Special Chapter - John Alexander

2.9K 32 2
                                    

SPECIAL CHAPTER 1

ALEX'S POV

"Yes."

Nang sabihin niya ang salitang yan sa lalaking pinakamamahal niya, bumagsak agad ang luha ko. Nandito lang naman ako, malayo ng kaunti sa kanila. Kunwari, tumitingin-tingin ng damit. Pero sa totoo lang, kanina ko pa sila pinapanood.

Yung ngiting ni Sase, ngayon ko na lang ulit nakita yan. Ngayon na lang ulit siya ngumiti ng ganyan. Noong ipinanganak niya si James, yun ang huling encounter ko ng ngiting yan. Makikita mo talagang masaya siya.

Napangiti ako, masaya akong nakikita siyang masaya, kahit sa piling ng iba.

Ang akala ko noon, may pag-asa na ako, kasi naghiwalay na sila ni Jacob. Pero, hindi. Buntis pala siya, at si Jacob ang ama. Saka lang ako sinampal ng katotohanan na, hinding-hindi siya mapapa-sakin, kahit anong gawin ko. Dahil naka-tadhana siyang sumaya sa iba, hindi sakin.

I zipped my jacket, sinuot ko yung hood at naglakad palabas ng mall na yon. Tinext ko naman siya ng, *Mauna na ako, Sase. Medyo sumama kasi yung pakiramdam ko.*

Sumakay ako sa kotse at nagsimulang mag-drive. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Maya-maya lang, natagpuan ko ang sarili ko na bumaba ng sasakyan at naglakad papunta sa dagat.

Pinikit ko ang mata ko at huminga ng malalim.

Kailan ko kaya mahahanap ang babaeng para sakin? Kasi, pagod na pagod na akong masaktan...

THIRD PERSON'S POV

"AAAAAAAAHHHHH! AYOKO NA! PAGOD NA PAGOD NA AKONG MASAKTAN!"

"BIGYAN MO NAMAN AKO NG SOURCE OF HAPPINESS!"

Ilang minuto siyang nagsisisigaw sa may dalampasigan. Medyo matagal na naman siguro ang thirty minutes, ano? Pero kahit katiting, hindi nabawasan ang sakit na nararamdaman niya.

"WALA NA AKONG MAGULANG, WALA AKONG KAPATID, MAY KAHATI NA AKO SA BESTFRIEND KO.. Kailangan ko rin ng magmamahal sakin.." yan na lang ang huling naisigaw ni Alex at napaupo na siya sa mga bato.

He cried silently. Oo, inaamin niyang nakaka-bading ang pag-iyak niya, pero, anong magagawa niya? Sobrang sakit na ng nararamdaman niya, hindi na niya kinaya.

Tumingin siya sa araw na kasalukuyang pa-lubog na, at kahit papano, nakalimutan niya ang lahat dahil sa taglay na kagandahan nito. Pero nang lumubog ang araw, bumalik na naman ang lahat ng sakit na nararamdaman niya.

"Sana, hindi na lumubog ang araw. Para tuluyan ko ng makalimutan ang lahat." sabi niya at hinilamos ang dalawang palad sa mukha niya.

Hindi na siya nagsalita. Tanging ang mga alon na lamang ang naririnig niya, pati ang pag-hinga niya. Sana, ganito na lang ka-peaceful ang mundo ko.

Maya-maya lang, napag-desisyunan niya nang umalis sa dalampasigan. Pero bigla siyang napatigil sa paglalakad nang may marinig siyang babae, sumisigaw rin ito, katulad ng ginagawa niya kanina. Sumisigaw rin ito ng kung anu-ano, may kasama pang mura at di ka-aya-ayang pakinggan na mga salita.

"T*ng*na! Mga manloloko kayo! Hindi kayo makunteto sa isa!"

"Bakit kailangang tao ang lokohin nila?! Kailangan talagang pagsabayin? Aba, dapat barbie na lang ang binili niya! Kahit ilan, pwede! Para na rin maloko niya rin yung sarili niya! P*nyeta!"

"Wala kayong mga itlog! Mga manloloko kayo! Hindi kayo mag-ka-ka-anak! Wala kayong pangalawang ulo! T*ng*na talagaaaaaaaaa!"

Natawa si Alex sa mga sinisigaw ng babae. Nasa may di kalayuan lang siya. Kitang-kita niya ang pag-sipa ng bato ng babae. Kumuha rin ito ng bato at binato sa dalampasigan. At habang ginagawa niya yon, may kasama pang mura. Halatang may galit sa loob ang babae.

"P*nyeta kayong mga lalaki kayo! Nakakasakit kayo! Sakit kayo sa ulo! T*ng*na kayo! Mga wala kayong kwenta!"

Natawa na naman siya sa sinigaw ng babae. Sumipa ito ng mga bato pero nasaktan rin siya.

Tumigil sa pagtawa si Alex nang makita niyang ihilamos ng babae ang palad niya sa mukha niya.

"Mga t*rantado! Ayoko na! Ayoko na talaga! Suko na ako! Ayoko nang mabuhay!" sigaw niya at biglang humiga.

"Humiga talaga siya? Hindi ba't masakit yon? Bato yan eh, shunga naman." sabi ni Alex sa sarili.

Naglakad siya papunta sa babae. Naisip niyang i-comfort ito, baka sakaling magka-intindihan sila dahil parehas silang heart broken.

Kalagitnaan ng pag-rampa---este, paglalakad, nagulat si Alex nang biglang bumangon ang babae at may kinuhang cutter sa bag.

"T*ng*na, magla-laslas pa ata." sabi niya sa sarili.

Mabilis siyang tumakbo papunta sa babae at pinigilan ito. Inagaw niya ang cutter dito at tinapon sa malayo.

"Tanga ka ba? Anak ng tinapa, wag kang magpapakamatay!" sigaw ni Alex sa kanya.

Tumingin ang babae sa kanya. "Eh ikaw?! Tanga ka rin ba? Bakit mo ko pinigilan?! Hindi mo naman ako kilala, hindi ko rin naman ako ka-ano-ano! Ano bang pakialam mo?! Kayong mga lalaki, walang pakialam sa mga babae, no! Mga manloloko kayo!" maangas na sabi sa kanya ng babae.

"Oo, hindi kita kilala, hindi rin kita ka-ano-ano. Pero, p*nyeta hindi ako katulad ng mga lalaking sinasabi mo!" sigaw ni Alex sa kanya kaya huminahon bigla ang babae.

Sa hindi malamang dahilan, biglang niyakap nung babae si Alex. Pero sa hindi rin malamang dahilan, niyakap rin siya ni Alex.

Tara, guys, sali tayo sa yakapan nila. Lol, anyway, back to story.

Walang nagsalita sa kanilang dalawa. Pero pagkatapos ng limang minutong katahimikan, binasag ng babae ang katahimikan.

"Bakit mo ko niyakap?" tanong ng babae kay Alex.

Napakunot naman ang noo ni Alex. "Hindi ba dapat ikaw ang tinatanong ko niyan?" tanong pabalik ni Alex.

Natawa naman ang babae at bumitaw sa yakap. "Sorry sa inaasal ko." sabi ng babae.

Umupo si Alex sa tabihan niya. "Okay lang yon." sabi ni Alex sa kanya.

"Kaya ka ba pumunta dito, para ilabas ang sama ng loob?" tanong ni Alex sa kanya.

Marahang tumago yung babae, "Oo, dito kasi yung tambayan ko. Tsaka, magandang lugar to para ilabas ang sama ng loob." sabi ng babae.

Tumango-tango si Alex sabay lahad ng kamay sa babae. "Alex nga pala, ikaw?" sabi ni Alex.

Nakangiting tinanggap naman iyon ng babae. "Andrea." sabi niya.

"Broken hearted ka no?" sabay nilang tanong sa isa't isa.

"Hahaha! Oo, broken hearted ako. Obvious naman na broken hearted ka rin." sabi ni Alex sa babaeng si Andrea.

"Oo, talagang broken hearted ako. Ikaw ba naman maloko." sabi ni Andrea.

Napatitig ang binata sa dalaga. Maganda pala siya, hindi lang halata kanina dahil umiiyak siya.

Bigla na lang nagsalita si Alex. "Alam mo, Andrea, hindi mo kailangang magpakamatay para sa lalaki. Tanga ka ba? Marami pa namang iba diyan, hinding hindi ka pa lolokohin." sabi niya habang nakatitig pa rin kay Andrea.

Napatingin si Andrea sa kanya. "Wala na yatang ganoong lalaki. Nagkahawa-hawa ata ng pagiging manloloko." sabi ni Andrea.

"Nandito pa ako, Andrea. Subukan mo akong mahalin, hinding-hindi kita lolokohin." sabi ni Alex na literal na ikinabagsak ng panga ni Andrea.

"Totoo kaya yung sinasabi nitong mokong na to? Sana. Oo nga naman, bakit hindi ko subukan? Hindi naman masamang magmahal, diba?" sabi ni Andrea sa isip.

====================

So, kamusta? Ayan lang naman yung gusto kong mangyari kay Alex eh. Na may makikita rin siyang baabe na para sa kanya. Yung parang bigla nalang dadating pag nararamdaman mong mag-isa ka lang.

UP NEXT: TIFFANY AND DIEGO'S SPECIAL CHAPTER

-Claii <3

My Popular BachelorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon