Hi,una sa lahat salamat at umabot kayo sa huling pahina nitong istoryang ito.Salamat sa sumuporta at nag-tiyagang naghintay ng update na halos minsan umaabot nang ilang buwan.
Pasensiya sapagkat,alam kong magulo ang plot ng istoryang ito na ayon nga sa mga nababasang kong komento,hindi na maganda ang paroroonan ng kwentong ito,at sinasang-ayunan ko naman iyon sapagkat maging ako'y nawawala na rin sa direksyon.
Nilikha ko ang istoryang ito dahil na rin sa malikot kong imahinasyon.Mahilig ako sa mga palabas na may kaugnayan sa mga salamangka,kapangyarihan at mga kwentong mitolohiya.Iyon ang nagbukas at pumukaw sa akin na isulat ang kwentong ito at ganoon rin sa isa ko pang kwento.
Ang pinakalayunin talaga kung bakit ako nagsulat ng kwento ay dahil nais kong mailipat sa papel ang mga senaryong naglalaro sa aking isipan.Gusto kong mailathala ito sa malinis na papel at magsilbing alaala na minsang naging malikhain ang aking isipan.
Lilinawin ko po na hindi po ako nagsusulat sa Wattpad dahil gusto kong humakot ng mga votes o followers.Nagsusulat ako sapagkat ito iyong daan upang maging malikhain ako't maging masaya.
Sa mga nagsasabing walang kwenta ang aking kwento,salamat pa rin sa inyo.
DIOS MABALOS

BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa
De TodoBata pa lamang ako ay iminulat na ako ni Tiyo sa aking kapalaran.Ako'y isang anak ng babaeng ahas matagal ng panahon ang nakalilipas.Mabait ito at mapagmahal.Pinagsamantalahan siya ng isang mangangaso at ako ang naging bunga nito.Sa kabila ng ginawa...