MPB - 26

2.4K 60 9
                                        

CHAPTER 26

SAM'S POV

It was a soft and gentle kiss, a passionate one. Hindi nga lang ito ang first kiss namin. Sayang. Lolz, ambaliw ko.

He started to move his lips, I followed his lead.

Binuhat niya ko tapos umupo siya sa kama. Bale, nakaupo siya sa kama niya tapos ako naman nakaupo sa lap niya.

Ginulo-gulo ko yung buhok niya. Maya-maya, he started to kiss me aggressively.

Kinagat niya yung lower lip ko at pinasok yung dila niya sa bibig ko kaya napamulat ako at humiwalay sa kanya. Obvious naman na nagtaka siya kung bakit ako humiwalay. Tss. Nakalimutan eh.

"Bakit mo tinigil? Sam naman eh!" sabi niya tapos hinalikan ulit ako pero humihiwalay ako.

"Jac---" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil hinalikan na naman niya ko. At gaya kanina, humiwalay ulit ako.

"Sam naman! Nabibitin ako eh!" sabi niya at hinalikan na naman ako. Tinulak ko siya at sinampal ng mahina. Pero, ewan ko ba sa lalaking to at mukhang nasaktan.

"Diba napag-usapan na natin to?" tanong ko. Napataas naman siya ng kilay.

"No-tongues-allowed, diba?" sabi ko. Nakakadiri kasi pag may tongue. Ewan ko ba kung bakit nung una kaming nag-ganon, parang wala lang.

"Yun lang ba yung dahilan mo? Osiya, hindi na." sabi niya tapos hinalikan na naman ako. Kulit naman nito. Hindi ko na siya tinulak at hinalikan rin siya pabalik.

Naka-kandong na ulit ako sa mga hita niya. I put my hands on his nape habang yung mga kamay niya naman ay nasa bewang ko.

Pakiramdam kong nag-iinit na ko pero tinuloy ko pa rin ang ginagawa ko. Hanggang sa naihiga niya na ako sa kama niya.

He planted small kisses on my neck, pinigilan ko ang sarili kong mag-moan dahil hindi pa man din soundproof ang kwarto niya. Nung maramdaman kong pababa na ng dibdib ko yung mga halik niya, tinulak ko na siya na dahilan kung bakit siya nahulog sa kama.

"That, was a good one." sabi niya then he smirked, pero lumungkot rin agad yung mukha niya. "Kahit bitin. Isa pa, please?" sabi niya tapos umupo sa may paahan ko.

Lumapit ako sa kanya at pinitik yung noo niya tapos sumandal sa headboard ng kama niya. "Halikan mo sarili mo. Buti nga pinagbigyan pa kita eh." sabi ko kaya nag-pout siya. Hahaha, cutie ng babe ko.

Lumabas na ako ng kwarto niya at pumunta dun sa garden nila. Wala lang, I need fresh air.

***

Mabilis na tumakbo ang oras at 9pm na. Nandito kami ngayon sa salas nila, kakatapos lang namin kumain. Kasama ko ngayon si baby Dani tsaka si Jacob. Nagpapaturo kasi si Dani na magtagalog.

"Dani, it's already late na. Ayaw mo pa mag-sleep?" tanong ni Jacob. Bigla namang humikab si Dani. Ay, sakto.

"Yes, kuya. I'm sleepy na rin eh." sabi niya. Lumapit siya sakin, kiniss niya ko sa cheeks tapos niyakap ako. Kumalas rin naman agad siya. "Thank you for teaching me, ate Sam. Let's bond sometime, ha? Goodnight." sabi niya tapos binuhat na siya ni Jacob paakyat.

Nakababa rin naman agad si Jacob. "Ayaw mo bang umuwi?" tanong niya.

"Uwi na rin ako. Inantay ko lang makatulog si Dani." sabi ko. Tinayo naman ako ni Jacob tapos pumunta kami sa kusina. Nandun kasi si tita Janine eh.

"Tita, mauna na po ako. Thank you nga po pala sa lunch, merienda at dinner." sabi ko tapos siya naman yung lumapit sakin.

"Balik ka, hija ha?" sabi ni tita tapos bumeso sakin. "Oo naman po, tita. Babalik at babalik ako dito palagi." sabi ko. Inakbayan na ko ni Jacob.

"Ma, hatid ko lang po si Sam sa apartment niya. Madilim na po kasi eh. Baka mapano pa pag hinayaan kong umuwi mag-isa." sabi ni Jacob. Lihim na napangiti naman ako don. Kinikilig ang lola niyo dito. :">

Nakita ko namang nakatingin si tita sakin kaya nagpoker face nalang ako. Bigla naman siyang natawa tapos kinindatan ako. Omo! "Sige. Mag-iingat kayo ha?" sabi ni tita tapos sinundot pa yung tagiliran ko bago siya umakyat.

Nakarating naman kami sa apartment ko ng mapayapa. Pero, pareho kaming nagtaka ng may makita kaming blue na kotse sa tapat ng apartment ko. Sino kaya to?

"Sure ka, hindi mo kilala kung sino yung may-ari niyan?" tanong ni Jacob sakin. Umiling ako.

Pinagbuksan niya ko ng pinto tapos ininterwine niya yung kamay namin. Nasa likod lang niya ako. Halatang kadarating lang ng kotseng ito.

Nung nasa nalagpasan na namin yung kotse, may nakita akong lalaki na naka-itim na jacket. Naka-shades pa nga ata eh. Nagulat naman ako nang lumingon siya samin tapos kinawayan AKO.

Lumapit siya sakin tapos niyakap ako. "I missed you, Sase." sabi niya.

Nanlaki naman ako dahil sa sinabi niya. "Alex?"

***

"So, kamusta naman ang buhay mo dito, Sase?" tanong ni Alex sakin.

"Eto, okay pa rin naman. Ayan oh, boyfriend ko na yung dream guy ko." sabi ko kay Alex.

Si Alex Quero. Boy bestfriend ko. Magkaklase kasi kami since grade one hanggang 3rd year. Pero just like Ken Andres, pumunta rin sila ng Hong Kong.

Sase tawag niya sakin kasi, trip niya lang daw. Ewan ko ba diyan sa lalaking yan. Baliw ata eh. Pero, na-miss ko rin naman siya no! 2 years rin ang nagdaan.

"Na-gayuma ka, pre?" tanong ni Alex kay Jacob pero tinitigan niya lang ito. How rude of you, Jacob.

"Halika, Alex. Dali, daldalan tayo dito. Dalawang taon rin lang ang nakalipas eh malamang, marami na akong hindi alam sayo." sabi ko at hinila siya sa may dining room.

"Ay, halika, Jacob! Dito ka sa tabi ko." sabi ko tapos tinapik yung upuan sa tabi ko.

Pero imbis na lumapit siya dito, "Wag na. Mag-enjoy na muna kayo ng BESTFRIEND mo. Uwi na ko. Halata namang ma-a-out of place lang ako dito. Ge." sabi niya tapos lumabas ng apartment ko.

Okay, ano namang drama non?

"Alex, sandali lang ha?" sabi ko. Hindi ko na siya inantay sumagot at hinabol na agad si Jacob sa labas. Mabuti nalang at naabutan ko siyang bubuksan palang ang kotse niya. Binack hug ko naman siya.

"What are you doing here? Bakit mo ko sinundan? Bumalik ka na don sa loob, Samantha. You and your bestfriend have a lot of catching up to do." masungit na sabi niya at inalis ang mga braso kong nakayakap sa kanya.

Pumunta ako dun sa harapan niya. "Selos ka?" tanong ko.

Kahit madilim, nakita ko siyang namula. Hihihi, cutie ng babe ko.

"Shut up, Samantha. Balik ka na don." sabi niya. Hinawakan ko yung batok niya at hinalikan siya ng mariin. Wala naman masyadong tao kaya walang makakakita samin.

Nag-respond naman siya sa halik ko at hinawakan ako sa bewang. Napasandal ako sa kotse niya.

Humiwalay rin ako agad ng maramdaman kong nakayakap na yung braso niya sakin. "I love you. Wag ka na magalit, please. Alex is just a friend." sabi ko.

Ngumiti naman siya at hinalikan yung noo ko. "Nakakainis naman oh. Kiss mo lang, nawawala na yung galit ko. Oo na, hindi na. Nakakinis kasi siya eh. Ayaw ko sa kanya." sabi niya sabay pout. Hihihi, cutie talaga ng babe ko.

Kiniss ko naman agad yon, pero smack lang. Napangiti naman siya dahil don. "Wag na magalit, okay? Uwi ka na. Baka magtaka pa sila tita Janine at ang tagal mo bago maka-uwi." sabi ko.

He was about to kiss me nang marinig naming sumigaw si Alex. "Huy, Sase! Ang tagal mo naman!" sigaw ni Alex kaya napabuntong hininga si Jacob at tuluyan nang umalis.

Ang seloso naman ng boyfriend ko.

====================

Sase is pronounced as Sasi. Tapos yung 'John' naman ni Alex ay 'Jin'.

Ano namang role ni Alex sa storyang ito?

A bestfriend? A lover? Or an enemy?

-Claii <3

My Popular BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon