5

3.9K 231 15
                                    

Tino

    Hindi rin naman nagtagal si Troy sa puwesto namin dahil umuwi na rin ito.Kasama niya yung katulong nila sa pagpunta rito.May gaganapin raw kasing salo-salo sa kanilang mansion at nagkulang sa mga rekados.

Naging abala kami ni Tiyo sa buong maghapon sa pagtitinda.Konti na lamang ay mauubos na ito.Bandang alas singko ng hapon ay tuluyan na ngang naubos ang aming paninda.Syempre tuwang-tuwa kaming dalawa pati na rin ang ilan naming mga kasamahan.

Dahil wala na kaming maibe-benta ay isinara na namin ang aming puwesto ngunit mananatili kami rito ngayong gabi dahil bukas na lamang kami ng umaga aalis.Abala si Tiyo sa pagbibilang ng aming benta habang ako naman ay inaayos ang aming mga kagamitan.May pasipol-sipol pa akong nalalaman habang inaayos ang mga ito sa kariton.Ilang sandali pa ay lumapit sa akin si Tiyo.Maaliwalas ang mukha nito.Alam ko na kung ano ang dahilan niyan.

" Tino halika may pupuntahan tayo " wika nito.Kahit nagtataka ay lumapit pa rin ako rito.

" saan naman tayo pupunta?magmo-mall ba tayo? " nakangiti kong tanong.Malay mo naman hindi ba.Malaki ang benta namin kaya baka may gantimpala rin kami para sa aming mga sarili.

" malalaman mo mamaya " aniya at inakbayan ako.Nagsimula na kaming maglakad.Ano naman kaya iyon?May nalalaman pa siyang suspense.

" saan ba talaga tayo Tiyo pupunta? " di ko mapigilang itanong.Malayo na kami sa aming puwesto at patungo kami sa sakayan ng mga tricycle.Katulad kanina ay nanatiling nakatikom ang bibig nito.Grabe seseryosohin nya talaga iyang suspense.

Dahil mabait akong bata ay patuloy ko pa rin siyang kinukulit hanggang sa makasakay kami ng tricycle at hanggang sa umaandar na ito.Malayo-layo na kami at napapansin kong papunta ang aming direksyon sa centro.Ang centro na tinutukoy ko ay iyong lugar sa bayan kung saan mas urbanisado kaysa sa ibang bahagi ng nasasakupan nito.Ang mga building dito ay halos umabot na sa langit.Marami rin ditong mga sasakyan,iba't-ibang kulay at klase.Hindi uso ang salitang 'tulog' dito kapag dis oras ng gabi sapagkat may tinatawag silang night life.Ibang-iba ang buhay rito kumpara sa buhay na mayroon kami sa bukid.

" andito na tayo " pukaw sa akin ni Tiyo.Bumaba kami sa isang may kalumaang gusali.Ngayon ko lang napansin na kalat na ang dilim sa paligid pero hindi mo ito mapapansin dahil sa mga nagkalat na mga streetlights sa gilid ng kalsada.

Pagkatapos makapagbayad nilapitan ako ni Tiyo.Nanatili kaming nakatayo sa harapan ng gusali.Kunot-noo ko itong tiningnan.

" may kakausapin tayo " aniya.Hindi na lamang ako umimik.

Pumasok na kami sa loob.Sa unang palapag,malawak ang espasyo rito.May mga nakaparadang sasakyan at sa gilid na bahagi ng palapag ay mayroong hagdan.Tuloy-tuloy lang sa paglakad si Tiyo samantalang nakabuntot lang ako sa kanya.Teka lang,bakit alam na alam ni Tiyo kung saan ang patutunguhan namin.Nakapunta na ba sya rito?

" noong nakaraang sabado ay nagawi na ako rito,kinausap ko ang may-ari nito " wika nito.

" bakit mo naman kinausap?kalaguyo mo hanu?! " asar ko.Sinamaan lang ako nito ng tingin.Hays hindi talaga mabiro-biro ang matandang tuh.

Huminto kami sa isang malapad na pintuan.Kumatok si Tiyo ng tatlong beses bago may bumukas nito.Bumungad sa amin ang isang may katandaan ng babae.Puti na ang karamihan sa kanyang buhok at nakasuot na rin ito ng salamin na may mataas na grado.Matanda na nga.

" kayo pala Mister " masayang salubong nito sa amin.

" magandang gabi ho " pagbati ni Tiyo.

" magandang gabi rin po " bati ko rin.

Pinapasok na kami nito sa kanyang bahay.Maganda ang loob ng kanyang bahay.Magarbo ang lahat ng mga kagamitang mayroon siya.Maging ang kanyang sofa ay napakalambot.

The Son Of MedusaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon