Tino
Dinala ako ng aking mga paa sa parking area nitong gusaling pagmamay-ari ni Salimar.Hinahanap ko ngayon kung nasaan si Elias at kung nakuha niya na ba ang hinahanap namin.Hindi na kasi ito bumalik pa sa itaas kanina kaya marahil hinintay na lang ako nito rito sa ibaba.Dire-diretso lang ako sa paglakad habang palinga-linga sa paligid nagbabakasakaling nandito si Elias.
Makalipas ang ilang sandali ay pinili ko na lang muna ang tumigil sa paghahanap.Kanina pa ako paikot-ikot sa lugar na ito subalit wala namang Elias o Salimar akong nakita.
" nasaan na ba siya " wika ko sa aking sarili.Bumalik kaya siya sa itaas?Baka nagkasalisi kami kaya hindi ko siya magawang mahanap sa lugar na ito.Sinimulan ko ng ihakbang ang aking mga paa pabalik sa itaas subalit hindi pa man ako nakakalayo ng marinig ko ang sunod-sunod na mga yabag mula sa aking likuran.Dali-dali akong tumago sa gawing likod ng kotse't tahimik na inobserbahan ang paligid.
Mula sa mga pulis ang naturang mga yabag marahil papunta sila ngayon sa itaas kung saan naganap ang malakas na pagsabog.Nanatili muna ako sa aking pinagtataguan hanggang sa tuluyang nawala sa aking pandinig ang kanilang mga yabag.Lumabas na ako sa aking pinagtataguan at akmang babalik na sana sa loob ng biglang may nahagip ang mata ko na parang bulto ng tao sa madilim na sulok nitong lugar.Hindi ako sigurado kung tao o ito o likha lamang ng malikot kong imahinasyon.Nakatuon lang doon ang atensyon ko ng biglang may nagsalita sa aking likuran.
" anong ginagawa mo dito? " mabilis pa sa alas-kwatrong napalingon ako sa nagsalita.Laking ginhawa ko ng makilala ang nagmamay-ari ng boses na iyon.
" saan ka ba nagsususuot? " usisa ko rito.Bakas sa mukha nito ang kabiguan kaya may kutob akong wala itong napala sa pagsunod sa kay Salimar.
" umalis na tayo rito,may mga pulis sa paligid kaya kailangang hindi nila tayo makita rito " aniya habang maingat na hinuhubad ang suot nitong jacket at ibinigay sa akin.
" suutin mo yan " wika pa nito.Hindi na ako nagprotesta pa at isinuot ko na lamang ang kanyang jacket.
Nilisan na nga namin ang lugar na ito kung saan bigo kaming makuha ang sagot na hinahanap namin.Ang tindi rin ng organisasyon at nagawa nilang maitikom ang bibig ng kanilang mga kakuntsaba.
Dumiretso kami ni Elias sa isang tagong-lugar malapit sa unibersidad kung nasaan nagtatago si Derik.Abala ito sa harapan ng screen nang dumating kami.
" kumusta ang lakad niyo? " usisa nito.Isang buntong-hininga lang ang kumawala sa bibig ni Elias bilang sagot sa tanong ni Elias.Hindi ko na nga rin ito inusisa pa kanina dahil batid ko namang magiging tikom ang bibig nito sa detalye ng mga pangyayari.
" may nahanap ka bang kakaiba? " pag-iiba nito ng mapag-uusapan.Inilihis na lang rin ni Derik ang paksa dahil mukhang alam na nito ang magiging kahihinatnan kung patuloy nitong kukulitin si Elias na isang nilalang na mainitin ang ulo kapag hindi umaayon ang kanyang plano.
" oo,ito panoorin niyo itong footage na ito dito sa likod nitong gusaling ito " turo nito sa isang screen.Gumawi ang aming atensyon ni Elias sa naturang bagay at mula rito ay malinaw sa amin kung ano ang nangyari.
Mayroong grupo ng mga estudyante ang bigla na lamang naglaho sa parteng iyon.Nakakapagtaka rin dahil sa tingin ko hindi naman edited itong ipinakitang footage ni Derik sa amin.Mayroong nangyayaring hindi maganda sa loob ng unibersidad na ito.
" bigla na lamang silang naglaho sa ere na walang gamit na kahit anong devices,parang mayroong portal na nakalagay diyan na hindi visible sa ating mga mata " paliwanag ni Derik.
Posibleng mayroon ngang inilagak na portal sa lugar na iyon lalo pa't mayroon akong kakilang nilalang na may kakayahang lumikha ng ganoong bagay.Ang tinutukoy ko ay ang isa sa mga matataas na opisyales ng PRSUS na tumulong sa kay Baltazar upang makatakas.

BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa
RandomBata pa lamang ako ay iminulat na ako ni Tiyo sa aking kapalaran.Ako'y isang anak ng babaeng ahas matagal ng panahon ang nakalilipas.Mabait ito at mapagmahal.Pinagsamantalahan siya ng isang mangangaso at ako ang naging bunga nito.Sa kabila ng ginawa...