako. Pero... bat may narinig akong...
"I'm sorry." at may naramdaman akong dumampi sa noo ko?
Siya ba si Jake?
Then, nakatulog na ko.
====================
Dedicated to blueberrycupcake18.
Basahin niyo stories niya. Maganda. Kahit one-shots lang. Hi, bebe Zy!
-Claii <3

BINABASA MO ANG
My Popular Bachelor
FanfictionI'll do everything for him to be My Popular Bachelor.