15

2.9K 170 9
                                    

Tino

     Ang daling lumipas ng mga araw at sa kabutihang palad ay wala namang naganap na labanan sa pagitan namin at ng mga tauhan ng organisasyon na naka-base dito sa Pilipinas.

Matapos maipaliwanag ni Baltazar ang dapat kong malaman tungkol sa PRSUS ay doon ko lamang napagtanto na hindi nga biro ang pagdadaanan ko.Naunawaan ko na ang lahat tungkol rito pero kung mayroong isang bagay man na hindi ko pa lubos na nasasagot ay iyong katanungan kung ano nga ba talaga ang kailangan nila sa akin?

Hindi nila ako guguluhan ng panahon para lamang mapaslang dahil alam kung binigyan na sila ng madaming pagkakataon na paslangin ako subalit hindi nila ito ginawa o kahit dahil pa iyon sa selyong ipinataw sa akin ni Baltazar.

Hahanapan ko ng sagot ang bagay na iyon dahil maging ang dalawang matanda ay hindi nila batid kung ano nga ba talaga ang sadya nila sa akin.

Sa mga nakalipas na mga araw ay nanatili lamang kami ni Tiyo dito sa loob ng tila isang bahay.Condominium ang tawag rito ayon na rin sa sinabi ni Baltazar.

Hindi ako pinapayagang lumabas ni Tiyo dahil daw baka abangan ako sa labas ng mga kalaban.Kaya naman kahit kating-kati na ang aking mga paa na lumabas sa lugar na ito ay wala akong nagawa kung hindi ang palipasin ang buong araw na tila isang priso.

Sabado ngayon at susubukan ko ulit na magpaalam sa kay Tiyo.Kailangan kong bumisita sa unibersidad dahil ilang araw na akong wala sa klase.Alam kong walang pasok ngayon subalit alam kong may mga propesor akong nandoon ngayon dahil sabi ni Baltazar ay may mga hinahawakan rin itong asignatura tuwing sabado.Syempre kailangan kong humingi ng paumanhin sa pagliban ko ng walang paalam o excuse letter man lang at higit sa lahat ay gusto kong malamam kung ano ang itinuro sa klase noong wala ako.Kahit papano gusto ko pa rin namang mamuhay ng normal sa kabila ng mga panganib na haharapin ko.Basta ang mahalaga ay kailangan kong mailigtas ang buhay ko.Iyon ang misyon ko.Ang kaligtasan ng aking sarili.

Lumabas ako ng kwarto na bihis na bihis.Oversized-shirt at pinaresan ko ng maong na pantalon at tsaka puting sapatos.Lahat ng mga ito ay pinamili ni Baltazar sapagkat hindi na kami maaaring bumalik pa sa inuupahan naming apartment.

Papunta sana ako sa silid ni Tiyo ngunit nakasalubong ko ito sa may sala.May pagtataka sa mukha nito habang papalapit ako sa kanya.Alam ko na kung ano ang iniisip niya.

" hmmm Tiyo,lalabas lang ako saglit " kinakabahan kong paalam rito.

" saan ka naman pupunta? " aniya.

Tiningnan ko siya diretso sa kanyang mata upang malaman niyang hindi ako nagsisinungaling.

" sa unibersidad,hihingi lang ako ng paumanhin sa aking mga propesor dahil sa walang abiso kong pagliban sa klase at tsaka magtatanong-tanong na rin sa mga kaklase ko tungkol sa mga naging diskusyon " pahayag ko rito.Ang hinihiling ko na lamang sa mga sandaling ito ay ang kanyang kasagutan na payagan akong lumabas.

Alam ko namang nag-aalala lang ito para sa akin pero naisip ko rin na walang mangyayari kung magpadala kami sa takot sa organisasyon at magtago na magtago lamang.Kailangan kong mamuhay bilang isang ordinaryong tao sa kabila ng mga bantang nakatali sa aking pagkatao.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan nito.Senyales na nakapagdesisyon na sya.

" sige " tipid niyang sagot at inilagay sa aking ulo ang kulay itim na sombrero.

" basta ipingako mo na babalik ka bago gumabi at ingatan mo ang iyong sarili " paalala nito.Isang malapad na ngiti ang gumuhit sa aking labi.Sa wakas makakawala na rin ako sa kulungang ito.

The Son Of MedusaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon