Tino
Hindi halos sukat kong akalain na magkakaroon ako ng pangalawang pamilya sa katauhan ng mga nilalang na naririto sa nakatagong mundo.Gayon pa man ay masaya ako dahil nanggaling mismo iyon sa kay Apong Langkay na siyang naging amahin ni Tiyo.Nakakasiguro akong hindi na ulit mapaglalaruan ang aking tiwala dahil alam kong hindi katulad ni Baltazar ang nasabing matanda.
Buo na ang desisyon na simulan na ang matagal ng nakaplanong misyon.Ako na lamang ang kanilang hinihintay upang maisagawa ito.Ito pala ang isa mga naparaming dahilan kung bakit akong maaganh sinanay ni Tiyo sa pakikipaglaban.
Nang araw ding iyon ay napagdesisyonan na namin na lisanin na ang lugar habang maaga pa dahil kapag tatagal pa kami ay baka matunton pa ito ng organisasyon.Ayokong madamay ang mga nakatira rito kaya hangga't maaari ay kailangan na naming umalis at panatiling lihim ang pinanggalingan.
Ako
Si Elias.
Si Eli at
Si Mira
Kaming apat ang magtutulungang mapabagsak ang organisasyon dito sa Pilipinas.Alam namin na sa gagawin namin ay nangangahulugang nasa bingit na ng kamatayan ang aming mga buhay.Walang kasiguraduhan kung magiging matagumpay kami sa aming tila pag-aaklas pero hangga't kaya naman ay hindi kami titigil.
Wala pa kaming lead kung saan ang hideout ng organisasyon at iyon ang aming misyon.Ang alamin kung saan ito nagtatago.Ayon sa salaysay ni Elias,wala sa mga nahuli niyang kasapi ng organisasyon ang nagsasalita kapag tinatanong kung nasaan ang kanilang lungga.Tila sa umpisa pa lamang ay na-orient na ang mga tauhan na manatiling tikom ang bibig kahit anong mangyari.
Hindi magiging madali ang labang ito.Pero sisiguraduhin kong bibigyan ko sila ng magandang laro.
Matapos ang araw ding iyon ay humayo na kami.Bakas sa mukha ni Eli at Mira ang pagkasabik sapagkat ito ang kanilang kauna-unahang pagkakaon na makakaapak sa labas.Nagkatawang-tao ang dalawa upang maitago ang kanilang tunay na anyo sa tulong na rin ng salamangka ni Apong Lakay.
Ilang oras na kaming nakatayo rito sa gilid nitong mahabang kalsada subalit mapahanggang ngayon ay wala pa ring dumaraang sasakyan na maaari kaming ihatid sa karatig bayan.
Tahimik lamang akong nakaupo sa luntiang damuhan habang si Elias naman ay nanatiling nakatayo sa gilid ng kalsada.Wala naman ako gaanung iniisip maliban sa maaaring kahantungan nitong aming misyon.
" anong iniisip mo? " kaswal na tanong sa akin ni Elias.Di ko man lang namalayan na nasa aking tabi na pala ito.
" h-huh?ah wala naman " wika ko bago ilihis ang aking paningin sa kanya.
" sana maging matagumpay tayo sa ating gagawing misyon,nakakapagod na rin ang ganitong sitwasyon Tino,halos buong buhay namin nakatago lamang kami sa mundong pansamantalang ginawa ni Apo Lakay,gusto kong maranasan ng mga kalahi natin iyong mga nararanasan ng mga normal na tao " malungkot na simula ni Elias habang nakapako ang kaniyang mga mata sa dalawang kasamahan na walang kapaguran sa pagtakbo sa kahabaan nitong highway.
" magiging matagumpay tayo Elias,magtiwala ka lang " pampapalakas-loob ko sa kasama.
Katahimikan.
Ilang sandali pa ay may naririnig na kaming tunog ng papalapit na sasakyan.Agad na tumayo si Elias at naiwan akong mag-isang nakaupo rito.Malaya kong pinagmasdan ang malapad na likod ng nasabing lalaki at sa di mawaring kadahilanan ay bigla akong nilukob ng kakaibang damdamin.
Agad kong iniwas ang aking mga mata habang walang tigil sa pagkabog nitong aking dibdib.Anong ibig sabihin nito?
" ayos ka lang ba? " pukaw sa akin ni Eli na nasa aking tabi na.May pagtataka sa mukha nito habang nakatingin sa aking direksyon.
BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa
RandomBata pa lamang ako ay iminulat na ako ni Tiyo sa aking kapalaran.Ako'y isang anak ng babaeng ahas matagal ng panahon ang nakalilipas.Mabait ito at mapagmahal.Pinagsamantalahan siya ng isang mangangaso at ako ang naging bunga nito.Sa kabila ng ginawa...