CHAPTER 42
SAM'S POV
"Wow, Kathryn. Ang gaganda ng swimsuit mo! Kaya ka pala naging model eh! Ang ganda mo manamit!" masayang sabi ni Lianne pagkabukas ko ng bag ko.
"Hahaha! Di ko kasi alam kung anong dapat kong dalhin eh. Kaya, ayan. Marami akong dinala. Pero, ano? Model? Kailan pa ako naging model?" natatawang tanong ko sa kanya.
Kahit di ako nakatingin sa kanya, napansin kong parang nataranta siya. "Uhm... Ibig kong sabihin, pwede kang m-maging model. Oo, yun nga. Pwede ka maging nodel. Ang ganda ng taste mo sa mga damit eh." sabi niya tapos ngumiti.
"Ah, okay. Thank you." sabi ko.
Pagkatapos naming mag-usap tungkol sa random things, nagpalit na ako ng swimsuit. Nung una, nag-aalangan pa ako kung ito na ba talaga ang susuotin ko. Pero dahil mapilit si Lianne, eto na rin ang sinuot ko.
After few minutes ng pagpupuri niya kung gaano daw ako ka-sexy sa suot ko, napagdesisyunan na rin naming bumalik dun sa cottage namin. Pero bago namin ginawa yon, nagsuot na muna ako ng oversized white shirt na hanggang hita ko para hindi ako mailang habang bumababa kami.
Dala ko na rin yung bathrobe ko para sa kwarto nalang ni Jake ako magbibihis, tutal, nandun yung mga gamit ko.
Nang makarating kami sa baba, naabutan naming magkausap si Jake tsaka si direk.
"Direk!" sigaw ni Lianne kaya napatingin silang dalawa samin.
Tinignan ko si Jake. Anong problema nitong lalaking to at ang sama ng tingin sakin? Anong ginawa ko?
Sabay kaming pumunta ni Lianne dun sa cottage. Nung umupo ako sa tabi ni Jake, nabigla ako nang maramdaman kong umakbay siya sakin.
[Scene taken from MPB - 9]
Binuksan ko yung pinto. "Hi." sabi niya. Hinalikan niya ko sa cheeks at inakbayan ako. Grabe. Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa yon pero hinahayaan ko nalang. Aaaaahhh! Hindi ko kita yung mukha ko pero alam kong kasing pula ko na ang kamatis. Hinawakan pa yung kamay ko tapos binuhat yung gamit ko. Leche. Kakilig talaga.
***
Pagkalabas ko ng dressing room, mukha na agad ni Jacob anh bumungad sakin. Shet, kay gwapo talaga ng lalaking ito. Nilapitan niya ko, and again. Inakbayan niya ko.
[Scene taken from MPB - 11]
Hinugasan ko ng mabilis yung pinagkainan ko at tumabi sa kanha sa sofa. Inakbayan niya ko kaya sinandal ko yung ulo ko sa dibdib niya.
LECHE. BWISET. PUTIK. KINIKILIG AKO! SWEET KAYA NAMIN TIGNAN! WE LOOK LIKE A COUPLE KAHIT HINDI KO NAKIKITA YUNG ITSURA NAMIN!! <33333
[Scene taken from MPB - 13]
Naka-akbay si Jacob sakin habang nakayakap ako sa bewang niya.
"Babe, tignan mo si Emman." bulong niya tapos tumawa ng mahina.
Tinignan ko naman yung kapatid ko, at napansin kong naiinis na siya. "Na-OP siguro." bulong ko pabalik tapos tumawa kami ng mahina.
"Uy, okay ka lang?" tanong sakin ni Jake.
"Uhm... Oo, okay lang ako." sabi ko.
"Sigurado ka?" tanong niya. Tumango ako.
Nagtataka ako. Bakit sa tuwing may gagawin si Jake like, hahawakan niya yung kamay ko, aakbayan niya ako, may mga nagfa-flash sa utak ko na mga pangyayari. At ang lalong ipinagtataka ko, bakit laging nandun si Jake?

BINABASA MO ANG
My Popular Bachelor
FanfictionI'll do everything for him to be My Popular Bachelor.