Tino
Walang tigil sa pagdaloy ang aking dugo sa aking katawan.Nahati na rin ang aking suot na damit.Kapag hindi ko ito pansamantalang mapigilan maaaring maging dahilan ito ng maaga kong pagkamatay.
Dali-dali kong hinubad ang aking damit at pinunit ito pahaba.Agad ko itong itinali sa aking sugat upang mapigilan ang paglabas ng dugo.Ng tuluyan ko ng mapigilan ay tsaka pa lamang ako nakaramdam ng kaginhawaan.
Binalingan ko ng tingin si Troy na nanatiling nakasubsob sa mga trash bin.Nababasa ko sa kaniyang mukha ang pag-aalala at kaba kaya naman isang matamis na ngiti ang sumilay sa aking labi.
" tapusin na natin ito " seryoso kong wika bago inihanda ang aking sarili.
Sa pagkakataong ito,nakabangon na mula sa pagkakabagsak ang kalabang malaki ang pangangatawan.Masama ang mga tinging ipinukol nito sa akin habang hinihimas-himas ang kanyang panga.
Ito na ang tunay na laban.
Sa pagkakataong ito,ako na ang naunang sumugod sa dalawang kalaban.Sinimulan ko ng lakbayan ang espasyo sa pagitan namin,maging ang dalawa ay sinabayan rin ang aking pagtakbo.Pagdating sa gitna ay agad akong pumadaos-dos sa ilalim ng malaking lalaki at mabilis na hinablot ang likod ng ulo nito sabay ibinagsak ng malakas sa sahig.Tumalamsik sa aking mukha ang mga dugo na nagkalat sa sahig ngunit hindi ko iyon inalintana.Maging ang naturang semento ay nagkaroon ng biyak sanhi ng malakas na pagbagsak.
Agad akong sumirko sa ere ng mapansin ang paglapat ng mga pangsipit ng ikalawang kalaban patungo sa aking direksyon.Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at agad ko itong sinipa sa bandang tagiliran.Mas higit na malakas ang aking sipa sa pagkakataong ito kaya naman hindi nakatakas sa aking pandinig ang paglagatok ng kung anong buto sa loob ng katawan nito.
Parehong bumagsak sa iisang direksyon ang dalawang kalaban.Tumayo ako habang nanatiling nasa dalawang kalaban ang aking atensyon.Masyado yatang naging brutal ang aking pakikipaglaban.
Mukhang tuluyang nawalan ng malay ang dalawa.Ito na siguro ang pagkakataon upang makatakas kami sa kanila.Dali-dali kong nilapitan si Troy na mapahanggang ngayon ay gulat na gulat pa rin sa kanyang nasaksihan.
" ayos ka lang ba? " nag-aalala kong tanong sa lalaking kaharap.Tinulungan ko itong tumayo subalit hindi pa man ito tuluyang nakakaayos ng tindig ay marahan ako nitong tinulak palayo sa kanya na siyang ikinagulat ko.
" ano yun?! " hindi niya makapaniwalang bulalas sabay turo sa dalawang kalaban ba nakalindusay sa semento.
" mamaya ko na ipapaliwanag sayo " sagot ko sa kanya at akmang lalapitan ko na siya ngunit muli na naman siyang humakbang paatras palayo sa akin.
" ANO NGA ANG MGA YUN! " bulyaw niya sa akin.Sa kauna-unahang pagkakataon ay ito ang unang beses na tinaasan niya ako ng boses.Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako nagulat sa biglaan niyang pagtaas ng boses sa akin subalit mas pinili kong intindihin na lamang siya dahil alam kong hindi ito saklaw ng kaniyang kaisipan.
" Troy " mahinahon kong tawag sa kaniya.Halatang balisa na siya at tila naguguluhan tungkol sa kanyang mga nakita.Ilang minuto pa ang lumipas bago ito humarap sa akin.Bakas sa mukha nito ang kaba at takot.
" Tino ano iyon? " bakas ang takot sa boses nito.Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at sinubukan muling hawakan siya.Nagtagumpay naman ako dahil wala naman akong nakuhang protesta mula rito.Mabilis ko siyang ikinulong sa aking dibdib kung saan nararamdaman ko ang panginginig ng kaniyang katawan.
" huwag ka ng matakot Troy,hindi kita hahayaang saktan nila " pampalubag-loob ko rito habang nakayakap pa rin sa kanya.
Kailangan na naming umalis rito hangga't wala pang malay ang dalawa.Kailangan mailayo ko rito si Troy lalo na ngayon na mukhang namukhaan na siya ng dalawa kanina na kasama ko.Ayokong madamay siya sa gulong ito.
BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa
RandomBata pa lamang ako ay iminulat na ako ni Tiyo sa aking kapalaran.Ako'y isang anak ng babaeng ahas matagal ng panahon ang nakalilipas.Mabait ito at mapagmahal.Pinagsamantalahan siya ng isang mangangaso at ako ang naging bunga nito.Sa kabila ng ginawa...