MPB - 21

2.4K 65 8
                                        

CHAPTER 21

JACOB'S POV

Maaga akong pumunta sa apartment ni Sam ngayon. Gusto ko kasi siyang isama sa pagsundo kila mama at papa sa airport.

Since the day that she said yes, gustong-gusto ko na agad siya ipakilala. Ang problema, nasa California silang dalawa. They've been staying there for three years, wala na nga akong balita sa kanila eh. Parehas silang busy.

I'm on my way to my girlfriend's apartment. Ano na kayang ginagawa niya ngayon? Nagpe-prepare na kaya siya?

9 na ng umaga nang makarating ako sa apartment niya. Sumilip ako sa bintana, nakabukas na yung tv. Gising na siya ibig sabihin, pwera nalang kung si Tiffany yung nanonood.

Pumasok ako sa loob at nadatnan kong prente siyang nakaupo sa sofa at naka-earphones. Sayang kuryente, tsk. Nakapangbahay pa siya, bakit di pa siya naka-ready?

"Ayaw mo ba sumama?" tanong ko sa kanya pagkatanggal niya ng earphones niya at tumabi sa kanya.

"H-hindi naman sa ayaw. Baka kasi....hindi nila ko magustuhan eh." sagot niya at nagtakip ng mukha.

Hinawakan ko yung kamay niya, "Magugustuhan ka nila. Ako nga, nagustuhan kita eh. Sila pa kaya?" sabi ko at hinalikan siya sa ilong.

"Pero-----"

"Walang pero-pero. Dali, bihis ka na." sabi ko at hinila siya papunta sa kwarto niya.

Mahina lang naman. "Wag masyadong magpaganda, ha? Maganda ka na eh." sabi ko. Wala lang, gusto ko lang siyang kiligin.

Pero, laking dissapointment ko sa sinabi niya. "I know, I'm born with it." sabi niya at sinaraduhan ako ng pinto. Hindi siya kinilig eh. Huhuhu. Shet, ang bakla.

Bumalik ako sa sala at ako naman ang nanuod. Maya-maya, bumaba na siya dala yung sapatos niya. "Ano yang suot mo?" masungit na tanong ko. Tumayo ako at lumapit sa kanya, tass ng kilay at cross-arms.

"Uhm...damit?" sagot niya.

"Bumalik ka dun sa taas. Ayoko ng suot mo." masungit na sabi ko.

"Bakit naman? Ang ganda nga eh." sabi niya.

"Aakyat ka, o kakaladkarin kita paakyat?" sabi ko. Sumimangot naman siya tapos padabog na bumalik sa kwarto niya. Narinig ko pa ngang sinabi niya, "Ano bang problema nun? Ang ganda nga ng suot ko eh."

Bumalik ako sa pagkakaupo. Ayoko ng suot niya. Sleeveless tapos shorts? Aba, hindi yan pwede sakin. Bumaba ulit siya, ano na naman ba tong suot niyaaaa?

"Oh ano? Ano na namang problema sa suot ko?" kung kanina, ako yung nagsusungit, siya naman ngayon.

Hinawakan ko yung dalawang balikat niya. "Sam, hindi naman sa panget yung damit na suot ko. Ayoko lang ng naka-shorts ka, pagtitinginan ka ng mga lalaki dun sa airport. Gusto ko, ako lang makakakita ng legs mo. Okay lang ba yon?" malambing ba? Baka kasi magalit eh. Hihi. XD

"Sus, yun lang naman pala eh. Dapat sinabi mo agad. Pagod na ko oh." sabi niya at umakyat ulit. Bumaba naman siyang naka-pantalon na. Kaso, naka-sleeveless blouse parin. Okay na yung blouse niya kanina eh. [A/N: See multimedia para nakikita niyo si Sam.]

"Okay na ba to?" tanong niya. "Okay na yan." sagot ko. Baka kasi magalit na pag pinagpalit ko pa ulit. Nakakatatlong palit na eh. "Kumain ka na?" tanong ko. Tumango siya.

Inaya ko na siyang umalis kaya pinatay niya na yung tv tapos lumabas na kami. Sumakay na kami sa kotse ko tapos nagsimula na kong mag-drive papunta sa airport.

"Babe, hindi ka ba pagkakaguluhan don?" tanong niya.

"May shades at cap naman ako. May jacket rin akong dala. Tsaka, may bodyguard akong hinire." sabi ko.

"Ay, magja-jacket ka pa? Wag na. Hot mo diyan sa plain gray shirt mo eh." sabi niya habang nag me-make-up. Kinilig naman ako dun. Palihim naman akong ngumiti. Aba, dapat lang na hindi ipahalata sa kanya no. Mang-aasar pa yan.

"Oh, naka-smile ka diyan? Kinikilig ka no? Ayieeee! Aminin!" sabi niya at pumalakpak pa. Tss. Sabi na eh, dapat hindi pinapahalata sa mga babae na kinikilig ka dahil walang katapusang pang-aasar ang makukuha mo.

"Hindi kaya." deny ko tapos nag-iwas tingin.

"Hindi daw, kinikilig ka eh! Hahaha! Mai-tweet nga yon." sabi niya sabay labas ng cellphone niya.

"Bago cellphone mo?" tanong ko.

"Oo, kagabi lang ako bumili. Nasira na nga yung screen nung isa, diba?" sabi niya.

Tinignan ko yung cellphone niya. "Aba, dinaig mo cellphone ko ah." sabi ko.

"Oo, kaya magti-twitter na ko." sabi niya. Maya-maya lang, biglang tumunog yung cellphone ko. Naku po. Minention kaya ako ni Samantha sa tweet niya?

Nung nag-traffic, tinignan ko agad yon. Buti naman at tulog na tong kasama ko.

'@ronquillokath: Kinikilig si Jacob, guys! Hahaha! Oh my gee! #KiligMuchDJ Hi! @DJalcantara'

15,459 retweets 23,678 favorites

Napasapo ako sa noo ko. Tinignan ko yung followers niya, 91k. Ang bilis naman nilang dumami. Huling check ko dito, last month pa eh. 28k palang yung followers niya.

Tinignan ko yung news feed ko, a tweet caught my eye. Ni-retweet lang siya ni Sam, 30 minutes ago daw.

'@abbymartinez: Oh my gosh! Trending na yung #KiligMuchDJ! Hihihi. I wonder, bakit kaya kinilig si kuya Jacob? Shemay, I love you talaga, Ate Sam at Kuya Jacob!'

Nanlaki mata ko. Trending?

Tinignan ko yung trending list. And again, napasapo ako sa noo ko.

#KiligMuchDJ

#KiniligSiJacob

=======================

Okay! That's all today!

Sorry kung maikli. Bawi sa next update. :)

-Claii <3

My Popular BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon