MPB - 9

4K 87 13
                                    

CHAPTER 9

SAM'S POV

Two weeks na ang nakalipas mula nung mag-sleep over sila Jacob sa apartment ko. Palagi kaming magkaka-sama nila Tiffany at Diego dahil hindi naman kami masyadong busy sa school. Si Jacob naman daw, malinis ang schedule niya. Palagi rin naman kaming may picture sa kanya-kanyang cellphone. Pino-post pa naming lahat yung mga yon. Kaya, ayun. Sumabog na nga minsan interactions ko dahil don eh. Si Tiffany at Diego naman, hmmm. May time na magkasundo yung dalawa pero may time parin talaga na palagi silang nagbabangayan.

Pumayag narin si Diego maging choreo nila Emman. Sinabi niya rin na hindi na siya kailangang bayaran dahil trip niya lang.

Saturday ngayon. Nandito ako ngayon sa living room hinihintay si Jacob. Susunduin niya daw kasi ako. Sweet no? Lol kilig, joke. Nagkasabay kasi yung schedule ng photoshoot naming dalawa sa Bench kaya magsasabay nalang kami.

Narinig kong may bumusina sa labas. Siya na siguro yan. Sinuklay ko ng kaunti yung buhok ko at kinuha yung bag ko sa may sofa. Pagkabukas ko ng pinto, mukhang kakatok palang siya kaya sinara ko ulit yung pinto.

*tok*tok*tok*

Binuksan ko yung pinto. "Hi." sabi niya. Hinalikan niya ko sa cheeks at inakbayan ako. Grabe. Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa yon pero hinahayaan ko nalang. Aaaaahhh! Hindi ko kita yung mukha ko pero alam kong kasing pula ko na ang kamatis. Hinahawakan pa yung kamay ko tapos binubuhat pa yung gamit ko. Leche. Kakilig talaga.

Ni-lock ko yung apartment at sumakay na agad sa Porsche box niyang black and white. Hindi naman niya ni-lock eh. Ang hot nung kotse niya, shet.

"Ang aga mo naman. Akala ko aabutin pa tayo ng siyam-siyam eh." sabi niya habang nagda-drive.

"Asa naman. Once in a blue moon lang ako ma-late no." sabi ko.

"Hmm. Excited ka lang na maka-sama ako eh." sabi niya.

"Nyanyanya. Utut mu." sabi ko.

Nag-asaran lang kami ng nag-asaran hanggang sa makarating kami sa studio. Wala kaming suot na pang-disguise tulad ng shades, cap, at jacket. Nakalagay lang yon sa bag ko. Nandun din yung kay Jacob. Bat naman namin susuotin yon? Mamaya nalang kung may iba pa kaming pupuntahan. Tsaka, studio lang naman ang destination namin.

Kahit na bad idea ang umupo dito sa lobby, umupo parin kami. Wala naman sigurong fan ni Jacob ang maliligaw dito. 10 kasi ang shoot, as always. 9:20 palang naman. Wala pa naman atang tao dun sa studio mismo. Mga 9:45 kasi sila nagsisidatingan eh.

***

"Oh, eto daw ang susuotin mo ngayon. Start na ang shoot in 10 minutes." sabi nung assistant nung manager namin na si Ate Pauline. Inabot niya sakin yung mga damit tapos lumabas na ng dressing room.

Ni-lock ko ang pintuan ng dressing room at nagbihis. Pagkatapos kong magbihis, humarap ako sa life-size mirror na nakasabit sa dingding.

Ang cute ko tignan dahil sa 3/4 na yellow ang sleeves na may maliit na pocket sa harap na may '93' at sa brown skirt na pinasuot nila sa akin.

Lumabas ako ng dressing room at minake up-an ako ng make-up artist ng bench na si Ate Sally. Inayusan niya rin ako ng buhok. Naka-messy bun na ang buhok ko. Pagkatapos niya kong make up-an at ayusan ng buhok, tinawag ako ng photographer ng bench na si Joshua para daw sa solo shots ko. Napicture-an na daw kasi si Jacob kanina habang nagbibihis ako.

Inabutan niya ko ng yellow na jumping rope. Nag-pose naman ako then... *Click*

==========AFTER 1 HOUR==========

"Perfect, Sam. Last one. And, done." sabi ni Joshua. "Tapos na ang shoot. Pwede na kayong umalis." sabi niya habang tinitignan yung mga pinagkukukuha niya.

Pumunta na ako sa dressing room nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nagtext pala si Jacob.

From: DJ Alcantara <3

Mag pants at simpleng t-shirt ka lang. May pupuntahan tayo.

Kinilig naman ako sa text at nagpalit na ng damit. Sabi nga niya, pants at simpleng t-shirt lang. Nag suot na rin ako ng blue na Keds. Naka-heels kasi ako kanina nung papunta kami dito at naka skort. (skirt + short)

Plinastic ko yung suot ko kanina at inilagay sa bag. Nilugay ko yung buhok ko saka lumabas ng dressing room. [A/N: Sorry po. Hindi ko naman alam kung anong ginagawa sa photoshoot eh. Malay ko ba.]

Pagkalabas ko ng dressing room, mukha agad ni Jacob ang bumungad sakin. Shet, kay gwapo talaga ng lalaking ito. Nilapitan niya ko, and again. Inakbayan niya ko.

"Ready ka na?" tanong niya.

"Always." sabi ko kahit wala akong alam kung san ba kami pupunta nito.

==========FAST FORWARD==========

5:30 na ng hapon. Nandito kami ngayon sa apartment ko. Galing kasi kaming Enchanted kanina kaya syempre, todo disguise kami dahil baka ma-issue na naman. Oo, na naman. May picture kasi na kumalat sa net. Kami ni Jacob, tumatakbo ng magka-holding hands nung nakita kami sa Starbucks. (MPB - 7) Cap, shades, at jacket. Ang sakit nga ng batok ko eh. Lagi kaming naka-tungo dahil hindi pa sapat ang shades.

Nandito ako ngayon sa kitchen. Nagpe-prepare ng meryenda. Nagtext kasi si Tiffany na pupunta daw sila ni Diego ngayon dito which is, ikinagulat ko naman. Magkasama sila? OMG!

Nilagay ko sa lamesa yung meryenda namin. Tinignan ko naman si Jacob na kasalukuyang nakahiga sa sofa at nakapikit. Napagod ata sa pagda-drive. Imagine, Manila-Laguna? Ilang kilometers?

Lumapit ako sa kinaroroonan niya. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya. Hindi ko naman siya hahalikan. Tinitigan ko ang bawat parte ng mukha niya.

Yung kilay niyang, bagay na bagay sa kanya. Yung mata niyang nakakapang-akit. Yung ilong niyang matangos. At yung lips niyang man----

"If stares can melt, I'm a liquid substance now." sabi niya ng nakapikit. Agad ko namang nilayo ang mukha ko sa kanya. "E-ewan ko sayo!" sabi ko at nagtakip ng mukha. Shet! Nakakahiya ka, Samantha!

"Wag na mahiya. Cute mo." sabi niya. Binuksan niya ang tv at nanood. Shet. Kinikilig akooo!

"Uhm.. Jacob, do you like me?" tanong ko out-of-nowhere. Napatingin naman siya sakin. Nanlaki naman mata ko at tinakpan ang bibig ko. WHAT THE HELL, SAM?! May narinig pa kong natumbang bote sa labas pero hindi ko na muna pinansin yon.

"Ah..E-eh, hind----"

"I don't like you, Sam."

TIFFANY'S POV

Nandito ako ngayon sa labas ng apartment ni Sam. Si Diego may kinuha pa sa kotse. Kakatok na sana ko pero may narinig akong sinabi ni Sam.

"Uhm.. Jacob, do you like me?" tanong niya. Binaba ko ang kamay ko at umatras. Natumba tuloy yung bote. Nilagay ko naman yun sa gilid.

"Oh, walang ta---oumphh!" Tinakpan ko ang bibig ni Diego. Lecheng to. Balak pang mag-ingay. Nilagay ko ang index finger ko sa ibabaw ng labi ko at tinuro yung bintana. Mukhang naintindihan naman niya. Sumilip kami ng kaunti sa may bintana.

Nanlaki ang mata ni Sam. "Ah..E-eh, hind---" Hindi natapos ang sasabihin niya dahil nagsalita si Jacob.

"I don't like you, Sam." sabi ni Jacob. Pansin ko namang lumungkot ng mukha ni Sam. T*ngn*ng to, masyadong straight forward. Tumalikod siya kay Jacob at huminga ng malalim. Hay. I feel sad for my bestfriend. Tama nga sila. Don't ask if you're not ready for the answ---

"I love you." rinig kong sabi ni Jacob.

OH. MY. GOD.

====================

Ayan naaaaaa! Hahaha! I love youuu!

-Claii <3

My Popular BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon