55

696 58 4
                                    

Tino

  Kanina pang tahimik si Zac simula ng nilisan namin ang lugar na iyon kung saan nakipaglaban siya sa hindi nakikilalang kalaban.Siguro'y binabagabag siya ng kanilang naging pag-uusap.At dahil doon ay mas lalo pa tuloy akong nagkaroon ng interes na malaman kung ano nga ba talaga ang kanilang naging komprontasyon.

Kasalukuyan kaming nakasakay sa isang lantsa.Si Zac lang ang nakakaalam kung saan kami nito dadalhin.May tiwala naman ako sa kaniya na hindi niya kami tratraydurin.Kaya kampante ako sa mga planong binibitawan niya.

Nakapagtataka lamang dahil kami lang ang sakay nito maliban sa isang lalaking may-ari ng naturang lantsa.

Nasa gawing unahan ang tatlo samantalang nandito kami ni Zac sa gawing likuran dahil may mahalaga raw siyang sasabihin sa akin.Pinaunlakan ko naman ang kaniyang kagustuhan kahit unti-unti na akong nilalamon ng katanungan sa aking isipan.

" anong gagawin natin sa tinutukoy mong isla?   " basag ko sa katahimikan dahil tila wala atang balak na magsalita ang katabing lalaki.

Napansin kong tila malalim ang iniisip nito kaya naman hindi niya narinig ang aking sinabi,kaya muli ko siyang tinawag.Sa pagkakataong ito ay nakuha ko na ang atensyon niya.

" ano iyon? " aniya.Wala nga siyang narinig mula sa sinabi ko.

Bagaman unti-unti na akong nakaramdam ng inis para rito,pinilit ko na lang na unawain ito.

" ang sabi ko ano ang gagawin natin sa islang pupuntahan " ulit ko.

Sandali munang namagitan sa amin ang katahimikan.Tanging mga mahihinang hampas lamang ng alon at pagtaghoy ng hangin ang siyang ingay na maririnig.

" sa lugar na iyon magtatapos ang lahat-lahat Tino " kaswal nitong sagot habang nakatingin sa malawak na karagatan.

Sandali akong nagtaka sa kaniyang sinabi hanggang sa unti-unti kong nauunawaan ang nais niyang iparating.Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko dahil sa kaniyang sinabi.Ang nais ba niyang iparating sa amin ay doon nagkukuta ang organisasyon?.Sa lugar na pupuntahan namin?.

Hindi ko alam kung anong emosyon ang naglalaro sa aking dibdib sa kasalukuyan.Halo-halo ang mga ito na halos hindi ko makita ang pagkakaiba ng mga ito.

" kung gayon sa pupuntahan natin naroroon ang organisasyon,totooba ito?! " may bahid ng pagkasabik kong usal.Hindi mawala-wala sa aking labi ang galak ngunit ang pakiramdam na iyon ay unti-unting naglaho ng mapansin ang pagbabago ng ekspresyon ni Zac.Ang nakasanayan kong kalamigan ng kaniyang mukha ay unti-unti ko ng nakikitaan ng emosyon.At nangingibabaw rito ang lungkot.Kalungkutang hindi ko mahagilap kung saan niya hinugot.

" may problema ba? " usisa ko rito.Nanatiling nakatanaw sa karagatan si Zac.

" may gumugulo ba sa isipan mo? " muli kong tanong.Kumawala ang malalim na buntong-hininga sa kaniyang bibig bago ako nito hinarap.Punong-puno ng kalungkutan ang kaniyang mga mata.Kalungkutan na hindi nangangailangan ng karamay.

Ito ang unang beses na nakita ko siyang ganito.Nakakapanibago.

" ikinalulungkot ko Tino subalit hanggang dito na lamang ako " aniya na siyang ikinagulat ko.Kusang gumuhit ang pagtataka sa aking mukha dahil hindi ko maunawaan kung ano ang nais niyang iparating sa kaniyang sinabi.

Nagpapaalam ba siya?Para saan?.

" hindi kita maunawaan Zac,ano ang ibig mong sabihin? " naguguluhan kong tanong sa kaniya.

Sandali muna siyang binalot ng katahimikan.Hinahayaang damhin ang pagsampal sa kaniya ng sariwang hangin upang makakuha ng lakas ng loob.

" natatandaan mo ba ang naganap na labanan kanina kung saan nakipaglaban ako sa isang misteryosong estranghero " aniya.

The Son Of MedusaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon