Tino
Ako na lang ang natitirang nakatayo sa malawak na kapatagang ito.Tanging ang aking paghinga na lamang ang siyang aking naririnig.Nararamdaman ko ang unti-unting pagbabalik ng normal na anyo ng aking katawan.Ang mga kaliskis na nagsilitawan ay unti-unting naglaho.Maging ang aking katawan na pakiramdam ko noon ay punong-puno ng enerhiya ay bigla na lamang tinakasan ng lakas.
Bigla akong napaupo dahil parang ngayon ko pa lamang naramdaman ang pagod.Nakatingala lang ako sa kalangitan na tila pinintahan ng kulay kahel at ilang kakaibang kulay ng isang magaling na pintor.
" Tino? " mahinang tawag ng pamilyar na boses sa aking pangalan.Hindi ko siya tinapunan ng tingin dahil alam ko sa sarili kong mapapahamak siya sa oras na magkasalubong ang aming mga mata.
Naramdaman ko ang pag-upo nito may hindi kalayuan sa aking puwesto.Ngayon ko lamang ito napansin.Saan kaya ito nanggaling?
" heto,nakita ko " aniya at marahang itinapon sa aking harapan ang isang pamilyar na tela.Ang aking tapal.
Isang buntong-hininga ang kumawala sa aking bibig habang nakapako ang aking paningin sa naturang tela.Nagdadalawang-isip kong susuotin ko pa ba ito o itatapon na lamang kasama ng mga emosyong matagal ko ng ikinulong.Pero naisip ko na marahil ang kalayaang matagal ko ng hinahanap ay nalalapit na.Sa oras na mapabagsak na namin ang organisasyon ay magiging malaya na ako.At kapag nagawa ko ng kontrolin ang aking kapangyarihan ay magagawa ko ng magiging normal na tao.
Dinampot ko ang tapal na nasa aking harapan at maingat na ibinalik sa aking mata.Sa ngayon muli kitang itatago subalit hindi ibig sabihin nun ay muli kong ikukulong ang aking sarili.
Matapos maibalik sa aking mata ang tapal tsaka ko pa lamang binalingan ng atensyon si Elias na kasalukuyang nakatingin sa kalangitan.Maraming sugat itong natamo sa iba't-ibang bahagi ng kaniyang katawan.Mababakas sa kaniyang katawan kung ano ang pinagdaanan namin sa araw na ito.
" uwi na tayo " kaswal kong anyaya sa kanya.Tiningnan lamang ako nito at agad na ring tumayo.
" si Mira? " nag-aalala kong tanong ng maalala ang sinapit ng isa naming kasamahan.
Sandaling natahimik si Elias.
" kritikal ang kondisyon niya sa ngayon dahil higit na mas malaki ang pinsalang natamo niya sa kamay ng babaeng kalaban subalit alam kong matapang si Mira kaya lalabanan niya si Kamatayan " paliwanag ni Elias.
Tanging pagtango lang ang naging tugon ko.
" paano tayo uuwi? " nagtataka kong tanong.
Sandaling tumigil si Elias sa paglalakad.
" likha ito ng salamangka ni Baltazar,wala tayong magagawa sapagkat wala sa atin ang may alam kung paano kontrahin ang kaniyang binigkas na orasyon,tanging siya lamang ang may kakayahang ibalik tayo sa dating kinaroroonan "
Wala akong nagawa kung hindi ang itikom na lamang ang aking bibig.Sa pagkakataong ito,hindi ko alam kung saan nagtatago si Baltazar.Katulad nga kanina,batid kong nanatiling nandito siya sa mundong nilikha niya.Nararamdaman ko ang kaniyang presensya subalit hindi ko matukoy kung saan banda.
Nakamasid lang kami ni Elias sa paligid ng bigla na lamang lumitaw ang tila lagusan sa gawing likuran namin.Muli naming inihanda ang aming mga sarili nagbabakasakaling mga kalaban ito.At hindi nga kami nagkamali ng akala.Mula rito ay lumabas ang babaeng pamilyar ang mukha sa akin.Malamig ang mga tinging ipinukol nito sa aming direksyon.
Kasabay ng pag-ihip ng malakas na hangin ang siya ring pagbabago ng aming kinatatayuan at ang siya ring paglabas ni Baltazar sa mahikang bumabalot sa kaniyang anyo.
BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa
RandomBata pa lamang ako ay iminulat na ako ni Tiyo sa aking kapalaran.Ako'y isang anak ng babaeng ahas matagal ng panahon ang nakalilipas.Mabait ito at mapagmahal.Pinagsamantalahan siya ng isang mangangaso at ako ang naging bunga nito.Sa kabila ng ginawa...