Tino
Kinabukasan ay maaga kong inihatid si Troy sa labasan.Nakapagdesisyon na siya kagabi na uuwi na muna siya sa kanila ayon na rin sa kagustuhan ko.Walang nangyaring samaan ng loob,kapwa naming ipinaintindi sa bawat isa ang kahalagahan ng pansamantalang pagkakalayo namin.Ito lang talaga ang nakikita kong tamang solusyon upang mailayo siya.Ang mawala siya sa litrato.
Bagaman nalulungkot ako dahil muli na naman siyang malalayo sa akin pero sa isip-isip ko't mabuti na rin na nangyari ang bagay na ito.Laking pasalamat ko't ito na mismo ang kumusang umalis dahil kung nanatiling magmatigas ito,baka hindi ko mapigilang gamitin sa kanya ang hipnotismo ko.
" babalikan mo naman ako hindi ba? " malungkot nitong baling sa akin habang nakatayo dito sa gilid nitong kalsada.
Sandali kong ibinaba ang kanyang bagahe at hinarap ito.Maingat kong ikinulong ang aking mga palad sa pisngi nito at matamang pinag-aralan ang mukha nito.Gusto kong kabisaduhin ang bawat parte nito.Sa ngayon hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanyang katanungan.Ayokong bumitaw ng isang pangako na alam ko namang walang kasiguraduhan.
Bagkus na sagutin ang kanyang tanong ay isang matamis na halik ang iginawad ko sa kanyang labi.Nanatili ng ilang minuto ang mga labi naming magkadikit at kapwa ninanamnam ang kasiyahan ng sandaling ito.Wala akong pakialam sa mga taong nakakasaksi sa kung ano ang ginagawa namin,ang mahalaga ay ninanamnam ko ang kaganapang ito at mananatiling isang bahagi ng mahahalagang alaala ko.
Ako na mismo ang kumusang kumalas ngunit nanatiling magkadikit ang aming mga noo.
" mahal na mahal kita Tino " madamdamin nitong sabi bago ako nito yinakap ng mahigpit.Agad ko rin naman itong sinuklian.
" mahal na mahal rin kita Troy,natatakot ako sa mga mangyayari sa hinaharap,pero sisikapin kong lumaban,lalaban ako para sayo,para sa mga naagrabyado at sa mga inosente,patawarin mo ako kung ito ang siyang naging daan ko upang mailayo kita sa nagbabadyang panganib,ayoko lang talagang madamay ka " sunod-sunod na luha ang kumawala sa aking mata pagkabigkas ng mga salitang iyon.Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap sa akin ni Troy.
" Ssssh wala kang dapat ihingi ng tawad sa akin,tama itong ginawa mo,naiintindihan ko ang lahat Tino,naiintindihan ko " aniya sabay halik sa aking ulo.Nanahimik na lamang ako at hinayaang nakakulong ang sarili sa mga braso nito.
Kanina pa nakaalis si Troy subalit nanatili muna ako sa aking kinatatayuan habang nakatanaw sa mahabang kalsada kung saan dumaan ang sinasakyang taksi ni Troy.Isang malalim na buntong-hininga ang siya munang kumawala sa aking bibig bago ko ihinakbang papasok sa looban ang aking mga paa.
Kahit paano may nakakapa na akong kapanatagan sa aking dibdib.
Tumigil ako sa harapan ng barongbarong at malikot na inilibot ang aking paningin sa paligid.Kung siguro'y isa lang akong pangkaraniwang tao,hindi ko talaga iisiping mayroong sekretong lungga ang nasa likod nitong malapad na pader na pinalalamutian ng mga gabundok na basura.
" nakaalis na siya? " pukaw sa akin ng pamilyar na boses.Sandali ko itong ginawaran ng tingin ngunit mabilis ko rin naman iyon ibinalik sa harapan.
" oo,iyon naman ang dapat " sagot ko rito bago muling inihakbang ang mga paa papasok sa barongbarong.
Wala ng ibang kaisipan ang naglalaro sa aking isipan sa mga sandaling ito maliban sa gawing makabuluhan ang araw na ito sa pamamagitan ng pagsasagawa ng aming misyon.
Pagkapasok ko sa loob ay diretso lang ako sa aming silid.Bagaman nababalutan ng kakaibang atmospera ang apat na sulok nito dahil sa pag-alis ni Troy ay mas nanaig pa rin sa aking sistema ang naging plano.Isinukbit ko ang aking tuwalya at dumiretso na sa banyo.
BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa
De TodoBata pa lamang ako ay iminulat na ako ni Tiyo sa aking kapalaran.Ako'y isang anak ng babaeng ahas matagal ng panahon ang nakalilipas.Mabait ito at mapagmahal.Pinagsamantalahan siya ng isang mangangaso at ako ang naging bunga nito.Sa kabila ng ginawa...