MPB - 36

1.6K 41 1
                                        

CHAPTER 36

JACOB'S POV

"Huy, tamlay mo ata. Kanina ko pa napapansin yan ah. Simula kaninang umaga, siguro, tatlong beses mo lang ako kinausap." sabi ni Lianne.

"Wala, tinatamad lang ako." sagot ko at tinakpan ng panyo yung mukha ko.

"Wow, himala. Tinatamad ka? Grabe. Aish, ano ba kasing problema? Akala ko nga kanina, pagkadating na pagkadating ko dito, magtatatalon ka sa harap ko at ikekwento tungkol sa lakad niyo ni Sam kahapon eh." sabi niya.

"Wala ako sa mood." sabi ko.

"Hay nako, hindi na nga kita kukulitin. Pero, eto nalang. Advice ko nalang sayo, sa susunod na date niyo, dapat---"

"It's too late." pagpuputol ko sa sasabihin niya.

"Anong it's too late i'ts too late ka diyan?" nagtatakang tanong niya.

Tinanggal ko yung panyo sa mukha ko at hinarap siya. "It's too late, Lianne. May boyfriend na siya, talo na ko." sabi ko at tinakpan ulit ng panyo ang mukha ko.

"Ano?! Hindi pwede yan! Lumaban ka, Jacob. Lumaban ka!" hysterical na sigaw niya.

"Wala na, Lianne. Talo na ko. Ayoko na, suko na ko." sabi ko.

Natahimik kami saglit, pero binasag niya rin ang katahimikan. "So ganun na lang yon, Jacob? Susuko ka na? Hindi mo man lang ba siya ipaglalaban?" tanong niya. Tinanggal ko yung panyo sa mukha ko at nakita kong teary-eyed na siya.

"There's no point of fighting. Matatalo't matatalo lang rin ako." sabi ko at yumuko.

Akala ko aalis na siya matapos kong sabihin yon. Instead, nag break-down siya.

"Alam mo ba kung bakit gusto kong lumaban ka at ipaglaban mo siya? Kasi, alam kong parte ako ng dahilan kung bakit wala siya ngayon sa tabi mo. Alam kong parte ako ng dahilan kung bakit siya naaksidente at nagalit yung mama niya sayo. Naaawa ako sayo kaya kita tinutulungan ngayon. Sinasabi ko na ipaglaban mo siya dahil simula palang, iyo na siya. Hindi pa naman kayo nagbe-break diba? Sa sinabi mong talo ka na agad, Jacob, pinakita mo lang na wala kang kwenta. Para mo na ring sinabing hindi mo mahal si Samantha." sabi niya.

Hindi ko akalaing sobrang naaawa na sakin si Lianne. Siya yung laging nasa tabi ko nung mga panahong walang wala ako.

"Lianne..." I was about to hug her pero bigla siyang umiwas at lumayo.

"Don't, Jacob. I hate you for saying those things infront of me. Bahala ka na diyan, hinding hindi kita kakausapin katulad ng dati. I hate you so much, you don't deserve my pity towards you." sabi niya at lumabas ng tent.

***

"I was there from the very start. Bakit ba hindi mo ako magawang pansinin?"

"I...I don't know. I absolutely don't know." sabi ko at tinalikuran siya.

Lianne hugged me from behind, napalunok ako. This is so awkward for the both of us, lalo na't galit siya sakin ngayon.

"CUT!" galit na sigaw ni direk at lumapit sakin.

"Ano bang nangyayari sayo, Jacob?! Kanina pa sana tayo tapos, pero eto tayo ngayon. Nagshu-shoot ng isang scene na hindi mahirap i-take! I can't take this anymore. Bukas na natin ituloy to. Masyado na akong nase-stress." sabi ni direk at umalis na.

Inayos nila yung mga camera at kung anu-ano pa. Minasahe ko yung sentido ko, sumasakit na ang ulo ko dahil sa mga ginagawa ko ngayon, sa mga nangyayare ngayon.

I was expecting Lianne to tease me pero hindi niya ako pinansin. Dire-diretso lang siya sa paglalakad papunta sa tent niya.

I dialled someone's number. Thankful naman ako at sinagot niya agad.

Jacob: ["Hey, long time, no talk."]

Diego: ["Dude! I miss you!"]

Jacob: ["I miss you, too. Kamusta ka na? Kwentohan mo naman ako sa mga nangyayare diyan sa Manila."]

Diego: ["Okay lang naman ako. Gwapo pa rin. Pero, sorry, pre ah. May family dinner kasi kami kasama yung family ni Tiffany."]

Jacob: ["Ganon? Sige, okay lang. Matatawagan ko pa naman si Ken. Hahaha! Goodluck sa dinner niyo mamaya, bye."] sabi ko at in-end call na.

I dialled Ken's number, sinagot niya rin naman yon after few rings.

Ken: ["Uy, napatawag ka yata. Miss mo na ako no? Hahaha! I miss you, too!"]

Jacob: ["Sira ulo ka talaga. Pero, fine. Na-miss na kita."]

Ken: ["Hahaha! Sabi ko na nga ba eh! Lol. Kamusta buhay? Finally, after 5 months, nakausap ka na rin ng maayos."]

Jacob: ["Loko. Ikaw, kamusta? Okay lang naman ako."] kahit hindi.

Ken: ["Okay na okay, tol! May girlfriend na ako! Woooooo!"]

Jacob: ["Talaga? Hahaha! Good for you. Anong pangalan?"]

Ken: ["Marie, pre. Mas maganda pa yata siya kay Sam."]

Jacob: ["Ewan ko sayo. Basta, mas maganda girlfriend ko. Kwento ka naman. Wala akong makausap eh."]

Ken: ["Ay, sorry. May date kasi kami ngayon, pwede ko namang i-cancel para sayo."]

Jacob: ["Ganun ba? Wag mo nang i-cancel. Pa-chix ka pa eh, date date tapos cancel. Bye na nga. Mag-enjoy ka mamaya."] sabi ko at in-end call na.

I feel so alone.

***

When I first saw you didn't know what to think,

But something about you is so interesting.

I can see me and you being bestfriends,

A kind of friends that finish each other's sentences.

When I can't think of the right words to say, I just sing,

Oh oh oh oh oh oh oh, oh oh oh oh oh oh oh

Come on and harmonize with my melody, and we'll sing,

Oh oh oh oh oh oh oh.

Ain't it, a perfect harmony.

I can't sleep that's why I sang that song.

I just missed my bestfriend, alot. Saglit palang kaming hindi nag-uusap, pero feeling ko, buwan na.

====================

Hi guuuuys! Pope Francis is in the Philippines! Ho ho ho 😄🎉

Sorry kung medyo maikli itong update na itoooo. Wala na kasi akong maidagdag eh. Hindi ko alam kung bakit may kanta sa dulo ng chappie na to. Hahaha! Sorry talaga, guys.

Supposedly, dapat hanggang sa phonecall lang ni Ken at Jacob to. Tapos pagkatapos non, 'I feel so alone' then end of chapter. Kaso masyadong maikli kaya naisipan kong maglagay ng kanta. Tatapusin ko pa nga sana yung kanta kaso napaisip ako, ano bang konek nung kanta na to sa chapter ngayon? Nung kinanta ko yung kanta, sumagi sa isip ko yung 'bestfriends' kaya naisip kong dedicated yung kanta ni Jacob kay Lianne.

Walang something sa kanila, guys. Sobrang close lang talaga nila kaya namiss agad siya ni Jacob. Just a reminder, hihihi. Baka kasi kung anong isipin niyo dun sa last sentence ni Jacob sa POV niya eh. Yun lang!

Let us pray na sana maging safe si Pope Francis sa remaining four days niya dito sa Philippines. Kinakabahan nga si ate kahapon nung nanonood siya sa tv, baka daw bigla nalang siyang barilin. Hahaha! Wag naman sana. 😇

By the way, the song is entitled "Perfect Harmony" by Max Shneider and Keke Palmer.

P.S. Aayusin ko yung next chapter. I'll do my best. 😊

-Claii <3

My Popular BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon