Tino
Tipid ang mga binibitawan kong hakbang papalapit sa kaharap na nilalang na mapahanggang ngayon ay tila hindi pa rin nakakabalik sa kanyang ulirat.Ilang dipa na lamang ang layo ko mula sa kanya ng bigla na lamang itong umatake gamit ang kanyang kapangyarihang mga bloke ng yelo.Hindi pa man ito nakakalapit sa akin ng tuluyan na itong natunaw sa semento.Bakas sa mukha nito ang pagkagulat dahil sa nangyari subalit patuloy pa rin ito sa kanyang pag-atake.
Mas tumindi ang liwanag na inilalabas ng aking mata sa mga sandaling ito at sa bawat bagay na nadadapuan nito ay walang pag-aalinlangang nagmimistulang likido dahil sa mabilis na pagkatunaw.Bagaman kontrolado ko na ang aking kapangyarihan subalit sa mga sandaling ito ay nalulunod pa rin ako sa kung gaano ito kalakas.
" bakit tila may nararamdaman akong takot sa iyong porma? " nakangisi kong tanong rito habang walang tigil sa pag-iwas sa kanyang mga atake.
" kahangalan!anong takot ang pinagsasasabi mo!?hindi mo ba ako nakikilala?ako si Dag-at ang nilalang na nilikha mula sa elemento ng tubig!kaya bawiin mo iyang salitang namutawi sa iyong bibig! " nanggagalaiti niyang asik.
Sumilay ang isang pinong ngiti sa aking labi dahil sa narinig.Kung gayon ay napagtagumpayan kong malaman kung ano ang kanyang pangalan.
" ako si Tino!at malugod kitang binabati sa pagdating mo dito sa aming mundo " pakilala ko rito at walang pasabing inatake ko siya.Ramdam ko ang pagbilis ng aking paggalaw na tila ba nakikipagtagisan ako sa ihip ng hangin.
Mas tumindi ang liwanag sa aking mata habang nakatutok ito sa direksyon ni Dag-at.Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano ito nalusaw na tila binuhusan ng asido ang porma niya.
" AAAHHHH!! " umalingawngaw ang nakakabinging hiyaw ni Dag-at sanhi ng pangyayari sa kanyang porma.Mabilis na binalot ng mga tila mga hiblang lubid ang paligid.Ito'y likha mula sa tubig na umuugnay sa kanyang porma.Mabilis ang paglakbay nito't marahas ang bawat atake nito dahilan upang masira ang mag bagay-bagay sa paligid.
Kisap-matang naglaho ako sa aking kinatatayuan ng mapansin ang mabilis na paglakbay ng kanyang kapangyarihan papunta sa akin.Lumitaw ako sa gawing likod niya at akmang aatakehin ko na siya ng bigla na lamang humarang sa aking harapan ang nagkumpulang mga lubid at pumurmang malaking kamao.
Dahil sa bilis ng pangyayari ay hindi ko man lang napigilan iyon at wala akong nagawa ng mag-isa ang katawan ko at ang bagay na iyon.Tumilapon ako sa malapit na kotse na siyang naging dahilan ng pagkayupi nito.Umalingawngaw ang sirena nito habang unti-unti akong umaangat mula sa pagkakalugmok.
Hindi pa man tuluyang nakakatayo ay muli na namang umatake si Dag-at gamit ang kanyang minamanipulang kapangyarihan.Nanatiling kampante ako sa aking kinatatayuan at kasabay ng paglapat ng kanyang kapangyarihan sa aking katawan ang siyang pagpapalaya ko naman sa aking kapangyarihan.
Nararamdaman ko ang tila pagbalot ng kakaibang init sa paligid.Waring nasa gitna kami ng desyerto dahil sa init na nakapalibot.Ilang sandali pa'y napansin ko ang unti-unting pagbabago ng pisikal na anyo ng mga bagay-bagay sa paligid at ito'y tuluyang natunaw.Parang isang yelong itinapat sa apoy.
Bakas sa mukha ng kaharap ang hirap sa kalagayan niya ngayon habang unti-unting nagiging singaw ang kanyang katawan.
" AHHHHH!!! " sigaw niya at bigla na lamang siyang natunaw.Ngunit sa pag-aakala kong tapos na iyon ay nagkamali ako sapagkat ilang sandali lamang ang lumipas ay nagmistulang karagatan ang kaninang magulong kalsada.
Agad akong tumalon sa mataas na parte nitong kinaroroonan ko habang nanatiling nakatuon ang atensyon sa ibaba.Nagkaroon ng hindi inaasahang pagbaha sa lugar dahil sa kagagawan ni Dag-at.Walang kaduda-dudang likha nga siya ng elemento ng tubig.Kontrolado niya ang kahit anong uri ng tubig sa paligid.
BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa
RandomBata pa lamang ako ay iminulat na ako ni Tiyo sa aking kapalaran.Ako'y isang anak ng babaeng ahas matagal ng panahon ang nakalilipas.Mabait ito at mapagmahal.Pinagsamantalahan siya ng isang mangangaso at ako ang naging bunga nito.Sa kabila ng ginawa...