48

575 52 3
                                    

Tino

Mabilis na lumipad palayo si Mira patungo sa kinaroroonan ni Eli kung saan tutulungan nitong mabawasan ang bilang ng mga taga-organisasyon na mapahanggang ngayon ay tila walang katapusan ang kasaping patuloy na nakikilaglaban.

Samantalang nanatili ako ritong nakatayo habang matamang nakatingin sa tatlong nilalang na naririto.Nasa pangangalaga ko pa ang elemento ng tubig kaya kahit papano hindi ako gaanong mahihirapan sa labang ito.

Wala na akong inaksaya pang panahon at mabilis akong umatake sa mga ito.Maging sila ay handa na rin sa aking gagawing pag-atake.Lumitaw sa paligid ang tila hugis orbe na binabalutan ng naglalagablab na apoy.Mula naman sa ilalim ng lupa ay umusli ang malalaking ugat na may matatalim na dulo,At sa himpapawid,isang mabilis na sirkulo ng hangin ang siyang lumitaw sa gawing aking giliran.

Inihanda ko ang aking sarili't agad na lumukso ng mataas.Sa bawat pagkisap ng aking mata ang siyang pagpapakawala ko ng aking kapangyarihan na kahit mismo ang kanilang mga atake ay walang nagawa.Mabilis kong ikinulong ang mukha ng nilalang na pinalilibutan ng mga ugat sa aking kamay at walang pag-alinlangang ibinagsak ito sa lupa.Buong lakas kong hinablot ang ulo nito mula sa kaniyang kawatan at walang awang inihiwalay ito.Tumayo ako habang nanatiling nasa aking kamay ang ulo nito.Nakatanaw lang ako sa naturang bulto na nasa aking harapan bago ibinaling sa dalawa pang kalaban.

Inihagis ko patungo sa kanilang direksyon ang naturang ulo ng kanilang kasamahan subalit wala man lang akong nakuhang kahit anong reaksyon mula sa mga ito.Blangko ang ekspresyon sa kanilang mga mukha waring hindi kabilib-bilib ang aking ipinakitang palabas.

Napukaw ang atensyon ko ng biglang tumayo ang kaninang bulto ng nilalang na pinalilibutan ng mga ugat.

Paanong nangyaring buhay pa siya?.

Laking gulat ko ng bigla na lamang umusli ang tila hugis bilog na pinalilibutan ng mga maliliit na bulaklak at ilang sandali pa'y inilantad nito ang panibagong ulo nito.Katulad pa rin ng dati ang itsura niya.

Mukhang hindi magiging madali ang pakikipaglaban ko sa mga nilalang na ito.

Bahagya kong iniatras ang aking kanang paa upang makapag-ipon ng sapat na lakas roon para sa susunod kong gagawing pag-atake.

Nang makahanap ng tiyempo ay walang pagdadalawang-isip akong tumalon ng mataas at kasabay ng pagkislap ng liwanag sa aking mata ang siyang pagpira-piraso ng katawan ng nilalang na binabalutan ng apoy.Nagkalat ang porma nito sa lupa ngunit hindi man lang naglaon ay unti-unting bumalik sa dati ang porma nito katulad ng nangyari sa naunang nilalang.

Imposible!.

Wala akong maisip na estratehiya.Hindi madaling matalo ang mga ito kung walang konkretong plano.Paano ko mapapabagsak ang mga ito gayong ang kanilang porma ay hindi ko magawang mabuwag ng tuluyan.

Bagaman habol ang paghinga ay nanatiling kalmado ang tindig ko.Walang tigil sa pag-isip ng maaaring gawin laban sa mga nilalang na nasa aking harapan.

Nasa ganoon akong sitwasyon ng bigla na lamang tumambad sa aking harapan ang  pigura ng nilalang na binabalutan ng naglalagablab na apoy at agad akong inambahan ng magkasunod na suntok.Sa kabutihang palad ay naging mabilis ang kilos ko't nagawa kong masangga ang kaniyang pag-atake.Bagaman napigilan ang kaniyang atake ay hindi maipagkakailang malalakas ang mga iyon.Ramdam ko na nalapnos ang parteng iyon ng aking braso dahil sa apoy na nakabalot rito.

Umatras ako ng bahagya habang nakapukol sa kalaban ang atensyon.Hindi pa man nakakabawi mula sa unang atake ang nilalang na binabalutan ng apoy ay siya namang pag-usli ng bulto ng isa pang nilalang na nababalutan ng mga bato ang katawan mula sa ilalim nitong lupa.

The Son Of MedusaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon