Tino
Kasalukuyan akong nandito sa loob ng aming silid ni Troy,tahimik habang matamang pinapanood ang aligagang kasintahan dahil mahuhuli na siya sa kanyang klase.
Hanggang ngayon ay ambigat pa rin ng aking pakiramdam habang mabuting pinag-iisipan ang nagawang desisyon kagabi.
Isang mabilis na halik sa aking pisngi ang siyang nagpabalik sa aking ulirat.Nagkasalubong ang aming mga mata subalit sa pagkakataong ito ay hindi ko magawang tumingin sa kanya ng matagal.Ayokong mabasa niya ang mga naglalaro sa aking isipan sa mga sandaling ito.
" kanina pa kitang napapansing parang wala ka sa sarili mo " puna nito sa akin.Tumabi ito sa akin at mahigpit na hinawakan ang aking kamay.
" may bumabagabag ba sa iyo?kung tungkol ito sa napag-usapan natin kagabi,huwag kang mag-alala kakausapin ko mamaya si Mariel " aniya.
Nanatiling tikom ang aking bibig habang nasa kawalan ang paningin.
" uy Tino pansinin mo naman ako " pangungulit nito sa akin at pilit na kinukuha ang aking atensyon.
Sa pagkakataong ito ay isang mahigpit na yakap ang ibinigay nito sa akin.Gusto kong suklian ang kanyang mga yakap subalit kapag ginawa ko iyon ay baka tumiklop ako't bawiin ko ang aking naging desisyon.
" umuwi ka na " kaswal kong usal rito.Hindi ko alam kung saan ako bumunot ng lakas ng loob upang masabi ang salitang iyon.
Batid kong nabigla ito sa narinig kaya naman pinilit ako nitong iniharap sa kanya.Bakas sa kanyang mukha ang kalituhan.
" umuwi ka muna sa inyo,sa pamilya mo " muli kong sabi sa kanya na siyang naging dahilan kung bakit mas lalong lumukot ang ekspresyon ng kanyang mukha.
" pero kayo ang pamilya ko " aniya.
Sa mga sandaling ito ay nagawa ko ng salubungin ang kanyang mga titig.Natutuwa ako dahil itinuturing niya kaming kanyang pamilya subalit batid kong mayroon ring isang pamilya ang naghihintay sa kanya.Iyong pamilyang magagawang manatili sa kanyang tabi kahit na anong mangyari at iyong pamilyang pagkalooban siya ng hindi mapantayang pagmamahal.
" bakit mo sinasabi sa akin ngayon ito? " nababasa ko sa kanyang mga mata ang mga gumugulong katanungan sa kanyang isipan ngayon.
" Tino kung may problema tayo,maaari naman nating mapag-usapan ng masinsinan hindi iyong ganito,gusto mo akong pauwiin sa amin gayong hindi ko naman alam ang tunay na dahilan?! " medyo tumaas na rin ang tono ng pagsasalita ni Troy marahil naiinis na siya sa mga pinagsasabi ko't pagiging tikom ko sa tunay na dahilan kung bakit ginagawa ko ang bagay na ito.
" sagutin mo ako Tino dahil hindi kita maintindihan,wala akong kakayahang basahin ang nasa isip mo ngayon kaya please lang ipaliwanag mo sa akin kung bakit mo ginagawa ang bagay na ito " may bahid ng pagsusumamo nitong sabi.
Isang malalim na buntong-hininga ang siyang kumawala aa aking bibig bago umalis sa kanyang tabi at hinarap siya.
" gusto kong umuwi ka na sa inyo,gusto kong ibalik mo sa dati ang kung anong naiwan mong buhay noon,at kung maaari'y pilitin mong kalimutan ang mga ito,iyon lang ang gusto ko,iyon lang " malamig kong pahayag sa kanya.Hindi nakatakas sa aking paningin ang pag-usbong ng galit sa mga mata ni Troy habang binibitawan ko ang mga salitang iyon.Batid kong pinipigilan nito ang sariling hindi magpadala sa emosyong naglalaro sa kanyang sistema.
" bakit mo sinasabi ang mga bagay na iyan?anong ibalik sa dati ang dati kong buhay?at anong kalimutan ang mga ito?hindi kita maintindihan Tino! " tiim-bagang niyang sambit.
Hindi ko siya sinagot.Nakatingin lang ako sa kanya na para bang hindi ako kinakabahan sa kung anong itsura niya ngayon.
" ipaliwanag mo sa akin Tino! " halos mapakislot dahil sa bigla nitong pagsigaw.Ramdam ko ang panggigigil sa mga iyon subalit naroroon pa rin ang pagtimpi.
![](https://img.wattpad.com/cover/198231111-288-k673683.jpg)
BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa
RandomBata pa lamang ako ay iminulat na ako ni Tiyo sa aking kapalaran.Ako'y isang anak ng babaeng ahas matagal ng panahon ang nakalilipas.Mabait ito at mapagmahal.Pinagsamantalahan siya ng isang mangangaso at ako ang naging bunga nito.Sa kabila ng ginawa...