62

294 25 0
                                    

Tino

  Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid nitong kasalukuyang silid subalit wala akong mahanap na kakaiba sa lugar na ito.Ang boses ni Baltazar ay maririnig mo lamang sa speaker na nakapalibot sa bawat sulok nitong silid.Wala akong magawa kong hindi ang sarilihin ang poot at galit.

" Adio " tawag ko sa kasama.

" ano iyon? " takang tanong niya.Lumapit ako sa kaniya't hinarap ito.Tiningnan ko siya sa kaniyang mga mata't pilit na binabasa kung ano ang ninanais niya.Bakas sa kaniyang mga mata ang kagustuhan niyang mahanap ang kaniyang karugtong-buhay.Ang kaligtasan ng kaniyang kasama.

" puntahan mo na ang iyong karugtong-buhay at ilayo sa lugar na ito Adio,maging ligtas kayo't muling mabuhay " wika ko sa kaniya.Bakas naman sa mukha ni Adio ang pagtataka dahil sa aking sinabi.Hindi nito lubos maunawaan ang biglaan kong pagbabago ng aking desisyon.

Napagtanto kong ang bawat nilalang na nagiging bahagi ng aking laban ay nagkakaroon ng hindi magandang tadhana.Una si Tiyo,pangalawa si Troy,ayoko nang may madamay pa,kailangang mabuhay ni Adio at ng kaniyang karugtong-buhay,ayokong isugal pa niya ang kaniyang buhay sa akin.Sapat na ang kaniyang ginawang pagpapahiram sa akin ng kaniyang pansamantalang kapangyarihan.

" subalit " magsasalita pa sana ito subalit hindi na niya naituloy pa ang kaniyang nais sabihin dahil batid niyang totoo ako sa aking sinabi.

" sige na,puntahan mo na siya at ako na ang tatapos nito " utos ko sa kaniya.Bagaman may pag-aalinlangan pa rin sa mukha nito,wala pa rin itong nagawa kung hindi ang sundin ako't humayo.

Kanina pa nakalayo-layo si Adio samantalang naiwan naman akong mag-isa sa naturang silid habang sinasariwa ang nangyari nitong mga nagdaang araw.Wala na akong pahinga.Kailangan ko ng mapagkukunan ng lakas hanggang sa dulo.At ayokong sa mga taong nakapalibot sa akin iyon magmula.

Unti-unting naglalabas ng mahinang tunog ang aking bibig.Isang panaghoy na sa aking pagkaalala'y isang beses ko pa lamang ginamit.Habang patagal nang patagal,lalong lumalakas ang aking panaghoy hanggang sa umalingawngaw ito sa buong paligid.

Nararamdaman ko ang mahihinang taghoy mula sa malayo,na habang tumatagal ay mas lalong lumalakas ito sa aking pandinig.Gumuhit ang kakaibang ngisi sa aking labi.

Hindi ko akalaing gagana pa rin ang aking panaghoy sa mga sandaling ito.Mula sa bukana ng silid na ito,unti-unti kong nasilayan ang mga iba't-ibang uri at laki ng aking mga alaga.Mabilis ang kanilang paggapang at ang ingay na inilalabas nila ay tila isang napakagandang musika sa aking pandinig.Batid kong nagagalak silang makita ako at ganoon rin naman ako.

Naupo ako at maingat na dinampot ang isang ahas na kulay itim at halos kasing laki ng aking braso ang katawan nito.Hinayaan ko lang itong gumapang sa aking katawan na siya namang nagbibigay ng kakaibang pakiramram.Pakiramdam na waring nagbibigay sa akin ng walang hanggang lakas.Sa bawat pagdaiti ng kaniyang kaliskis sa aking balat ay nagkakaroon ito ng kakaibang reaksyon.

Pumikit ako at sa pagmulat ng aking mga mata,lumantad ang gintong liwanag.

" inuutusan ko kayong punuin niyo ng lason ang aking katawan,ibigay sa akin ang inyong lakas at kaliksihan,ang iyong buhay ay kamatayan " usal ko habang binabalutan ng gintong liwanag ang buong silid.

Isang tuklaw mula sa aking leeg ang siyang nagpatigil sa akin na halos ikawala ko ng balanse't ikabagsak subalit isa iyong magandang palatandaan na ipinagkatiwala nito sa akin ang kaniyang buhay.Ang unang tuklaw ay nasundan pa ng isa,hanggang sa hindi ko na mabilang pa.

Bumagsak ako sa sahig at tila hindi ko na mahagilap pa ang aking paghinga.Hindi ko magawang maigalaw ang aking katawan at waring dinaganan ako ng ilang toneladang bato dahil sa kakaibang bigat na nararamdaman ko.

The Son Of MedusaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon