Tino
Mayroong inilaang maliit na bahay para sa akin si Apong Lakay.Pagkatapos ng aming seryosong usapan ay pinahatid ako nito sa kanyang isang kasamahan.
" hi ako nga pala si Mira! " masiglang bati sa akin ng kasamang babae.Siya ang maghahatid sa akin sa aking pansamantalang titirhan.
" ako si Tino " nakangiti kong pakilala sa kanya.Tuloy lang kami sa paglakad.
Sa tantya ko ay magkasing edad lang kami ni Mira kung gagamitin ang taon na ginagamit sa labas na mundo.May katangkaran lamang ako ng kaunting pulgada sa kanya.Agaw-pansin sa kanya ay iyong kanyang tila matitingkad na balahibo sa kanyang mga braso at leeg.
" isa akong taong-ibon " basag nito sa katahimikan.Pagtango lamang ang aking naitugon rito.
" matagal naming hinintay ang pagpunta mo rito sa mundong iyong kinabibilangan Tino at laking tuwa ko ng matagumpay kang naidala rito ni Elias " pahayag nito na siyang aking ikinabigla.
" bakit anong meron sa akin at hinihintay niyo ang aking pagpunta rito? " nagtataka kong tanong.Tumigil ito mula sa kanyang paglalakad at hinarap ako.
" dahil sayo nakasalalay ang buong lahi Tino,sa oras na makuha nila ang iyong mata at matagumpay na mabuhay ang Kraken sigurado akong lilipulin nila tayong lahat " seryoso nitong sagot at nagsimulang maglakad.Naiwan akong tulala.Hindi ko akalain na ang laking responsibilidad pala ang nakapasan sa akin.
" huwag kang matakot Tino!tutulungan ka namin upang hindi nila makuha ang kanilang nais! " nakangiti nitong sabi.Sinimulan ko ng ihakbang ang aking mga paa.
Ilang sandali pa ay narating na namin ang sinasabing pansamantalang tirahan ko.Maganda ang pagkakagawa nito at malinis ang loob.Kompleto rin sa mga sinaunang gamit pambahay.
" ito ang magiging tirahan mo hanggang sa tuluyang maging maayos ang kondisyon ng iyong katawan Tino " wika ni Mira sa akin habang abala ako sa paglilibot sa naturang bahay.
" maraming salamat Mira " masaya kong tugon rito.Hindi na rin ito nagtagal pa at nagpaalam na sa akin.Naiwan akong mag-isa sa loob nitong munting tahanan.Ang katahimikan ng lugar ay nagbibigay sa akin ng ibayong kapayapaan.Naupo ako sa isang mahabang upuan na binabalutan ng malambot na balahibo ng tupa.
Sa ngayon,susulitin ko ang oras na ito upang bumalik ang aking nawalang lakas at magpakondisyon na rin ng aking katawan.Darating ang panahon na sasabak ako sa matinding laban at paniguradong ang aking katawan ang magiging kahinaan ko.
Naramdaman ko ang unti-unting pagbagsak ng aking talukap.Tila dinuduyan ako sa aking kinauupuan.Hanggang sa kusang bumagsak sa malambot na upuan ang aking katawan at tuluyang nagpatianod sa kadiliman.
Nagising ako ng makarinig ng mga kaluskos sa paligid.Agad akong bumangon at nagmatyag.Maingat ang aking ginawang pagtayo habang hinahanap kung saan iyon nanggagaling.
Kalat na ang dilim sa paligid subalit nanatiling malinaw sa akin paningin ang kabuuan nitong bahay.Muli akong may narinig na kaluskos mula sa gawing likuran ko.Agad kong ikinuyom ang aking palad at akmang aatakehin na ito subalit bigla akong natigilan ng bumungad sa akin ang pigura ng isang batang lalaki na pinalilibutan ng nagkikislapang alitaptap.
" sino ka?! " seryoso't maawtoridad kong tanong rito.Mababanaag sa mukha ng bata ang takot at pagkagulat sa aking ginawa.
" a-a-ako si Eli " nanginginig nitong pakilala.Ibinaba ko na ang aking kamay na kanina pang nakaposisyon sa ere bilang paghahanda sa gagawing atake.
Isang malalim na buntong-hininga ang aking pinakawalan.Muli kong hinarap ang bata na ngayon ko lang napansin na nakalutang pala ito sa ere.
" ako si Tino,pasensya ka na kanina ah,akala ko kasi kalaban ka " sinserong kong paumanhin.Bigla namang nagbago ang ekspresyon ng mukha ng nagpakilalang si Eli.Naglaho na ang takot sa kanyang mga mata at ito ay napalitan ng saya.

BINABASA MO ANG
The Son Of Medusa
AléatoireBata pa lamang ako ay iminulat na ako ni Tiyo sa aking kapalaran.Ako'y isang anak ng babaeng ahas matagal ng panahon ang nakalilipas.Mabait ito at mapagmahal.Pinagsamantalahan siya ng isang mangangaso at ako ang naging bunga nito.Sa kabila ng ginawa...