57

487 44 1
                                        

Tino

      Sunod-sunod ang naging pagsabog sanhi ng ginawang pag-atake ng kalaban.Habol man ang paghinga subalit hindi ako sumukong sumugod sa kaniya.

Hindi ko magawang makalapit sa kaniya.Masyadong matalas ang kaniyang pandamdam kaya nagagawa niyang matumbok ang aking kinaroroonan.Hindi rin ako nakakapagpalabas ng aking kapangyarihan dahil sa kaniyang mga pag-atake.Nababasa niya ang aking galaw at nalalaman niya kong ba ako ay magpapalabas na ng aking kapangyarihan na siya niya namang pipigilan gamit ang kaniyang atake.

Ilang beses ko ng sinubukang makalapit sa kaniya subalit palagi akong nabibigo.

Isang malalim na buntong-hininga ang siyang kumawala sa aking bibig bago muling naglaho sa aking kinatatayuan.Kailangan kong makalapit rito at sa oras na mangyari iyon,madali na para sa akin ang atakehin siya gamit ang aking kapangyarihan o gamit man ang pisikal na lakas.

Muling ipinalakpak ng kalaban ang mga kamay nito't kumawala ang kaniyang mga atakeng mabilis na binabagtas ang direksyon patungo sa aking direksyon.Kaagad akong sumirko sa ere hanggang sa napagtagumpayan kong maiwasan ito.Hindi pa man ako tuluyang nasa ayos ng muli na naman nitong ipinalakpak ang kaniyang mga kamay at nagpakawala ng kaniyang kapangyarihan.Kusang kumilos ang aking katawan at pumadaos-os na halos dumikit na ang aking katawan sa lupa.

Sa pagkakataong iyon ay nararamdaman ko ng malapit na ako sa kaniya.Nalampasan ko na ang ilan sa mga depensa niya.Mas niliksihan ko pa ang aking pagkilos hanggang sa tuluyan na nga akong makalapit rito.Nakita ko ang mabilis na paggalaw ng kaniyang mga kamay at akmang magpapakawala na naman ito ng kaniyang kapangyarihan subalit sa pagkakataong ito ako na ang kokontrol sa larong ito.Bago niya pa man maisagawa ang kaniyang binabalak ay mabilis kong pinakawalan ang aking kapangyarihan.

Mabilis nawasak ang kinaroroonan nito hanggang sa lumikha ng sunod-sunod na pagsabog.Bagaman nababalutan ng makakapal na usok at alikabok ang paligid ay hindi pa rin ako tumigil.Wala ng makakapigil sa akin.Agad akong lumusong sa mala-dagat ng usok at tinalasan ang pandamdam.Nararamdaman ko ang enerhiya nito at nababatid kong hindi ito malayo sa aking kinaroroonan.

Kusang kumilos ang aking mga paa at agad na tinahak ang direksyon nito.Sa kabila ng makakapal na usok ay malinaw kong nakikita ang paligid.Kaya hindi ito magiging sagabal sa akin.

Natigilan ako sa aking ginagawa ng maramdaman ang enerhiya sa aking likuran.Isang mataas na pagsirko ang aking ginawa at kasabay nito ay ang pagpailanlang ng kapangyarihan na halos humawi sa kakapalan ng usok.Maingat akong lumapag sa lupa habang ang mga mata ay nakatutok sa kalaban.

Hindi maitatangging labis itong napinsala sa aking kapangyarihan dahil sa estado ng kaniyang kaanyuan.Tuluyang nawasak ang kaniyang damit habang may mga natamong pinsala naman sa kaniyang katawan.

Ang mga palad nito ay nanatiling nakatikom habang nakatuon sa aking direksyon.

Kisap-matang naglaho sa aking paningin ang lalaki hanggang sa bigla na lamang itong lumitaw sa aking itaas at walang pag-aalinlangang ipinalakpak ang kaniyang mga kamay sa akin.Pakiramdam ko'y nagkaroon ng sariling buhay ang aking sistema't mabilis na lumukso palayo sa direksyong iyon.

Hindi maipagkakailang napakalakas ng puwersang kumakawala sa katawan nito gayong malaki na ang pinsalang naidulot sa kaniya ng aking pag-atake.Nangangahulugan lamang na hindi biro ang ginawang pag-eksperimento ng taga-PRRS sa nilalang na ito.

Muli akong bumangon at sa pagkakataong ito ay mabilis ko siyang sinugod.Muli na naman itong magpapakawala ng kaniyang kapangyarihan subalit sa pagkakataong ito ay madali na akong makakalapit sa kaniya.Batid ko na rin ang limitasyon ng kaniyang kapangyarihan.

The Son Of MedusaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon