61

363 23 0
                                        

Tino

Hindi nga ako nagkamaling humingi ng tulong sa binatang nagpakilalang Adio bilang kapalit naman sa pagsagip ko sa kaniyang karugtong-buhay.Tuluyan kaming nakalabas sa naunang palapag dahil sa kaalaman nito.Alam nito ang pasikot-sikot sa naturang palapag kaya hindi kami nahirapang makalabas sa silid na iyon.

Ayon sa kay Adio,ang palapag na iyon ay isang bahagi lamang ng ikalawang palapag kung nasaan ang mismong laboratoryo.Ayon pa rito,mas komplekado pa ang mga nalalabing mga palapag sapagkat higit na binabantayan ito ng mga kalabang may matataas na antas ng kapangyarihan.

Ang naturang palapag na kinaroroonan namin sa kasalukuyan ay nababalutan ng mga salamin at ilang mga makabagong teknolohiya na ngayon ko pa lamang nakita at hindi ko rin naman alam kung ano ang gamit nito.Kataka-taka nga lang sapagkat walang mga tao sa palapag na ito,marahil nalaman na nilang paparito ako't agad na tumakas.

Maingat ang bawat hakbang namin ni Adio dahil sa kakaibang uri ng bagay na nakapalibot sa amin.Hindi namin batid kung ano ang kaya nitong gawin gayong ito'y likha na ng modernisasyon.

" bakit tila napakatahimik rito? " tanong ko sa kay Adio habang maingat itong sinusundan.

" dito ginaganap ang malawakang operasyon at eksperimento,saksi ang palapag na ito kung ilang nilalang na ang kinitil ng mga walang pusong dalubhasa ng medisina upang makabuo ng mga makabagong armas " kaswal na paliwanag naman ni Adio habang nanatiling nakatuon sa daan ang atensyon nito.Dahil sa kaniyang sinabi ay bahagya akong natigilan at napatingin sa mga nakapalibot na mga aparato sa paligid.Labis na ang pagkakasala ng organisasyon sa mundo.

" Tino? " mahinang tawag ni Adio sa pangalan ko.Gumawi sa kaniya ang aking mga mata kung saan sumalubong sa akin ang kakaibang titig nito.Waring nakakita ito ng isang multo mula sa nakaraan.

" bakit? " walang kamalay-malay kong tanong sa kaniya.

" sa likod mo " aniya bago naramdaman ang malakas na pagyanig ng paligid.Kaagad na mabilis na kumilos ang aking sarili at agad na nilapitan si Adio habang unti-unting gumuguho ang ibang bahagi ng palapag.

" anong nangyari? " nagtataka kong tanong sa kasama.

" nandito na siya " usal nito habang nakatingin sa mga makakapal na usok at alikabok sa gawing harapan namin.May pagtataka ko naman siyang tiningnan.Naguguluhan ako sa sinasabi niya.

" Adio!tumingin ka nga sa akin,ano bang pinagsasabi mo,sino ang tinutukoy mong nandito na? " naguguluhan kong tanong sa kaniya.Bakas sa mukha ni Adio ang takot habang nakatingin sa aking likuran,dala ng kuryusidad ay kaagad kong iginawi ang aking mga mata sa direksyong iyon.Kasabay ng pagtama ng aming mga mata ang siyang pagbalot ng kakaibang emosyon sa aking sistema.Ang aking mga tuhod ay tila nawalan ng lakas,nararamdaman ko ang panunuyot ng aking lalamunan at ang mabilis na paglukob ng emosyon sa aking dibdib.

Nakatuon lang ang aking mga mata sa nilalang na nasa aming harapan.Hindi ko batid kung ito ba'y isang panaginip lamang o isang ilusyon na nilikha ng mga kalaban,gayunpaman hindi ko maiwasang hindi magalak.Hindi ko ito inaasahan.

" Tino " mahinang tawag ni Adio sa pangalan ko subalit hindi ako nag-aksaya ng panahon upang tugunan ito.Ang aking atensyon ay nakatuon lang sa nilalang.Ayokong alisin ang aking mga mata sa direksyon niya sapagkat baka sa saglit na pagkisap ng aking mga mata ay tuluyan itong mawala at ipaalala sa akin na tunay ngang likha lamang ito ng aking isipan.

Nararamdaman ko ang paggalaw ng aking mga paa papalapit sa nilalang na tila estatwang nakatayo habang malamig ang mga matang nakatingin sa akin.

Nilalamon ng matinding kasiyahan ang aking dibdib.Hindi pa man ako tuluyang nangangalahati sa tatahaking direksyon ng maramdaman ko ang ginawang pagpigil sa akin ni Adio sa pamamagitan nang mahigpit na paghawak sa aking bisig.Kunot-noo akong tumingin sa kaniya habang hindi maiwasang ipakita ang pagkainis sa aking mukha.

The Son Of MedusaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon