SPECIAL CHAPTER 2
TIFFANY'S POV
"Anak ng tinapa, Papa! Engaged na raw sina Sam at Jacob!" sigaw ko habang nakatingin sa screen ng cellphone ko.
Nandito ako ngayon sa kwarto namin, kasama ko si Steph, ang baby namin ni Diego. Akalain niyo yon? After six years, kami pa rin? Unbelievable, diba? Grabe, hahaha! Natiis namin ang isa't-isa. Dati magka-away lang kami, ngayon, mag-asawa na, may anak pa! Nako, mababawasan kaya yung pagbabangayan naming dalawa?
"Alam ko, Mama! Kalat kaya sa internet! Tsaka, pinakita sa news!" sigaw niya mula sa baba. Hay, hindi kaya magising si Steph sa ginagawa namin?
"Uwaaaaaaa!"
Ayan, sinasabi ko na nga ba, magigising at magigising pa rin siya. Binitawan ko ang cellphone ko at kinarga siya. 9-months old na naman siya, kaya medyo mahirap nang alagaan. Kasi, magkukulit na siya.
I kissed her forehead habang nagse-sway sway ako at nagha-hum. Hindi pa naman nakakapagod mag-alaga ng bata. Okay, fine. Nakakapagod, sobra! Pero, hindi naman ako nagsisisi na may anak ako. Blessing to samin ni Jesus, swerte pa nga kami dahil may anak kami eh.
Nang tumahan na siya, dahan-dahan ko siyang nilapag sa kama at nilagyan ng unan ang bawat gilid siya. Sa taas, sa baba, sa kaliwa't kanan, mag unan.
"I love you, Stephanie." bulong ko at hinalikan ulit siya sa noo. Bigla namang bumukas ang pintuan ng kwarto namin at iniluwa noon ang asawa ko. Kaming tatlo lang naman ang tao sa bahay namin, ayaw naming kumuha ng yaya dahil kaunti na lang ang mapagkakatiwalaan ngayon.
"Ang galing talaga ni Mama mag-alaga." sabi niya at umupo sa gilid ng kama nila. Sa may paanan ni baby Steph.
"Oo, talagang magaling ako. Ang ganda-ganda ko kaya." sabi ko at nag-hair flip. Maraming taon na ang nakalipas, pero ganyan pa rin kami. Ganito pa rin ako, nag-uumapaw ang self confidence.
"Alam ko namang maganda ka, Mama. Wag mo nang ipangalandakan." sabi niya kaya tumawa ako ng mahina.
"Hindi ka kasi marunong mag-alaga. Puro pa-pogi ka kasi eh." pang-aasar ko sa kanya.
THIRD PERSON'S POV
Isang linggo na ang nakalipas mula nang malaman nilang ikakasal na ang pareho nilang bestfriends.
Kasalukuyang nanonood ng tv sina Diego at Tiffany. Nasa kwarto kasi ng mag-asawa ang anak nilang si Steph kaya wala siyang masyadong ginagawa ngayon.
Nakapag-hire na kasi sila ng yaya, pinagkatiwalaan naman agad nila ito. Sabi kasi ng nanay niya, matagal na raw nila itong kasama sa bahay, at mapagkakatiwalaan talaga.
Habang nanonood sila, biglang tumunog ang cellphone ni Tiffany, nag-text pala ang kanyang bestfriend.
From: Sam bruha
Helloo, beeeeeeestfrieeeeeend! I missed you! Balita ko, wedding coordinator ka na raw? Oh my geeee! Pwede ba, ikaw na lang kunin naming coordinator? :))
Napangiti naman si Tiffany sa text ng bestfriend niya. Oo, wedding coordinator si Tiffany. Pero, iba ang nag-ayos ng kasal niya. Hassle naman para sa kanya kung siya mag-aayos ng kasal niya. Sakit sa ulo yun.
To: Sam bruha
Sure na sure! Wahihi, ako bahala sa kasal niyo! Hahaha! Hashtag, excited na akoooo! I missed you, too! Kelan niyo ba gustong simulan ang pagpa-plano? Pupunta na ako ngayon sa bahay niyo. (kung meron man xD)
From: Sam bruha
Hahaha! Gaga ka! Syempre, wala pa, noh. Dito na muna kami sa apartment ko habang hindi pa napapatayo yung bahay namin. Ka-excite! Hihi, o kaya, minsan, nasa bahay kami nila Tita Janine. Pero sandali lang, nahihiya kasi ako eh. >_<
